Walang awang 'pinutol' ni Vice Ganda si Kim Chiu nang lumabas si Oliver Moeller sa It's Showtime! Katotohanan o biro lang?/hi - News

Walang awang ‘pinutol’ ni Vice Ganda s...

Walang awang ‘pinutol’ ni Vice Ganda si Kim Chiu nang lumabas si Oliver Moeller sa It’s Showtime! Katotohanan o biro lang?/hi

Vice Ganda teases Kim Chiu during Oliver Moeller’s visit in It’s Showtime

Vice Ganda: “Parang si Kim Chiu yata ang binibisitaVice Ganda teases Kim Chiu and Oliver Moeller in It’s ShowtimeVice Ganda (center) teases Kim Chiu (right) and former “EXpecially For You” contestant Oliver Moeller (left) during the latter’s visit in It’s Showtime on Tuesday April 16, 2024

Sorpresang nagbalik sa It’s Showtimebilang isa sa audience ang dating searchee ng “EXpecially For You” na si Atty. Oliver Moeller.

Si Oliver ang viral contestant na napiling maging ka-date ni Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee sa special episode ng “EXpecially For You” sa unang araw ng pag-ere ng Kapamilya noontime show sa GMA-7 noong April 6, 2024.

Ang muling pagbisita ni Oliver sa It’s Showtime ngayong Martes, April 16, ay hindi nakaligtas sa panunukso ng mga host na sina Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro, at Jhong Hilario.

Hirit nila, hindi babalik ang Filipino-Norwegian lawyer sa Kapamilya noontime show kung wala itong ibang pakay o gustong makita.

Ang pinapatungkulan ng mga host na maaaring dinalaw o sinadya ni Oliver ay ang co-host nilang si Kim Chiu.

Ani Vice, “Ay, nandito si Oliver oh. Si Atty. Oliver.”

Dugtong ni Vhong, “Parang may binibisita siya rito.”

Dagdag na hirit ni Vice, “Oo, parang si Kim Chiu yata ang binibisita. Hi Oliver, bakit ka nagbalik?”

Nakangiting sagot ni Oliver, “Just wanted to meet people lang here.”

Sundot na tanong sa kanya ni Vhong, “Sino, mayroon ka bang pangalan na nasa isip ngayon?”

Nahihiyang sagot sa kanya ni Oliver, “Maybe, secret.”

Nang itutok ang camera kay Kim ay kita ang hiya at abot-tenga nitong ngiti sa panunukso ng kanyang mga co-host.

Hindi ito ang unang pagkakataong tuksuhin sa isa’t isa ang dalawa.

Unang salang pa lamang ni Oliver sa It’s Showtime ay nakitaan na sila ng chemistry ni Kim.

Bukod kasi sa pareho silang single at successful ang career, parehas din silang taga-Cebu kaya ayon sa netizens ay hindi malabong magkapalagayan sila ng loob.

IS OLIVER COURTING KIM?

Sa panayam ni MJ Felipe ng ABS-CBN News kay Oliver, diretsahan itong tinanong kung nililigawan na ba niya si Kim.

Makahulugang sagot ng Cebu-based lawyer, “I don’t think it’s fair that I speak about that without Kim’s permission.

“So, I’m so sorry. I hope you understand. But Kim’s pretty nice.”

Gayunpaman, aminado si Oliver na bago pa siya sumalang sa “EXpecially For You” segment ay nagagandahan at naaaliw na siya kay Kim.

Sabi niya, “I’ve always thought Kim was such a pretty person.

“You know, she’s from Cebu. So, I mean, I guess you could say that.”

Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang reaksiyon o pahayag si Kim tungkol sa naging rebelasyon ni Oliver.

Related Articles

News 1 year ago

News 𝗔𝗝 𝗥𝗔𝗩𝗔𝗟 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗟𝗔𝗕𝗢𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗧𝗔𝗜𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗪𝗢𝗥𝗟𝗗 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗡𝗔 𝗞𝗬𝗟𝗜𝗘 𝗣𝗔𝗗𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗔𝗧 𝗔𝗟𝗝𝗨𝗥 𝗔𝗕𝗥𝗘𝗡𝗜𝗖𝗔/hi

The showbiz world was shocked when the news of Kylie Padilla and Aljur Abrenica getting…