WATCH NOW: LJ Reyes decided to protect Paolo Contis to the end, the shocking truth behind…

LJ Reyes, pinrotektahan si Paolo Contis hanggang sa huli; handang manirahan sa Amerika

LJ Reyes, pinrotektahan si Paolo Contis hanggang sa huliLJ Reyes on flying to New York after her breakup with Paolo Contis: “Wala akong plano. Hindi ko alam kung anong mangyayari. Kung ang ibig sabihin nito dito ako, dito ako. Hindi ako nagsasara ng pintuan if I have to go back.'”Si LJ Reyes mismo ang gumawa ng paraan na makausap si Boy Abunda para sa kanyang pagsasalita tungkol sa nangyari sa relasyon nila ni Paolo Cotnis.

Pinili ni LJ na magsalita at ipagkatiwala kay Boy ang kanyang kuwento dahil matagal na silang magkaibigan.

Si Boy ang producer ng Intoy Shokoy ng Kalye Marino, ang official entry sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival noong July 2012 na pinagbidahan nina LJ at JM de Guzman.

Ikinagulat naman ng ilan ang pagsasalita ni LJ kay Boy dahil contract star ng GMA Artist Center, talent management arm ng Kapuso network, ang aktres.

Identified si Boy sa rival network ng GMA-7 na ABS-CBN.

Nang magpasya si LJ na basagin ang pananahimik, hindi na siya nag-isip sa magiging epekto sa kanyang acting career.

Lumipad ang 33-year-old actress sa New York City, kasama ang kanyang mga anak na sina Aki at Summer, para maka-recover sila—physically, emotionally, and mentally—mula sa kanilang kasalukuyang sitwasyon.

Sa pag-alis ni LJ, dalawang Paulo at Paolo ang tiyak na mangungulila sa kanilang mga anak—si Paulo Avelino, ang ama ni Aki, 11, at si Paolo, ang ama ni Summer.

Sa kanilang pag-uusap, nabanggit ni LJ kay Boy na handa na itong manirahan sa piling ng kanyang New York-based family.

Sabi ni Boy sa Cabinet Files, “Siya yata ang nagma-manage ngayon ng café [na pag-aari ng ina ni LJ] o tumutulong.

“Sinabi niya sa akin na kung kinakailangan, she has to help, kasi yung nanay niya at saka kapatid niya, both have day jobs.

“‘If this means I have to take care of the café muna.’ Pero sinasabi niya, ‘Wala akong plano. Hindi ko alam kung anong mangyayari. Kung ang ibig sabihin nito dito ako, dito ako. Hindi ako nagsasara ng pintuan if I have to go back.'”

Nagpaliguy-ligoy si LJ sa pagsagot sa unang bahagi ng panayam sa kanya ni Boy.

Ayon sa talk show host, “Pinoprotektahan niya si Paolo, kahit anong pilit ko.”

Hindi edited ang panayam na napanood ng mga tao kaya kitang-kita nila ang pagtatangka ni LJ na pangalagaan si Paolo.

Pero bago natapos ang interbyu, na tumagal nang mahigit sa isang oras, nagawa ni Boy na mapiga o makuha mula kay LJ ang mga mahahalagang impormasyon at dahilan ng paghihiwalay nila ni Paolo.

Sinabi ni Boy na bago niya ginawa ang interbyu kay LJ, nagpaalam muna siya sa taong namamahala sa career ni Paolo bilang respeto.

Handa rin daw si Boy na marinig ang panig ni Paolo kung sakali na gusto nitong sagutin ang mga pahayag ng dating karelasyon.

Sa ngayon ay mayroon nang 2.6 million views ang unedited interview ni Boy kay LJ sa kanyang The Boy Abunda Talk Channel sa YouTube.

 

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News