MAKA young stars, na-intimidate kay Romnick Sarmenta

MAKA young stars, mapasikat kaya ng GMA-7?
maka cast

Kailangan talaga ng GMA-7 ng mga bagong mukha na mabibigyan ng break, at sana mapasikat sa mga bagong programang binubuo nila.

Tingnan natin kung mangyayari ito sa bagong musical youth-oriented series na pinamagatang MAKA.

Magsisimula na ang MAKA sa Sabado, September 21, 2024, 4:45 P.M.

Tampok dito sina Zephanie, Dylan Menor, Ashley Sarmiento, Marco Masa, John Clifford, Olive May, Chanty Vidal, Sean Lucas, at ang nakilalang “bangus girl” ng Capiz na si May Ann Basa.

Ginagampanan nila rito ang mga estudyante ng Douglas MacArthur High School for Arts.

Major support dito ang mga magagaling at kilalang veteran stars na dati ring young stars—sina Tina Paner, Sharmaine Arnaiz, Maricar de Mesa, Jojo Alejar, at Romnick Sarmenta.

Kasali rin dito si Ms. Carmen Soriano.

Si Rod Marmol ang direktor.

maka cast

MAKA cast: (from left) John Clifford, Olive May, Marco Masa, Ashley Sarmiento, Dylan Menor, Zephanie, and Romnick Sarmenta 
Photo/s: GMA Network

YOUNG STARS INTIMIDATED BY VETERAN STARS

Halos karamihan sa bagong young stars ay sinasabing na-intimidate sila nung una sa kasama nilang veteran stars.

Natatakot daw sila nung una, pero hindi naman daw nagtagal ay naging kampante na sila.

Kuwento ni Zephanie, “Medyo nahiya nga po ako kay Ms. Tina nung una, kasi yun po yung scene na medyo mas drama siya.

Siguro po most of the time, akala po natin na intimidating sila at nakakatakot.

“Pero kapag naka-work niyo sila at nakilala niyo sila as a person and as an artist, dun mo nakikita na they’re willing to help you and guide you throughout the process.

“And I asked for help po sa kanya nun. Kahit po na konti lang ang sinabi niya, sobrang naka-help po dun sa drama scene na yun.

“So, I really appreciate all the veteran actors po na nakasama namin sa show, and talagang binigyan kami ng chance to work with them. It’s really a blessing po for us na naging part po sila ng show namin.”

zephanie maka

Sabi naman ni Dylan, “It’s an honor din and privilege to work with Sir Romnick, kasi ang galing niya, e.

“Ever since nung bata siya, nanonood din ako ng mga clips niya before. Guwapings pa rin, e, astig, e.