WATCH: Boyet or Pip: nagulat ang fans sa napili ni Nora Aunor - News

WATCH: Boyet or Pip: nagulat ang fans sa napili ni...

WATCH: Boyet or Pip: nagulat ang fans sa napili ni Nora Aunor

Boyet o Pip: Sino kaya ang pipiliin ni Ate Guy Nora Aunor?

Sa segment na “Fast Talk” ng programang “Fast Talk with Boy Abunda,” tinanong ang Superstar star na si Nora “Ate Guy” Aunor kung Boyet (Christopher de Leon) o Pip (Tirso Cruz III)?

Nahihiyang pinili ni Ate Guy si Pip.

Si Pip o Tirso ang madalas na leading man o ka-love team noon ni Nora sa mga pelikula. Naging asawa naman noon ni Nora si Boyet at nagkaroon sila ng biological son na si Ian, at apat na adopted children.

Sa panayam ni Tito Boy, inamin ni Nora ang matinding pagmamahal niya noon kay Tirso noong bata pa sila.

Hindi raw itinatanggi ni Nora hanggang ngayon ang pagmamahal niya noon kay Pip.

“Alam n’yo naman kung sino ‘yun [Tirso], at hindi ko naman tinatago kung sino ‘yun (si Tirso),” ayon kay Ate Guy na idineklarang National Artist noong 2022.

“Masarap umibig dahil kahit hindi ka niya pinapansin, [kahit] alam mo na ‘di ka niya talaga totoong love, pero sa ‘yo, ‘yung puso mo para sa kanya, masaya na ako eh,” sabi pa ni Ate Guy.

Nang tanungin kung ano ang nakababaliw na ginawa niya ng dahil sa pag-ibig, kuwento ng veteran actress, “Sobrang baliw!” ‘Pag nag-aaway kami [ni Tirso], iinom ako nu’n tapos pupunta ako sa bahay niya. ‘Di ako papapasukin, hanggang magdamag ‘yun, nandun ako sa labas.”

Nilinaw ni Ate Guy na wala pa sa buhay niya si Boyet nang mabaliw siya noon kay Pip.

Napangasawa ni Tirso si Erlinda “Lynn” Erillo Ynchausti. Habang nang magkahiwalay sila ni Boyet, napangasawa naman ng aktor ang aktres na si Sandy Andolong.

Kamakailan lang, inihayag ni Nora ang muli siyang gagawa ng pelikula kasama si Alfred Vargas.

Related Articles

News 1 year ago

News 𝗔𝗝 𝗥𝗔𝗩𝗔𝗟 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗟𝗔𝗕𝗢𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗧𝗔𝗜𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗪𝗢𝗥𝗟𝗗 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗡𝗔 𝗞𝗬𝗟𝗜𝗘 𝗣𝗔𝗗𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗔𝗧 𝗔𝗟𝗝𝗨𝗥 𝗔𝗕𝗥𝗘𝗡𝗜𝗖𝗔/hi

The showbiz world was shocked when the news of Kylie Padilla and Aljur Abrenica getting…