Vice: How many members of your family are you supporting right now?

Sherwin: Bale sa bahay 16 po kami. ‘Yung mga kapatid ko po is 7, ‘yung mga anak po ng mga kapatid ko ay 6 po. Tapos si mama at papa po.

Vice: 16 kayo, sa’yo lahat ‘yun?

Sherwin: Opo kasi sa totoo lang po, yung mga kapatid ko pong maliliit part po ng teenage pregnancy. ‘Yung mga kapatid ko pong mga babae, pinakabata pong nabuntis is 15 years old kaya po wala po silang kakayanang gampanan yung responsibilidad na dapat ay naka-atang po sa kanila.

Vice: ang bigat ‘yung labing-anim. Kung hindi mo mamasamain, magkano ang kinikita mo sa isang buwan.

Sherwin: Actually, mababa po ‘yung sinasahod ko. Less than 20K po. Siyempre ‘yung buhay po namin sasahod-uutang, sasahod-uutang, bayad dito-bayad doon. Kumbaga parang sa ilang taon pong dumaraan parang nakakapagod po bilang isang breadwinner na tinatry kong i-workout yung cycle ng buhay namin pero parang mas lalo kaming pinapahirapan ng tadhana. Kasi ako po ay nagta-try din pong mag-continue ng pag-aaral kasi hindi ko po na-continue ‘yung pag-aaral ko dahil mas minabuti ko pong mag-earn ng pera nang mas bata pa po ako. [….]
May be an image of 4 people and text
Vice: Kung iisipin mo, yung kahit less than P20,000, kasya ‘yun kung iisipin niya lang sarili niya. Pangkain niya, pang-eskwela niya. Kasya ‘yun eh. Pero hindi eh. Kaya ang hirap nun pagkasyahin kasi ang dami nila. Pati yung mga bunga ng mga maling desisyon ng mga taong nakapaligid sa kanya, pinapasan niya. Nangyari na ba sa inyo yun? ‘Yung apektadong-apektado ka ng mga maling desisyon ng mga taong nakapaligid sa’yo. Tapos, sa ayaw at sa gusto mo, kailangan mong indahin at pasanin ‘yun. […] Ano nang ginagawa nila ngayon, ngayong may anak na sila?

Sherwin: Bale apat po silang babae, tapos tatlo po doon nabuntis po ng mas maaga din po. Kumbaga may 15, may 16, may 17 po na nabuntis tapos ayun po, nag-aalaga lang din po sila sa bahay ng mga pamangkin po namin. Tapos si mama, since wala pong trabaho, si papa wala rin pong trabaho, nag-aalaga lang din po sila ng mga pamangkin din po namin. ‘Yung ate ko po kasi ‘yung naiwan niya pong anak doon po sa bahay nakatira, tapos baby pa rin po ‘yung bunso niya.

Vice: Alam mo, lahat naman tayo nakakagawa ng mga maling desisyon diba? Lahat tayo may nagagawang sablay, lahat tayo sumasablay sa buhay pero anuman ang isinablay natin, ano man ang desisyong nagawa nating mali, kailangan tayong maging responsable sa mga desisyon na ‘yun. Kailangan tayo ang gumawa ng paraan para ituwid ‘yung desisyon na ‘yun. Hindi natin dapat ipasa ‘yun sa ibang tao at ipasan mo sa kanila. Di’ba? […] Kung ang ibang tao kayang tumayo para sa atin katulad niya, bakit hindi mo kayang tumayo para sa sarili mo?

Sherwin: Hindi rin talaga ako lumaki kila mama at papa. Lumaki po ako sa lola ko sa Iloilo. Kaya siguro ganoon po ‘yung dedication ko na itaguyod sila, siguro kasi dahil din sa disiplina ng lola ko. Kaya nung time na binalik ako sa lola ko, nung nanghihina na siya hanggang ngayon na naghihirap ako, hinahanap ko pa rin siya. Na sana hindi nalang ako binalik. Sorry Ma. 🥺

Diumano - Vice: 3 years ka ng teacher, eh ilang years ka ng breadwinner?  Sir Michael: Since 3rd year highschool po ako up to now po breadwinner po  ako ng family. Vice:

Vice: Sa hirap na nararanasan mo ngayon parang naisip mo na sana hindi ka nalang binalik ng lola mo doon sa poder ng nanay mo kasi mas maayos ka don?

Sherwin: Opo. Lagi ko pong pinagpe-pray na sana hindi nalang kinuha si lola. Kasi sabi ko, siguro kung nandoon ako kay lola hindi ganito ang sitwasyon ko. Lagi kong sinasabi pag dumadaan ako sa Pasig Cathedral, Lord anong plano niyo po sa akin kasi everytime na mapapagod po ako, tinatanong ko sarili ko, hanggang kailan?

Vice: kung hindi ka napunta sa posisyon mo ngayon, sa palagay mo anong ginagawa mo?

Sherwin: Siguro nakapagtapos po ako ng pag-aaral tapos tinutulungan ko na po ‘yung mga magulang ko.

🥺 Marie Claire kinuwento ang kanyang breadwinner story.  #ShowtimeAngGustoKo #ViceGanda Watch us Live, Follow and Subscribe here:  http://linktr.ee/itsshowtimena

Sometimes, you realize that your dreams have quietly faded into the background, not because you stopped dreaming, but because life asked you to prioritize the welfare of others. You take on the role of the breadwinner, putting aside your own ambitions to shoulder the weight of family responsibilities.

In the process, you give so much of yourself para sa kapakanan ng iba, na ang sana’y mga oras at lakas na nakalaan para maabot mo ang ‘yong mga pangarap ay unti-unti na palang nauubos. Hindi pagsisisi ang nararamdaman mo, but a quiet acknowledgment that the path you once imagined for yourself has been rerouted — not out of choice, but out of love.

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News