Kim Chiu on reports she danced in the middle of EDSA: “Fake news.”
Kim Chiu reacts to reports that she danced in the middle of EDSA
Kim Chiu is being bashed anew after a video allegedly showing her dancing in the middle of EDSA circulated on social media. Kim clarifies authenticity of this report via InstagramTinawag na “fake news” ng Kapamilya actress na si Kim Chiu ang viral video na nagsayaw siya ng hit song niyang “Bawal Lumabas” sa gitna ng EDSA.
Ngayong Miyerkules, June 3, kumalat sa social media ang video ng 30-anyos aktres na nasa labas ng kanyang sasakyan at nagsasayaw sa gitna ng kalsada.
Dahil dito, nagkaroon na naman ng rason ang mga kritiko ng aktres para batikusin siya.
Lalo na’t sariwa pa sa alaala ng marami ang pagti-trend ni Kim dahil sa kanyang law ng classroom analogy sa #LabanKapamilya Facebook Live noong Mayo.
Naging tampulan siya ng pangungutya dahil hindi niya naipaliwanag nang maayos ang pagkukumpara sa classroom rule at sa pagpapahinto ng gobyerno sa operasyon ng ABS-CBN.
Ang “bawal lumabas” speech ni Kim ay nilapatan ng beat ng isang disc jockey at ginawan ng memes ng netizens.
Kalaunan ay ginawan ito ng kanta—ang hit na hit ngayong “Bawal Lumabas (The Classroom Song).”
TWO VIDEOS
Ang totoo, dalawang videos ni Kim na nagsasayaw ang kumakalat ngayon.
Sa una, nasa loob ng isang establisimyento si Kim.
Nakapambahay, naka-mask, at shades ang aktres.
Nasa likuran niya ang kaibigang si Angelica Panganiban, na naka-mask din.
Kapansin-pansing sinunod din ng dalawang aktres ang social distancing.
Sinayaw nila ang viral song ni Kim na “Bawal Lumabas.”

Sa ikalawang video, mapapanood si Kim, sa parehong kasuotan, at nasa labas ng kanyang itim na sasakyan.
Nasa gitna ng kalsada si Kim, pero hindi matukoy kung saan ang lugar.
Sa background, makikita ang hilera ng mga kotseng nakahinto.
Mapapansing natatawa si Kim at saka siya sumayaw sa saliw ng hit song niya.

NETIZENS ATTACK KIM CHIU ANEW
Ang pangalawang video na ito ni Kim ang binabatikos ngayon ng mga bashers ni Kim.
Muli, masasakit na panlalait ang inabot ni Kim sa social media dahil sa paniniwalang sa gitna ng EDSA nagsayaw ang aktres.
Narito ang ilang masasakit na salitang ibinato sa aktres:



