WATCH: How Leni reacts to Kim Chiu team donation P300K: "nagulat na Kim, Ogie, MC and Lassy chose Angat Buhay as your charity partner" - News

WATCH: How Leni reacts to Kim Chiu team donation P...

WATCH: How Leni reacts to Kim Chiu team donation P300K: “nagulat na Kim, Ogie, MC and Lassy chose Angat Buhay as your charity partner”

Leni napa-react sa P300K donation ng Kim Chiu team

TODO-pasalamat si dating Vice President Leni Robredo sa P300,000 cash donation ng mga “It’s Showtime” hosts para sa nasalanta ng bagyong Kristine.

 

“Lubos na pasasalamat, Kim, Ogie, MC, and Lassy for choosing Angat Buhay as your charity partner,” ani Robredo sa appreciation post nito sa Facebook.

 

“Malaking tulong po ito para sa mga nasalanta ng Bagyong #Kristine,” dagdag ng Angat Buhay Foundation founder. “Pagbati rin sa pagiging champion ng Magpasikat 2024. Mabuhay kayo!”

 

Matatandaan na sa kanyang speech makaraang magwagi sa “Magpasikat 2024” talent contest sa nasabing noontime show, sinabi ni Kim Chiu na bago pa man manalasa ang bagyo ay napagdesisyunan na ng kanyang team na kinabibilangan nina Ogie Alcasid, MC Calaquian at Lassy Marquez na sa Angat Buhay mapupunta ang kanilang premyo sakaling sila ang mananalo.

 

“Thank you po! Gusto lang namin i-share na ‘yung mapapanalunan namin—hindi pa namin alam ‘yung nangyari sa [Bagyong Kristine]—pero ‘yung charity po talaga namin ay para sa Angat Buhay foundation,” pahayag ni Kim.

“Maraming-maraming salamat. Malaking tulong po ‘to sa lahat ng mga nasalanta,” dagdag ng actress-host.

 

Related Articles

News 1 year ago

News 𝗔𝗝 𝗥𝗔𝗩𝗔𝗟 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗟𝗔𝗕𝗢𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗧𝗔𝗜𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗪𝗢𝗥𝗟𝗗 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗡𝗔 𝗞𝗬𝗟𝗜𝗘 𝗣𝗔𝗗𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗔𝗧 𝗔𝗟𝗝𝗨𝗥 𝗔𝗕𝗥𝗘𝗡𝗜𝗖𝗔/hi

The showbiz world was shocked when the news of Kylie Padilla and Aljur Abrenica getting…