Enrique Gil, ayaw pagbigyan ng interview si Ogie Diaz?/th

Enrique Gil, ayaw pagbigyan ng interview si Ogie Diaz?

Enrique Gil, ayaw pagbigyan ng interview si Ogie Diaz?
Photo Courtesy: Ogie Diaz (FB), MJ Salcedo/Balita

Ibahagi

Tila hindi raw tinutugon ni Kapamilya actor Enrique Gil ang hinihiling sa kaniyang interview ng showbiz insider na si Ogie Diaz.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” noong Huwebes, Disyembre 19, kinumusta ni Mama Loi ang ugnayan ng co-host niyang si Ogie at Enrique.

“Humihirit ako ng interview kay Enrique. Diyos ko, kung sino-sino na nilalapitan ko. Walang balik sa akin,” saad ni Ogie.

Dagdag pa niya, “Sa totoo lang, gusto kong makapanayam si Enrique. Hindi dahil for the views. Wala lang. Unang-una, hindi naman kami magkagalit ni Enrique.”

Annabelle Rama, Jinkee Pacquiao may hidwaan?

 

Sa katunayan, ayon kay Mama Loi, pumunta pa raw sila ni Ogie sa bahay ni Enrique noong pandemya.

Pero matatandaang nagkaroon ng tampo kay Ogie ang alaga niya at dating ka-loveteam ni Enrique na si Liza Soberano matapos niyang tawaging ungrateful ang huli.

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News