
Likas sa mga magulang na masaktan sa tuwing naa-agrabyado ang kanilang mga anak.
Aminado rito si Mary Anne Cruz Lim, ang ina ng aktor na si Xian Lim, sa tuwing nadadawit ang pangalan ng kanyang kaisa-isang anak sa mga kontrobersiya at nakakatanggap ng pamba-bash online.
Naging guest ang mag-ina sa pinakabagong vlog sa YouTube ni Kim Chiu na ini-upload nitong Lunes, October 3, 2022.
Dito ay ibinahagi ni Mommy Mary Anne ang ilang “personal facts” tungkol sa kanyang anak.
Kabilang sa mga tinanong ni Kim ay tungkol sa mga bashers ni Xian.
Sagot ni Mommy Mary Anne, “It’s really painful. Pero hindi kami pumapatol.”
Na agad namang sinang-ayunan ni Kim, “Yes, very zen [peaceful and calm] talaga sila.”
Kuwento pa ng ina ni Xian, noon pa man ay madalas na silang makakatanggap ng pag-iintriga kaya naman natuto na siya kung paano niya ito harapin at lampasan.
Pagbabahagi niya, “Kahit noong bata pa kami, even in school maraming controversies and intriga. So, [I’ve] learned [from] there.
“Sabi ko pag nagkaanak ako, tuturuan ko na hayaan mo lang sila, di ba? They’ll get tired.”
Agree naman si Xian sa sinabi ng ina na walang magandang epekto kung ito’y papatulan pa.
Saad ni Xian, “Wala rin namang, I think lalo na sa panahon ngayon, hindi rin naman dapat pagtuunan siya ng pansin.
“Not just for artistas but, you know, sa mga nanonood ngayon na mga bata, kasi di ba easily affected yung mga tao ngayon kasi everyone has their opinion dahil may social media na.”
Laking pasasalamat rin ni Xian sa kanyang ina dahil simula’t sapul ay lagi raw niya itong takbuhan sa tuwing siya ay nagkakaproblema.
Aniya, “But you know, si Mom yung una kong sinasabihan especially before when I was starting ang daming kuda-kuda, ang daming sinasabi ng mga bashers. Siyempre, may mga bashers.”
Pinag-usapan rin yung pag-kuwestiyon ng isang tao noon tungkol sa pagpapalaki ni Mommy Mary Anne kay Xian.
Kuwento ni Xian, “Di ba mom meron pa nga, hindi na natin papangalanan pero meron pa ngang yung sinabing hindi mo raw ako pinalaki nang maayos.’”
Na agad namang sinagot ng kanyang ina, “Yes, I feel so sad to that person.
“That person knows that we are talking about that person…I feel sorry for you.”
Tila nakiusap pa ang mommy Mary Anne ni Xian kay Kim na isama raw ang kanyang sinabi para malaman ng “that person” na tinutukoy nila na hindi sila pumapatol sa anumang kontrobersiya at pambabatikos.
Naniniwala naman si Xian na ang taong tinutukoy nila ay gusto lamang noon pag-usapan.
Hindi binanggit ng mag-inang Xian at Mary Anne kung sino ang laman ng kanilang blind item.
KIMXI
Samantala, proud at masaya rin ang ina ni Xian na kailanman ay hindi raw nadawit ang tambalan KimXi, Kim and Xian, sa anumang iskandalo lalo na sa usaping third party.
Tanging hiling niya ay lalong tumibay at magtagal ang relasyon nina Xian at Kim.
Saad niya, “Syempre yung forever kayo. That explains everything . Forever.
“I’m happy nagkakasundo kayo. Wala kayong scandal, wala kayong third party.
“It’s very pure. I’m very proud. I can say perfect love team.”
Dagdag pa niya, “Ganun ang KimXi. It transcends all generation.
News
Nagdulot ng kaguluhan si Matteo Guidicelli sa kanyang ika-35 na kaarawan – Sarah Geronimo beams bago ang malaking anunsyo/hi
On March 26, Matteo Guidicelli officially turned 35 at a cozy yet lavish party. But what made the Philippine showbiz stir was not just the grand birthday celebration, but the shocking announcement he made in front of his family, friends…
News 𝗔𝗝 𝗥𝗔𝗩𝗔𝗟 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗟𝗔𝗕𝗢𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗧𝗔𝗜𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗪𝗢𝗥𝗟𝗗 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗡𝗔 𝗞𝗬𝗟𝗜𝗘 𝗣𝗔𝗗𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗔𝗧 𝗔𝗟𝗝𝗨𝗥 𝗔𝗕𝗥𝗘𝗡𝗜𝗖𝗔/hi
The showbiz world was shocked when the news of Kylie Padilla and Aljur Abrenica getting back together spread. But more than the public’s surprise, it seemed like a huge emotional blow for AJ Raval. According to a source, AJ could…
Atong Ang Reacts Sa Sexy Looks Nina Sunshine Cruz At Ina Raymundo Sa BENCH Fashion Show 2025! (Panoorin Ngayon)/hi
The **BENCH Fashion Show 2025** catwalk exploded with the charming appearance of two beauties **Sunshine Cruz** and **Ina Raymundo**. Among a series of famous models, the two veteran stars still took the spotlight, making even businessman Atong Ang “freeze” before…
WATCH NOW: Sunshine Cruz and Ina Raymundo Shock with Bold Outfits at BENCH Fashion Show 2024! (video)/hi
The BENCH Fashion Show 2024 event became the center of attention when two famous beauties Sunshine Cruz and Ina Raymundo appeared charmingly on the catwalk. Although they are in their 40s and 50s, both of them still amazed the audience…
SHOCK: Buboy Villar Welcome sa Bagong Bata, Dalawang Anak Sa Angillyn Iniwan? Ano ang Katotohanan?/hi
Actor Buboy Villar once again became the center of discussion when the news of his new child spread across social media. However, what made the public debate was whether his two children with Angillyn Serrano Gorens were really abandoned or…
Aljur Abrenica 35th Birthday❤️Napa-IYAK at Na-SHOCK sa Supresa ni AJ Raval at mga ANAK sa Kanya! (video) /hi
Actor Aljur Abrenica just celebrated his 35th birthday in the most touching way! An emotional surprise brought him to tears when AJ Raval and his children gave him a special gift that he had no idea about. According to the…
End of content
No more pages to load