Ang sinabi ni Nora Aunor nang paulit-ulit na sinasabi ng kanyang adopted daughter na si Matet de Leon na siya ay “traitor”, nilinaw din ni Nora Aunor ang away ng mag-ina./th

Nora Aunor on feud with Matet de Leon

Nora Aunor gives update n her relationship with her children.

nora aunor fast talk

Nora Aunor on relationship with her children: “Meron kaming mga hindi pagkakaintindihan na, sabi ko nga sa yo, hindi ko naman itinatago. Pero ang importante, yung nagkakausap kayo. Nagkakaunawaan kung ano yung pagkukulang ng mga anak, magbibigay ang ina, kahit ano pa man yon.”
PHOTO/S: GMA Network
Noong December 2022, naglabas ng sama ng loob si Matet de Leon sa YouTube channel nito dahil, diumano, tinapatan o naging magkatunggali sila ng kanyang adoptive mother na si Nora Aunor sa bottled tuyo business niya.

Nang sumunod na buwan, January 2023, inilahad ni Matet na nagkasundo at nagkausap sila ng nanay niya kaya hindi na siya nagtatampo sa batikang aktres na idineklara bilang National Artist for Film and Broadcast Arts.

“Kami ni Mommy ko ay nagkaayos na. Nakita na nila, nag-upload na ng video si Kuya John [Rendez, Nor’as longtime companion]. I think I spoke too soon when I said I didn’t want to talk to her anymore… See what anger can do?” kuwento ni Matet tungkol sa pagbabati nila ni Nora.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Sa panayam ni Nora sa Fast Talk With Boy Abunda ngayong Lunes, February 20, 2023, tuluyan na ring tinuldukan ng Superstar ang kontrobersiya sa kanilang negosyong tuyo ni Matet.

Saad niya, “Yun naman kasi, hindi kami… siguro may pinagdadaanan yung anak ko at hindi ko rin naman alam na may pinagdadaanan siya.

“Ang sa akin, nagkaroon ako ng ano na, ‘Halika, maggawa tayo ng tuyo,’ na hindi ko alam na ikakasama ng loob niya.

“Nagkaroon ng sama ng loob. Pero tulad ng sinabi ko kanina, importante yung nag-uusap.”

Patuloy ni Nora, “Okay kami ngayon, dinadalaw ako ng mga anak ko. Si Ian [de Leon], kararating nga lang pala ni Ian, galing Japan.

“Kapag Sunday, pinapasyalan nila ako, lahat silang pamilya,” salaysay ni Nora.

Kinumusta rin ni Boy Abunda ang relasyon nila ng isa pa niyang adoptred daughter na si Lotlot de Leon.

Ayon kay Nora, “Si Lotlot, lately nagkikita kami at pinuntahan din niya ako.”

Inamin ni Nora na, bilang ina, marami siyang pagkukulang sa kanyang mga anak at napakahalaga ng komunikasyon sa isang pamilya.

Saad niya, “May mga pagkakataon na siyempre alam ng tao na hindi ko kasama yung mga bata. Siyempre nami-miss ko rin naman sila.

“Meron kaming mga hindi pagkakaintindihan na, sabi ko nga sa yo, hindi ko naman itinatago. Pero ang importante, yung nagkakausap kayo.

“Nagkakaunawaan kung ano yung pagkukulang ng mga anak, magbibigay ang ina, kahit ano pa man yon.

“Sabi nga nila, nanay ka. Dapat ipakita mo sa mga anak mo kung ano talaga ang tama.

“Sa mga pagkukulang, marami akong pagkukulang sa mga anak ko. Pero kapag nagkikita naman kami, nasasabi ko yung mga sama ng loob ko sa kanila.

“Napag-uusapan namin kung ano yung dapat gawin. Nakikinig naman sila. Ang importante, nagkakausap…”

Si Nora ay may limang anak: ang biological son niyang si Ian de Leon at at ang adopted children niyang sina Lotlot, Matet, Kiko, at Kenneth.

Si Ian ay anak ni Nora sa aktor na si Christopher de Leon.

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News