Kris Aquino, nagsampa ng reklamong cyber libel laban kay Jesus Falcis
Ayon sa abugado ng aktres, si Atty. Jesus Falcis ang kanilang kinasuhan dahil sa malisyoso umano at mapanirang-puri na mga pahayag nito laban kay Aquino.
Kuwento ni Aquino, mga anak niya ang apketado sa mga aniya’y paninira ni Falcis. Hinamon niya ang abugado at ang kapatid nito na si Nicko, na una na niyang kinasuhan ng qualified theft sa pitong lungsod, na harapin ang mga reklamo sa kanila.
“Iyong mga in-accuse sa akin at ‘yung mga lahat ng paninira, ang nilalagay mo sa alanganin ang trabaho ko, dahil ang trabaho ko ay pag-endorso ng mga produkto na — uulitin ko — ang laki naman ng kinita nila sa commission na nanggaling sa akin doon sa mga endorsements na ‘yun,” ani Aquino.
Una nang inakusahan ni Falcis si Aquino ng pagbabanta sa buhay ni Nicko, na ngayo’y na sa ibang bansa dahil sa takot umano para sa kaniyang buhay.
Kris Aquino: Hindi kami ang bully. Kung ginusto ko ng trial by publicity, matagal na sana akong nagsalita, pero sumunod ako sa proseso.
May naging pasaring din si Falcis sa social media ng umano’y paggamit ni Aquino ng pagkain o paggamit ng mga produkto na ka-kompitensiya ng kanyang mga ini-endorso.
Mariin na ring itinanggi ni Falcis na may ninakaw si Nicko mula kay Aquino, at sinabing lehitimo ang paggamit ng kapatid sa credit card para sa negosyo ng aktres.
Giit pa ni Falcis, binabaliktad lang ni Aquino si Nicko dahil umano sa sama ng loob nito sa planong pagbukod ng business partner pagdating sa trabaho.
Wala pang inilalabas na pahayag si Falcis ukol sa panibagong kasong isinampa ni Aquino. — Ulat ni Dexter Ganibe, DZMM
Kris Aquino files 9 counts of cyberlibel complaint against lawyer Jesus Nicardo Falcis III over his social media posts against