WATCH : WATCH : Ikinuwento ni Cesar Montano ang paghihirap kasama si ‘Jose Rizal’/hi

Cesar Montano binalikan pagdurusa sa ‘Jose Rizal’

Ang bilis ng panahon. Imagine, huli kong napanood ang pelikulang ‘Jose Rizal’ na pinagbidahan ni Cesar Montano ay noon pang Metro Manila Film Festival 1998, o 26 taon na ang nakalilipas.

At nitong Miyerkules nga ng gabi ay muli ko itong napanood sa MET o Metropolitan Theatre Manila, at kasama pa ang bida na si Cesar Montano, pati na ang National Artist na si Ricky Lee, na sumulat ng pelikula.

Ang GMA Films ang prodyuser ng ‘Jose Rizal’ at si Marilou Diaz-Abaya na pumanaw noong 2012 ang direktor nito. Bahagi ito ngayon ng Cinemalaya 2024.

“Masaya ako, dahil heto may kasama na akong National Artist,” sabi ni Cesar, na ang tinutukoy ay si Ricky Lee.

Maraming beses na raw napanood ni Cesar ang pelikula, pero ngayon lang niya makikita ang digitally restored, remastered na version.

“Nakarating kami sa Berlin dahil sa movie. At humakot ito ng awards sa MMFF, na 17 awards nga yata, o halos lahat ng awards ay nakuha,” sabi ni Cesar.

Ang best actress lang daw ang hindi nakuha ng pelikula dahil wala ngang bidang babae sa movie.

Ito nga raw ang pinakamalaking pelikula noong panahon na `yon, na ginastusan ng mahigit P80M, ha!

“Historical naman kasi, kaya hindi puwedeng tipirin. Pag tinipid mo, mahahalata. Sa costume pa lang, sa location, nakaabang ang CGI mo, na ang mahal-mahal din. Magbubura ka ng mga bagay na hindi dapat kasali.”

Pero, aminado si Cesar na hirap na hirap siya habang ginagawa ang pelikula.

“Gusto ko na ngang kalimutan `yon, eh. ‘Yung pag-aaral ng Kastila. Imagine, 7 months akong nag-aral ng Spanish. Eh, noong tini-take natin ang Spanish sa college, hindi ko naman masyadong pinapasukan `yon.

“Biglang-bigla, nag-take ako ng Spanish. Ang hirap talaga.

“At noong time na `yon, ang pagiging action star ang pinupuntahan ng career ko. Pero sabi ko, parang ito ang pelikulang maalala ako, kahit wala na ako, kaya bakit hindi ko tatanggapin?

“At tinanggap ko nga, dahil baka madaling gawin. Pero, hindi ko alam na napaka-perfectionist ni Direk Marilou. Pinag-aral talaga niya ako ng Spanish, na sa school nga ay halos hindi ko pasukan.

“Palakol nga ako sa subject na `yan. Pero, napilitan akong mag-aral.

“At ginawa ko, lahat ng pictures ni Jose Rizal na nakita ko, dinikit ko sa dingding ng bahay ko. Buti na lang, binata pa ako noon at wala pang nakikialam sa akin. At ang TV sa bahay ay naka-on sa Spanish channel, na kahit natutulog ako, naka-on lang. Pinapatay lang ako pag aalis ng bahay.

“Ganun katindi ang pinagdaanan ko,” pahayag pa ni Cesar.

Pero sabi nga, lahat ng pinagdaanan ni Cesar ay may pinatunguhan, at hanggang ngayon nga ay markado pa rin siya sa pelikulang ito.

Bongga naman! (Dondon Sermino)

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News