Belle Mariano, dedma na sa pelikula nila ni Bugoy Carino?!

MANILA, Philippines — Finally, after four years ipapalabas na sa mga sinehan ang pelikulang Huling Sayaw ng Camerrol Entertainment Productions.
Ito sana ang launching movie nina Bugoy Cariño at Belle Mariano.
Pero sa ginanap na presscon kahapon ay wala si Belle.
Si Bugoy at ang iba pang kabilang sa pelikula ang dumalo.
Hindi pa bida ang role ni Belle rito dahil nung umpisahan nila ito ay wala pa ang loveteam nila ni Donny Pangilinan.
Ayon kay Direk Errol Ropero, noon pa niya nakita ang potential kay Belle kaya nanghihinayang siya na hindi na ito makakapag-promote ng ginawa nilang pelikula.
May message ba si Direk kay Belle na isa sa mga hottest Kapamilya stars : “Ang message ko lang kay Belle, alam ko, Belle, na mararating mo kung ano man ‘yung narating mo ngayon dahil nung nagtratrabaho tayo alam ko na napakabait mong bata, napaka-professional mo. Kaya hindi ako magtataka, na sabi ko nga, balang araw darating ka sa ganitong estado so hiling ko lang sa mga fans, sana suportahan naman ‘yung pelikula na dito ka lang nagsimula kahit papaano bago ka dumating sa estado na meron ka ngayon. Nagkasama naman tayo, actually sa mga kasamahan mo, naging mabuti din naman kayo sa amin, sana naman, Belle, suportahan ninyo ‘yung ating pelikulang Huling Sayaw dahil napakaganda naman ng role mo rito. Hindi naman ito basta na lang.”
Naka-ilang shooting days si Belle?
“Naka-seven shooting days po si Belle dito.”
Paano kayo nagkakilala ni Belle? Nag-audition din po ba siya?
“Si Belle po, handling ko po si Belle pero nung kinoceptualize ko po ‘yung Huling Sayaw, si Bugoy po talaga ‘yung aking talagang option talaga na magbida po rito. Si Belle po rito is bestfriend niya po, na love interest niya po pero maganda naman po ang role ni Belle dito, hindi naman po konti lang ‘yung exposure niya. ‘Yun kasi ang kini-claim ng mga fans ni Belle, eh, na konti lang daw po. Tapos si Belle nung nakita ko po, kasi sa Goin’ Bulilit napapanood ko naman po sila, si Belle po talaga ‘yung personal choice ko na maging ka-partner po ni Bugoy,” paliwanag ng direktor sa aming interview.
Pero nung kinausap mo si Belle, wala pa ‘yung mga love team?
“Yes po, wala pa po talaga. Kasi nung kinuha ko po si Belle, hayan po napakasimple. Kahit ngayon naman siguro napakasimple, napakabait ng family niya, ng mommy at daddy niya. Nakakausap ko ‘yung mommy at daddy niya and then wala pa pong ganun, eh. Nagkaro’n lang yata siya ‘yung time na nagkaroon siya ng pelikulang Four Sisters Before The Wedding. Nasa ABS pa po siya. Kaga-graduate lang po nila ni Bugoy sa Goin’ Bulilit.”
Paano ‘yung talent fee niya? Bayad siya?
“Yes po. For the entire… actually mas mataas nga ‘yung talent fee niya kay Bugoy, eh, that time.”
Sa talent fee niya na ‘yon hindi pa kasama ‘yung promo? Wala siyang contract?
“Actually po meron. Meron pa po siyang isang mall show na pinirmahan sa amin, may promotion po roon. Ang problema po namin nawala po namin yung contract. ‘Yan po ang totoo. Nakapag-promote po sa amin si Belle sa SM Lipa. That was September 2019. “
Wala kayong photo copy ng contract?
“‘Yun nga po ‘yung problema namin. Actually before nakipag-meeting po sa akin ‘yung management ni Belle, hinanapan kami ng contract. Nung wala kaming maipakitang contract talaga kasi may mga talent coordinators po ako, ginawa na po namin lahat. So wala po kami ma-proof na… pero alam po namin meron kasi ako po ‘yung isa sa signatory no’n, alam ko po na meron pang promotion si Belle. Pero sinabi na lang po nila na sinulatan ako ng ABS, sinabi nila sa akin na tapos na po ‘yung participation ni Belle na hindi na po sila makiki-join sa anumang promotion doon.”
