Why Nora Aunor Refused to Attend the ‘Bona’ Screening at the Cannes Film Festival

Why Nora Aunor failed to attend ‘Bona’ screening at Cannes Film Festival

Nora Aunor in 'Bona.' Cannes Film Festival

Superstar Nora Aunor is celebrating her 71st birthday today, May 21,. The National Artist for Film and Broadcast is currently in Iriga City in Bicol.

In a special birthday message sent to ABS-CBN News, the award-winning actress thanked all of her die-hard fans who celebrated not just her birthday, but the screening of the restored version of her classic film “Bona” at the 77th Cannes Film Festival in France.

“Nakakatuwa po na makalipas ng apatnaput tatlong taon, muling nagkakaroon ng panibagong buhay at lakas ang pelikulang ito na ating pinagbidahan at prinodus noong kasagsagan ng ating matagumpay na karera,” Aunor said in her statement. 

She also explained why she failed to make it to Cannes to personally grace the historic screening.

“Hindi po talaga kakayanin ng inyong abang lingkod ang haba ng biyahe. Hindi po ako pinayagan ng ating doktor dahil sa maselang kondisyon ng ating kalusugan,” Aunor said.

Nevertheless, she assured her fans that the team behind “Bona” is doing everything they can to screen the restored classic here in the Philippines, for the new generation of moviegoers to see.

She also appealed to the audience and producers to support new actors, fresh stories and not just box office materials.

“Huwag lamang po sanang tumaya sa mga tumatabo sa takilya, higit sa lahat, kailangan po nating magtulungan, tumaya sa mga bagong talents, pakinggan ang iba pang kuwento, ang mga kuwentong katulad ni Bona,” she said.

Here’s the full statement of Nora Aunor:

Mensahe ng Taus-Pusong Pasasalamat

Bago ko pa man ipagdiwang ang aking nalalapit na kaarawan, isang napakagandang regalo na po ang ating natanggap at lubos po akong nagpapasalamat sa lahat ng sumusuporta at natutuwa sa pangyayaring ito. Tinutukoy ko po ang restoration ng ating pelikula BONA , at ang muling pagpalabas nito bilang bahagi ng CANNES CLASSICS ngayong ika 77 edisyon ng Festival de Cannes sa France. Nakakatuwa po na makalipas ng apatnaput tatlong taon, muling nagkakaroon ng panibagong buhay at lakas ang pelikulang ito na ating pinagbidahan at prinodus noong kasagsagan ng ating matagumpay na karera. Tinatanaw ko ang malaking utang na loob sa mga kapwa artista ko sa nasabing pelikula, sa mga staff and crew, sa buong creative at business teams at kay Direk Lino Brocka, na maituturing na isang dakilang henyo ng pinilakang tabing hindi lamang ng ating bansa, kundi ng buong mundo. Syempre nagpapasalamat ako sa mga nanguna ng restoration ng pelikulang ito at sa mga cineaste sa Europa at Amerika na sumusuporta sa Bona.

Nagpapasalamat rin po ako sa aking mga fans, ang mga nananatiling tapat at masugid na mga Noranians na laging nakaabang at nagpapasalamat sa anumang gantimpala at parangal na ating natatanggap. Nagpapasalamat din po ako sa mga tao at ahensyang nagpaabot ng kanilang interes na tulungan tayo upang makadalo sa Cannes, ngunit hindi po talaga kakayanin ng inyong abang lingkod ang haba ng biyahe. Hindi po ako pinayagan ng ating doktor dahil sa maselang kondisyon ng ating kalusugan. Anuman, ipinapasalamat ko na rin lang na sa ngayon napakainit ng pagtanggap sa ating pelikulang Bona.

Nagpapasalamat po ako sa mga reporters, sa media, dito at sa abroad, sa mga kritiko at sa mga vloggers at sa mga nag-share at naglike ng mga social media posts tungkol sa Bona.

Asahan po ninyo na inaayos na po natin na maipalabas rin ang restored version ng pelikula sa Pilipinas at sisikapin rin nating muli itong maipalabas sa iba pang panig ng Asya partikular sa Japan, Singapore at Hongkong, dahil na rin sa tayo pa rin po ang may hawak ng rights para sa area ito. Ipagdasal po natin na maging matagumpay ang mga planong ito.

Totoong may sariling buhay ang anumang likhang-sining, tulad ng pelikulang Bona. Nagpapatuloy ang mga pelikula natin na hanapin ang iba’t ibang panahon at audience. Kaya nga natutuwa ako dahil sa pamamagitan ng bagong restored na Bona, sana’y mas dumami pa ang makapanood nito at maiparating pa rin ang mensahe ng pelikula na nanatiling totoo sa ngayon. Ang mensahe ni Bona ay mensahe ng pagpapalaya sa sarili. Totoo malilito tayo, madadala sa silaw ng ating mga iniidolo, ngunit lagi nating tandaan na higit sa iba, kailangan lagi nating titingnan at aalagaan din po ang ating mga sarili.

Gusto ko pong isipin na sa mga bagong manonood, lalo na sa mga kabataan natin, na may makikita silang mga magagandang aral sa pelikulang ito at sana’y maging panawagan rin ito sa mga producers na patuloy na lumikha ng makabuluhang pelikula. Huwag lamang po sanang tumaya sa mga tumatabo sa takilya, higit sa lahat, kailangan po nating magtulungan, tumaya sa mga bagong talents, pakinggan ang iba pang kuwento, ang mga kuwentong katulad ni Bona. Maraming salamat po, Dyos mabalos sa lahat at mabuhay ang pelikulang Filipino!

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News