WATCH NOW: Eddie Garcia says getting back together with Nora Aunor was “a dramatic reunion” Eddie reveals something interesting about Nora that leaves fans in awe…

Eddie Garcia considers working again with Nora Aunor “a pleasant reunion”

Eddie on his staying power in showbiz: “Be professional.”
Pagkatapos ng halos 20 taon, muling magsasama sa teleseryeng Little Mommy ng GMA Network sina Nora Aunor at Eddie Garcia. Taong 1996 pa ang huli nilang pinagsamahang proyekto—ang May Bukas Pa Ang Kahapon ng Viva FilmsMatapos ang halos dalawang dekada, muling magsasama sa isang proyekto ang veteran actor-director na si Eddie Garcia at ang Superstar na si Nora Aunor.

Ayon kay Eddie, “Aba, it’s a pleasant reunion dahil ang huli naming ginawa ay ang May Bukas Pa Ang Kahapon noong 1996.”

Sabi naman kay Nora, si Eddie lang ang nagpapanginig sa kanya pagdating sa mga eksena sa harap ng kamera.

“Hindi naman, hindi naman,” nakangiting reaksiyon dito ng beteranong aktor.

Paano makatrabaho ang isang Superstar?

Tugon ni Eddie, “Kamukha lang ng ibang artista. Nothing highfalutin’ about it.”

Pinuri naman ng co-star nila sa Little Mommy na si Gladys Reyes si Eddie dahil ang aga raw nito lagi dumating sa set.

Katuwiran naman ng beteranong aktor, “Oo, dahil gusto ko matapos kaagad.

“Ang motto ko kasi, ‘Do what you could do today, so that you could do something else tomorrow.’”

Isa si Eddie sa tinitingalang artista sa bansa pagdating sa pag-arte, professionalism, at staying power.

Payo niya sa mga artistang gusto ring magtagal sa industriya, “Be professional.

“Don’t give anybody on the set, the cast, the crew, the producers, headaches.

“Be on time and whatever role is offered, paghusayin mo because that will be the next recommendation for the next project.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Enteratinment Portal) si Eddie sa pocket presscon nito para sa upcoming primetime series ng GMA na Little Mommy nitong Martes, October 6.

LITTLE MOMMY. Bukod kina Eddie, Nora, at Gladys, kasama rin sa Little Mommy sina Kris Bernal, Bembol Roco, Keempee de Leon, Mark Herras, Renz Fernandez, Juancho Triviño, Hiro Peralta, at Sunshine Dizon.

Gagampanan ni Eddie ang role na Don Miguel Vallejo.

Paglalarawan ni Eddie ang kanyang karakter: “Isang businessman na nagmula sa… from scratch.

“Dahil sa sipag at talino, umunlad siya. Nagkaroon siya ng dalawang anak na babae.

Nung kabataan niya, babaero siya.

“So, nung nagkaanak siya ng dalawang babae, masyado siyang protective, dahil baka ito ang magiging pambayad.

“So, isang beses, yung isang anak niyang babae, na-in love dun sa isang may edad na na biyudo na ayaw ko.

“Yung biyudong yun, anak ni Nora tsaka ni Bembol [Roco].

“So, komo in love na in love yung anak ko, nagkatuluyan sila, hanggang sa nanganak.

“Si Kris Bernal [ang naging anak] na kulang sa pag-iisip, para bang special child.”

Hindi ito ang unang pagkakataon na nakasama ni Eddie si Kris bilang bida sa isang show.

Nagkasama sila sa paghapong serye na Koreana (2011).

Sabi ni Eddie tungkol kay Kris, “Aba, masipag si Kris. She’s always on time and very professional and napakagaling na artista.”

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News