Hindi kayo nagkakausap nang personal ni Belle?
“Dati po friend kami sa Facebook. Dati nakakausap ko ‘yung parents niya pero ngayon po kasi parang, hindi ko alam kung nag-iba na sila ng number o binlock. Hindi ko po alam pero hindi na po. ‘Yung nakakausap ko lang po ngayon ‘yung mga managers niya po, ‘yung past and present manager niya po. Pero nag-reach out naman po sila sa akin, nakausap ko naman po sila. Willing naman po silang sumuporta. Pinanood po nila ‘yung first cut ng pelikula kaya lang ‘yung schedule ni Belle ang nag-conflict po talaga.”
Ano raw pong suporta ‘yon?
“Ganito po, ang gusto po talaga nila, at least makita po nila kung talaga worth daw na i-promote ni Belle. Syempre po kasi iba na po. Iba na ‘yung Belle Mariano ngayon. Iba na ‘yung status niya na po. So ‘wag mag-expect sila na parang pinaka-bida ang role niya talaga. Sinabi pa nga po sa akin, ‘yung billing daw ng pangalan, unahin daw po si Belle tapos si Bugoy. In-advise po siya sa akin pero hindi ko po binago kasi sabi ko ‘yun ang magmumukhang ginamit ko kasi si Bugoy naman po talaga ang bida po rito. Si Bugoy naman po talaga,” sabi pa ng direktor.
News
Nagdulot ng kaguluhan si Matteo Guidicelli sa kanyang ika-35 na kaarawan – Sarah Geronimo beams bago ang malaking anunsyo/hi
On March 26, Matteo Guidicelli officially turned 35 at a cozy yet lavish party. But what made the Philippine showbiz stir was not just the grand birthday celebration, but the shocking announcement he made in front of his family, friends…
News 𝗔𝗝 𝗥𝗔𝗩𝗔𝗟 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗟𝗔𝗕𝗢𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗧𝗔𝗜𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗪𝗢𝗥𝗟𝗗 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗡𝗔 𝗞𝗬𝗟𝗜𝗘 𝗣𝗔𝗗𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗔𝗧 𝗔𝗟𝗝𝗨𝗥 𝗔𝗕𝗥𝗘𝗡𝗜𝗖𝗔/hi
The showbiz world was shocked when the news of Kylie Padilla and Aljur Abrenica getting back together spread. But more than the public’s surprise, it seemed like a huge emotional blow for AJ Raval. According to a source, AJ could…
Atong Ang Reacts Sa Sexy Looks Nina Sunshine Cruz At Ina Raymundo Sa BENCH Fashion Show 2025! (Panoorin Ngayon)/hi
The **BENCH Fashion Show 2025** catwalk exploded with the charming appearance of two beauties **Sunshine Cruz** and **Ina Raymundo**. Among a series of famous models, the two veteran stars still took the spotlight, making even businessman Atong Ang “freeze” before…
WATCH NOW: Sunshine Cruz and Ina Raymundo Shock with Bold Outfits at BENCH Fashion Show 2024! (video)/hi
The BENCH Fashion Show 2024 event became the center of attention when two famous beauties Sunshine Cruz and Ina Raymundo appeared charmingly on the catwalk. Although they are in their 40s and 50s, both of them still amazed the audience…
SHOCK: Buboy Villar Welcome sa Bagong Bata, Dalawang Anak Sa Angillyn Iniwan? Ano ang Katotohanan?/hi
Actor Buboy Villar once again became the center of discussion when the news of his new child spread across social media. However, what made the public debate was whether his two children with Angillyn Serrano Gorens were really abandoned or…
Aljur Abrenica 35th Birthday❤️Napa-IYAK at Na-SHOCK sa Supresa ni AJ Raval at mga ANAK sa Kanya! (video) /hi
Actor Aljur Abrenica just celebrated his 35th birthday in the most touching way! An emotional surprise brought him to tears when AJ Raval and his children gave him a special gift that he had no idea about. According to the…
End of content
No more pages to load