Nora, Lorna, Gladys on Jaclyn Jose death
Nora Aunor pays tribute to fellow award-winning actress Jaclyn JoseAward-winning actresses Nora Aunor (exreme left), Lorna Tolentino (center), and Gladys Reyes (second from right) pay tribute to Cannes-winner Jaclyn Jose (second from left and extreme right), who passed away on March 2, 2024.
Nagkaiyakan ang hosts ng Tahanang Pinakamasaya sa kanilang huling live telecast noong Marso 2, 2024, Sabado ng tanghali, sa GMA-7.
Ang sabi, maglalabas ng statement ang Kapuso Network kaugnay rito pagsapit ng Lunes, Marso 4.
Kaso, nitong Marso 3, Linggo ng gabi, ay kumalat ang balitang pumanaw na ang multi-awarded actress na si Jaclyn Jose.
Kahapon ay nagpa-mediacon ang daughter ni Jaclyn na si Andi Eigenmann at inihayag ang cause of death ng kanyang ina.
Noon pa palang Sabado ng umaga, Marso 2, pumanaw si Jaclyn, pero kinabukasan pa nadiskubre ang kanyang katawan.
Kini-cremate pa lang ang mga labi ni Jaclyn ay dumagsa na ang mga kapamilya at kaibigan noong Lunes ng gabi sa Arlington Memorial Chapels sa Araneta Avenue, Quezon City.
Namataan agad ng PMPC President na si Rodel Ocampo Fernando na nandoon na sina Andi Eigenmann, Tirso Cruz III, Lyn Ynchausti Cruz, Direk Adolf Alix Jr., Gabby Eigenmann, Max Eigenmann, Veronica Jones, Laarni Enriquez, Jake Ejercito, Ferdy Lapuz, at Benjie Austria na producer ng pelikulang Broken Blooms kung saan gumanap si Jaclyn bilang ina ng bidang si Jeric Gonzales.
Kuwento ni Rodel noong Monday night, “Ang mga naunang nagpadala ng flowers ay sina Direk Lauren Dyogi, Perry Lansigan, PPL Entertainment, ABS-CBN, at FDCP.
“Pagdating ni Sylvia Sanchez ay nagyakap sila ni Andi at naghagulgulan.”
Tuluy-tuloy ang pagdagsa ng mga artista sa lamay, kabilang sina Jean Saburit, Lorna Tolentino, Amy Austria, Isabel Rivas, Michael de Mesa, Rosemarie Gil, Sid Lucero, Eddie Mesa, Alden Richards, Christopher de Leon, Sandy Andolong, Claudine Barretto, Ivana Alawi, Ryan Eigenmann, at Allen Dizon na dumiretso mula sa airport.
Ipinadala ni Rodel Ocampo Fernando sa PEP Troika ngayong Marso 5, Martes ng umaga, ang pahayag ng National Artist na si Nora Aunor kaugnay sa pagyao ni Jaclyn.
Aniya, “Kasama po ako ng buong industriya na nagluluksa sa pagpanaw ni Ms. Jaclyn Jose, isang premyadong aktres at kaibigang maituturing ng marami sa atin.
“Ang kanyang buhay at ang maraming pelikula at programa sa telebisyon na ating tinangkilik ay mga mabubuting alaalang maaari nating isipin sa mga sandaling itong lugmok ang ating mga puso sa kaniyang pagkawala.
“Taus puso po akong nakikiramay sa kaniyang mga naulila at sa mga kasamahan nating lubos na rin napamahal sa kaniya at itinuturing siyang isang malaking kawalan sa industriya.
“Hindi ko rin po makakalimutan ang mga pelikulang magkasama kami mula sa Flor Contemplacion hanggang sa Pieta na huli na namin palang magiging proyekto.
“Lubos ko ring ikinatuwa ang minsan niyang pagkapanalo sa Cannes, isang bagay na alam ko pong magbubukas pa ng maraming pagkakataon para sa pelikulang Filipino at sa mga kapwa-nating artistang hinding-hindi matatawaran ang galing tulad ni Jaclyn.
“Laging masakit ang dulot ng kamatayan lalo pa’t isang dakilang artista ang nawala sa atin.
“Ngunit mananatili ang pag-asa at pag-ibig at ang sining na buong buhay niyang ibinigay sa atin, kaya’t sa gitna ng pagluluksa pong ito, naroroon rin ang pasasalamat natin sa kaniya, sa buhay, sining at karangalang ibinigay niya sa atin bilang mga Filipino.
“Maraming salamat, Ms. Jaclyn Jose at isang mapayapang paglalakbay at yakapin ka sana ng ating manlilikha.”
Malungkot at tila nanghihina sina Lorna Tolentino at Gladys Reyes nang nakaka-text ko nung Lunes. Hindi pa rin daw nagsi-sink in sa kanila ang pagkawala ni Jaclyn.
Nasa Arlington na si Lorna kagabi nang naka-text ko at hinintay ang paglabas ng urn pagkatapos itong i-cremate. Halos mag-alas dos ng madaling-araw na sila nakaalis doon.
Pero mamaya, Marso 5, sa burol nito ay gabi ng FPJ’s Batang Quiapo na dadaluhan ng cast ng naturang teleserye ni Coco Martin.
Sobrang down daw si Gladys nung Lunes, lalo na’t nabalitaan din niya ang pagpanaw ng asawa ng isa ring aktres na dati niyang kasamahan sa MTRCB.
Samantala, sa Senado nung Lunes ay nagpasa si Senator Jinggoy Estrada ng Resolution Espressing The Profound Sympathy And Sincere Condolences Of The Senate Of The Philippines On The Death Of Highly Acclaimed Filipino Actress Jaclyn Jose On 2 March 2024.
Sumunod din si Senator Robinhood Padilla na nagpasa rin ng Resolution Expressing Profound Sympathy And Sincere Condolences On The Passing Of Multi-Talented Filipina Actress Mary Jane Santa Ana Guck, Popularly Known As Jaclyn Jose.
Grabe ang pagka-reflective ng mood ngayon ng ating industriya.
Kahapon ko pa pinapahupa ang pagkalungkot at pag-iyak ng aking alaga na si Iza Calzado na nakasama ni Miss Jaclyn sa mga teleserye at pelikula.
We are scheduled to pay our respects to Miss Jaclyn mamaya, and inihahanda ko na ang aking sarili sa isang mabigat sa pusong pag-alala.
Iba rin talaga kapag biglaan. Hayyy…