VMX star Stephanie Raz on pursuing another career: “Dream kong mag-artista pero alam ko na hindi ito panghabambuhay. Realistic po ako.”
Nagtapos ng kursong Bachelor of Science in Tourism Management sa St. Nicolas College of Business and Technology, San Fernando, Pampanga, noong Hulyo 2024, ang VMX star na si Stephanie Raz.
Ang pangarap makatapos ng pag-aaral ang pangunahing dahilan kaya pansamantalang huminto si Stephanie sa paggawa ng mga proyekto para sa
Pero nang matanggap ni Stephanie ang kanyang college diploma, nagpasya siyang tuluyan nang talikuran ang showbiz dahil nais niyang matupad ang ambisyong magtrabaho bilang flight attendant.
“Nagpaalam na po ako sa Viva, nagpapa-release na po ako, pero kailangan ko po raw tapusin ang kontrata ko. Two years pa,” rebelasyon ni Stephanie sa Cabinet Files.
“Pangarap ko talagang mag-apply na flight attendant pero may nagsabi sa akin na mahigpit ang mga airline company sa pagtanggap ng applicants.
“Parang fifty-fifty ang decision ko dahil nagpapaseksi ako, e, sinasabi nila, bawal magpaseksi kapag flight attendant.
“Pero thankful ako sa VMX dahil pagbalik ko, may project agad ako.
“Dream ko rin ang pag-aartista kaya nalilito rin po ako. Dati, nalito na rin ako kung career o pag-aaral pero pinili ko ang school.
“Dream kong mag-artista pero alam ko na hindi ito panghabambuhay. Realistic po ako.”
Posibleng magbago ang desisyon ni Stephanie na iwanan ang showbiz kung magkakaroon siya ng mga mainstream project.
“Kung mabibigyan ako ng mainstream projects, itutuloy ko ang pag-aartista, pero sana matanggap pa rin akong flight attendant, kahit lumalabas ako sa mga pelikula ng VMX.”
STEPHANIE RAZ’S FORAY INTO SEXY MOVIES
Ang 2021 Vivamax movie na Pornstar 2: Pangalawang Putok ang unang pelikula ni Stephanie bilang sexy star.
Pamangkin si Stephanie ng former sexy actress na si Lara Morena, at lumalabas din sa mga pelikula ng VMX ang kanyang mga kapatid na sina Angela Morena at Micaella Raz.
Sa tatlong magkakapatid, si Stephanie ang unang pumasok sa showbiz at sumunod sa yapak niya sina Micaella at Angela.
Pagkatapos ng kanyang graduation day, ang Ungol ang isa sa mga proyektong ginawa ni Stephanie para sa VMX at siya ang bida ng pelikula.
Nahirapan si Stephanie sa mga eksena nito sa Ungol dahil bulag ang karakter na ginampanan niya.
Para maging makatotohanan, pinagamit siya ng no-vision lenses.
Stephanie Raz in Ungol
Mahirap kasi umaga pa lang hanggang gabi, nakasuot na ako ng blind contact lenses pero may pahinga naman.
“Mahirap dahil first time kong gumanap na bulag. Sobrang natutuyo agad ang contact lens dahil sa init at sa ilaw,” kuwento ni Stephanie, na nag-research tungkol sa mga pamumuhay at kilos ng bulag na tao sa pamamagitan ng panonood ng mga pelikulang walang paningin ang mga bida.