KIM CHIU REACTS
Ngayong umaga ng Miyerkules, nakipag-ugnayan ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN na humahawak ng career ni Kim.
Nais namin kunan ng pahayag ang aktres tungkol sa panibagong isyung ibinabato sa kanya.
Hindi nagtagal ay nag-post ng reaksiyon si Kim sa Instagram.
Dito ay sinagot niya ang isyu.
Paglilinaw ni Kim, “fake news” na sa gitna ng EDSA siya nagsayaw.
Sa parking lot ng isang restaurant sa Pasig City raw nangyari ang kanyang pagsasayaw.
Mensahe ni Kim sa kanyang post: “Thank you for supporting the shirt for a cause and sa nagpapakalat ng fake news na sa edsa ako sumayaw, hello?!!!
“Okay ka lang??? Bakit ako sasayw sa gitna ng edsa. Takot ko lang. DYOS KO.
“Please stop spreading FAKE NEWS. Please lang.”
Binanggit din ni Kim ang lokasyon kung saan nangyari ang pagsasayaw niya.
“Moms @iamangelicap sa edsa daw yung PARKING LOT ng tipsy pig?… kaya pa ba?
“Ikaw na nagdeliver ng merchandise, ikaw pa pagbibintangan ng fake news… hay…. life……
“hindi po biro magbenta ng merch, first time kong ginawa to pero okay lang I know this is for a good cause. let’s spread love not hate.
“COVID ANG KALABAN NATIN, HINDI ANG KAPWA TAO. please lang, stop spreading #fakenews.”
Naglunsad ng T-shirt for a cause ang aktres na inspired ng nag-trending niyang “Bawal Lumabas” quote, kung saan ang lahat ng proceeds ay mapupunta sa donasyon.
MMDA REACTS
Nakarating din sa Metro Manila Development Authority (MMDA) ang paratang kay Kim.
Sa pamamagitan ni MMDA Assistant Secretary Celine Pialago, naglabas ang ahensiya ng pahayag tungkol dito.
Aniya, mayroon pang mas mahalagang isyu kesa sa isyu ni Kim.
“We have so many problems that should be addressed and for the meantime, this is our reaction to the issue concerning actress Miss Kim Chiu.
“We will verify the truth about the report.
“We will check if this video of Miss Kim Chui really happened on EDSA.
“We will invite her to explain her side then we will act accordingly.”
@MMDA Asec. Celine Pialago: We will verify the truth about the report. We will check if this video of Miss Kim Chui really happened on EDSA. We will invite her to explain her side then we will act accordingly. #KimChiu
— Daily Tribune (@tribunephl) June 3, 2020
Ilang minuto bago sumapit ang tanghali, nag-react uli si Kim via Instagram Story.
Ni-repost ni Kim ang mensahe ng isa niyang supporter tungkol sa isyu.
Malinaw na sinang-ayunan ng aktres ang komento ng kanyang supporter tungkol sa “gullible netizens.”
Ayon sa supporter: “Next to Covid-19, FAKE NEWS is the most-easity spreading malady especially among gullible netizens.
“GOD and TRUTH are on your side @chinitaprincess”

News
Nagdulot ng kaguluhan si Matteo Guidicelli sa kanyang ika-35 na kaarawan – Sarah Geronimo beams bago ang malaking anunsyo/hi
On March 26, Matteo Guidicelli officially turned 35 at a cozy yet lavish party. But what made the Philippine showbiz stir was not just the grand birthday celebration, but the shocking announcement he made in front of his family, friends…
News 𝗔𝗝 𝗥𝗔𝗩𝗔𝗟 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗟𝗔𝗕𝗢𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗧𝗔𝗜𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗪𝗢𝗥𝗟𝗗 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗡𝗔 𝗞𝗬𝗟𝗜𝗘 𝗣𝗔𝗗𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗔𝗧 𝗔𝗟𝗝𝗨𝗥 𝗔𝗕𝗥𝗘𝗡𝗜𝗖𝗔/hi
The showbiz world was shocked when the news of Kylie Padilla and Aljur Abrenica getting back together spread. But more than the public’s surprise, it seemed like a huge emotional blow for AJ Raval. According to a source, AJ could…
Atong Ang Reacts Sa Sexy Looks Nina Sunshine Cruz At Ina Raymundo Sa BENCH Fashion Show 2025! (Panoorin Ngayon)/hi
The **BENCH Fashion Show 2025** catwalk exploded with the charming appearance of two beauties **Sunshine Cruz** and **Ina Raymundo**. Among a series of famous models, the two veteran stars still took the spotlight, making even businessman Atong Ang “freeze” before…
WATCH NOW: Sunshine Cruz and Ina Raymundo Shock with Bold Outfits at BENCH Fashion Show 2024! (video)/hi
The BENCH Fashion Show 2024 event became the center of attention when two famous beauties Sunshine Cruz and Ina Raymundo appeared charmingly on the catwalk. Although they are in their 40s and 50s, both of them still amazed the audience…
SHOCK: Buboy Villar Welcome sa Bagong Bata, Dalawang Anak Sa Angillyn Iniwan? Ano ang Katotohanan?/hi
Actor Buboy Villar once again became the center of discussion when the news of his new child spread across social media. However, what made the public debate was whether his two children with Angillyn Serrano Gorens were really abandoned or…
Aljur Abrenica 35th Birthday❤️Napa-IYAK at Na-SHOCK sa Supresa ni AJ Raval at mga ANAK sa Kanya! (video) /hi
Actor Aljur Abrenica just celebrated his 35th birthday in the most touching way! An emotional surprise brought him to tears when AJ Raval and his children gave him a special gift that he had no idea about. According to the…
End of content
No more pages to load