Christopher de Leon shuns questions regarding the Matet de Leon-Nora Aunor rift over gourmet tuyo: “I’m not interested in dramas like that.”
Photos: Archie Liao / @misismatet
Masaya ang Drama King na si Christopher de Leon sa pagkakahirang sa ex-wife niyang si Nora Aunor bilang National Artist for Film.
“Good for her. Yeah, honestly she needs that,” matipid niyang lahad.
Aniya pa, willing rin daw siyang muling makatrabaho ito, depende sa proyekto.
Hinggil naman sa kontrobersyang kinasangkutan ng aktres at ng kanilang anak na si Matet de Leon, ay ayaw daw niyang panghimasukan ang bagay na iyon as much as possible.
Matatandaang nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang mag-ina dahil sa claim ni Matet na kinumpetensiya umano siya ng ina sa kanyang gourmet tuyo business by coming up with her own.
(Ang update ay nagka-ayos na ang mag-ina over the new year. Katunayan ay dumalo pa si Matet sa birthday party ng special friend ng kanyang ,mommy na si John Rendez na ginanap sa bahay ng Superstar. Si Nora pa ang sumalubong sa kanya sa gate, base sa video shots ni John mismo na in-upload later on sa YouTube vlog niya.)
Sa tingin daw ni Boyet, palayaw ni Christopher, ay tensyonado lang ang dalawang kampo nang mangyari iyon.
“They’re just emotional about the whole thing,” pakli ng Drama King. “There’s a lot behind it. There’s a lot behind what people are saying. I know the tension already. I know the background pero hindi naman ako makapagsalita because I’m not interested in dramas like that. Sabi ko nga, I try to stay away from that.”
Pero agad na paglilinaw niya, hindi rin daw nagkumpisal sa kanya si Matet sa mga pinagdadaanan nito sa kanyang mommy. Despite that, alam daw niya ang mga nagaganap.
“I know what really happened. I know all the stories in all the stages,” makahulugang pahayag ng aktor.
However, naniniwala rin daw siyang tulad ng ibang away ay mareresolba din ang sigalot ng mag-ina kahit hindi siya nakikialam.
“I’m older now. Para sa akin, iyong stuff like this can hinder your enjoyment in life. So, sabi ko, ‘Tama na ‘yan,’” dagdag pa ni Christopher.
At dahil nga nagka-ayos na ang mag-ina recently, nagpapasalamat si Boyet na naplantsa ang gusot na hindi niya kailangang mamagitan.
Dagdag pa niya, nakaugalian na rin daw niya na i-reject sa kanyang sistema ang anumang ka-negahan dahil ayaw niyang maapektuhan ng mga lumalabas sa social media.
“I have friends na ikinukuwento sa akin. Actually, we never enjoy talking about other people. There are good or better news. Mas prone ako doon. It lightens up my day than talk about this negative stuff,” pagtutuldok niya sa topic.
Samantala, si Christopher ay kasama sa cast ng Batang Quiapo ni Coco Martin, kung saan bibigyang-buhay niya ang papel bilang pinuno ng mga gangster.
Sa ngayon, naghahanda na rin siya sa kanyang papalapit na “Some Kind of Valentine” concert, kung saan kasama niya ang mga career contemporaries na sina Tirso Cruz III at Bobot Mortiz. Kasali rin, as special guest, ang singer-actress na si Lovi Poe.
Mapapanood ito sa Newport Performing Arts sa Newport World Resorts sa February 3 and 4. Tampok din sa one-of-a kind concert na ito sina Mel Villena, AMP Big Band, at ang fast-rising artist na si Kaneisha Santos. Ito ay sa produksyon ng Dreamwings Productions at ng magkapatid na Charo at Malou Santos.
“This is gonna be a fun concert. It’s gonna be a night of love, music and laughter,” pagtatapos ni Christopher.