DINGDONG DANTES UMAMIN NA SA ISSUE MAY ANAK SILA NI LINDSAY DE VERA/th

 

Dingdong Dantes teaches his kids to protect the environment at an early age

dingdong dantes family

Dingdong Dantes on teaching his kids about the importance of taking care of our environment: “You should lead by example. Sa lahat naman ‘yan, di ba? Sa tahanan mo, o sa kahit ano mang institusyon, you have to lead by example. Kasi kung ano yung nakikita sa ‘yo, most likely yun ang gagayahin ng iyong mga anak.”

Maaga pa lang ay tinuturuan na ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera ang kanilang dalawang anak na sina Zia at Sixto kung paano pangalagaan ang ating kalikasan at kapaligiran.

Ayon kay Dingdong, bilang isang mamamayan, dapat ay mayroon tayong ambag kung paano natin mapangangalagaan ang ating kalikasan, kapaligiran, at kahit ang mga hayop sa ating paligid.

Nabanggit ito ni Dingdong sa nakaraang mediacon ng programa niyang Amazing Earth na magdidiwang ng fourth anniversary nitong buwan ng Hulyo.

Dito ay tinanong ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) ang aktor tungkol sa pangangalaga ng ating kalikasan at mga hayop, pati ang climate change.

Ang nakakatuwa, sabi ni Dingdong, nakuha niya ang interes ni Zia nang sinimulan niya sa pagbabasa ng libro at sinasamahan pa raw niya ng acting.

Lahad niya, “Nag-umpisa kasi ito nung binigyan ako ng libro ni Ogie Rivera, isa sa ating napakalupit na manunulat, and I was privileged na mabigyan ng ganung libro.

“Para siyang… very easy to understand na may mga drawing. So, bago matuto sila, kinukuwento ko tungkol sa isang character… sa isang octopus kung ano ang nangyari sa kanya dahil sa ganito.

“Sa mga ganung bagay na kailangan mong lagyan ng konting… sasamahan mo ng theatrics, e, para maging mas interesado yung mga bata.

“Kapag nilagyan mo ng theatrics, nilagyan mo ng cartoons, kapag naintindihan nila…may acting din yun kasi parang… siyempre kailangan, baka sabihin nila parang fake naman ito. You have to get their attention.”

Natutuwa naman daw si Zia na minsan ay pinapaulit pa raw ito sa kanya.

“Siyempre, uulitin ko naman yun,” bulalas ni Dingdong.

Naniniwala si Dingdong na bilang isang magulang, dapat magpakita ka ng magandang ehemplo sa iyong mga anak.

“You should lead by example. Sa lahat naman ‘yan, di ba? Sa tahanan mo, o sa kahit ano mang institusyon, you have to lead by example.

“Kasi kung ano yung nakikita sa ‘yo, most likely yun ang gagayahin ng iyong mga anak.

“Kaya it’s really important to also set the culture sa loob pa lang nga mga tahanan,” saad niya.

Isa raw ito sa napagtanto niya at mga natutunan sa programang Amazing Earth, kung paano mapapanatiling “amazing” din ang ating bansa.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Kung maraming natutunan ang audience, lalo na ako. Kasi isipin mo… parang tingin ko ay ako ang kauna-unahang audience ng show na ito dahil ako talaga ang nagbabasa… I mean, binasa ko yung istorya. So, kumbaga, ako yung unang nai-inform.

“Kaya sinasabi ko, manghang-mangha ako every time na nagbu-voice over dahil, if there’s always something new na idadagdag sa akin tuwing ginagawa ko ito.

“Kumbaga, hindi lang siya parang trabaho sa akin, ano na siya, naging way of life na dahil siyempre… you know, kailangan talaga natin nga mga inspirasyon to carry on ng mga ginagawa natin,” seryoso niyang pahayag.

Mayroon ba siyang gustong iparating o hiling sa ating bagong administrasyon para mapapanatili ang pangangalaga sa ating kapaligiran, sa ating kalikasan at kahayupan?

Pahayag ng dating National Youth Commission chairman, “Maraming mga plano ang pamahalaan para dito, at nasaksihan ko ang mga ito nang nabigyan ako ng pagkakataong magsilbi noong 2014 to 2016.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Sigurado rin ako na may mga ideas mula sa current administration natin para mapalakas at mapabuti ang polisiyang ito. Pero sa aking palagay, ang susi para makamit ang mga ito ay ang pagkakaroon ng proper execution at strong political will para ma-realize ang mga goals na ito.

“Pero hindi ito nagtatapos sa pamahalaan lamang. Malaking bahagi din ang participation nating mga mamamayan.

“Kaya sa tingin ko, hindi lang siya dapat hinihiling kundi kusa ito at dapat manggaling sa atin — sa ating mga citizens, sa ating mga tao — dahil tayo rin naman talaga ang tagapangalaga, di ba? Tagapangalaga nitong magagandang bagay na ibinigay sa atin ng Panginoon.

“So, I think, everyone has their own role in taking care of all these God-given gifts. So, mapa-hayop man ‘yan, mapa-kalikasan man ‘yan, o kahit ano man, pati itong tinatamasa nating kalayaan, di ba? Kailangan pangalagaan natin.

“And everyone should play their significant part by being responsible citizens.”

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News