Vice Ganda teases Kim Chiu about past falling out with Maja Salvador
Vice Ganda teases Kim Chiu: “Si Maja wini-welcome yung friendship, pero ikaw hindi ka nag-i-invite daw.”
Sa gitna ng pangungulit ni Vice Ganda tungkol sa dating sigalot sa pagitan nina Kim Chiu at Maja Salvador, nilinaw ng chinita actress na walang isyu sa pagitan nila ng former Wildlflower star. Sabi pa ni Kim,Hindi nakaligtas si Kim Chiu sa pang-uurirat ni Vice Ganda tungkol sa dating hidwaan ng una at ni Maja Salvador.
Ito ay sa kadahilanang hindi diretsahang masabi ni Kim na kabarkada ang turing niya kay Maja, tulad ng pagiging malapit niya kay Bela Padilla.
Nagkasama kasi sina Kim, Bela, at Maja sa ASAP concert show sa Hawaii kamakailan.
Tanong ni Vice: “Si Maja barkada niyo rin?”
Sagot ni Kim, “Nakasama namin.”
Pang-aalaska ni Vice, “Nakasama niyo lang, pero hindi niyo barkada? Ayaw mo na?”
Sa puntong ito ay napahagalpak na lang ng tawa ang bungisngis na si Kim.
Hirit ulit ni Vice, “O, bigla kang nag-normal, kanina ang ligalig mo. Hahaha!”
Sabi naman ni Kim, “Oy, hindi! Okey na.”
Ang tinutukoy ni Kim ay walang isyu sa pagitan nila ni Maja.
Hindi kaila sa publiko na nagkaroon ng sigalot sa pagitan nina Kim at Maja nang maging karelasyon ng huli si Gerald Anderson noong 2013.
Dating lihim na nagkarelasyon sina Kim at Gerald, na naghiwalay noong April 2010.
Naiulat ang sama ng loob at pagkasira ng tiwala ni Kim kay Maja, na itinuring ng una bilang confidante noong panahong heartbroken siya sa hiwalayan nila ni Gerald.
Ngunit kinalaunan ay nag-initiate si Maja na magkaayos silang dalawa ni Kim.
NOT AS CLOSE AS KIM-BELA FRIENDSHIP. Nakapanayam ni Vice sina Kim at Bela sa episode ng ABS-CBN late-night talk show na Gandang Gabi Vice kagabi, July 22.
Patuloy na pang-uusisa ni Vice kay Kim, “Barkada niyo si Maja ngayon?
“Kasama namin sa team,” sagot ni Kim, na ang tinutukoy ay ang pagiging mag-co-host nila ni Maja sa ASAP show sa Hawaii.
Pangungulit pa rin ni Vice, “So, barkada niyo nga? Ba’t ayaw mo sabihin?”
Sa puntong ito, sumingit si Bela upang ipahiwatig na hindi kasing-lapit ng pagkakaibigan nila ni Kim ang pagiging magkaibigan ng chinita actress sa former Wildflower star.
Sabi ni Bela, “Hindi. Hindi namin barkada.”
Ngunit pa-safe na giit ni Kim, “puwede naman lahat” maging kabarkada.
Hindi pa rin dito natapos ang pang-aasar ni Vice kay Kim.
Ipinakita ni Vice ang ilang video clips mula sa Instagram Story ni Kim, na nagpapakita ng ilang kuha nito kasama si Maja sa Hawaii.
Isa rito ang kuha kung saan magkatabi sina Kim at Bela sakay ng service bus, habang si Maja ay nasa bandang unahan katabi si Piolo Pascual.
Hirit ni Vice sa distansiya ni Kim kay Maja, “Ay, bakit ang layo niyo sa isa’t isa?”
Natatawang sagot ni Kim, “Tabi kasi sila ni Papa P!”
Pang-aasar pa rin ni Vice kay Kim, “Parang may irap kang konti dun, Kim.
“Hindi buo ang smile, maliit lang yung smile… Nakita ko yung mga gestures.”
Natatawang deny ulit ni Kim, “Oy, sa ibang story na yun.”
Sabi kasi ni Vice, “Si Maja, wini-welcome yung friendship, pero ikaw hindi ka nag-i-invite daw.”
Sagot ni Kim, “Grabe po siya! Huy, nag-invite ako! Pakita ko sa iyo yung text mamaya.”
Kung mabibigyan sila ng pagkakataon, gusto raw ni Kim na maka-bonding si Maja sa bahay nito.
Nagpatutsada naman si Vice na baka gusto lang ni Kim inspeksyunin ang bahay ni Maja kung saan may bakas ng nakaraan noong karelasyon pa ng former Wildflower star si Gerald.
Pakuwelang sabi ni Vice sa posibleng pang-uusisa ni Kim kay Maja, “So, dito yun? Saan dito? Saang sulok ng bahay na ‘to?”
Tawa lang nang tawa si Kim, ngunit sa huli ay nilinaw niyang “super okey” na ang lahat sa pagitan nila ni Maja.
Ani Kim, “Wala naman na talaga. Kasi ang galit nagla-last lang iyan ng two years.”
Sina Maja at Gerald ay hiwalay na noon pang 2015.
Sa kasalukuyan, si Bea Alonzo ang napapabalitang karelasyon ni Gerald.
Si Kim ay nauugnay naman sa dating perennial leading man niyang si Xian Lim.
Si Maja ay nananataling low-profile pagdating sa usapin ng kanyang love life.
News
Nagdulot ng kaguluhan si Matteo Guidicelli sa kanyang ika-35 na kaarawan – Sarah Geronimo beams bago ang malaking anunsyo/hi
On March 26, Matteo Guidicelli officially turned 35 at a cozy yet lavish party. But what made the Philippine showbiz stir was not just the grand birthday celebration, but the shocking announcement he made in front of his family, friends…
News 𝗔𝗝 𝗥𝗔𝗩𝗔𝗟 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗟𝗔𝗕𝗢𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗧𝗔𝗜𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗪𝗢𝗥𝗟𝗗 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗡𝗔 𝗞𝗬𝗟𝗜𝗘 𝗣𝗔𝗗𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗔𝗧 𝗔𝗟𝗝𝗨𝗥 𝗔𝗕𝗥𝗘𝗡𝗜𝗖𝗔/hi
The showbiz world was shocked when the news of Kylie Padilla and Aljur Abrenica getting back together spread. But more than the public’s surprise, it seemed like a huge emotional blow for AJ Raval. According to a source, AJ could…
Atong Ang Reacts Sa Sexy Looks Nina Sunshine Cruz At Ina Raymundo Sa BENCH Fashion Show 2025! (Panoorin Ngayon)/hi
The **BENCH Fashion Show 2025** catwalk exploded with the charming appearance of two beauties **Sunshine Cruz** and **Ina Raymundo**. Among a series of famous models, the two veteran stars still took the spotlight, making even businessman Atong Ang “freeze” before…
WATCH NOW: Sunshine Cruz and Ina Raymundo Shock with Bold Outfits at BENCH Fashion Show 2024! (video)/hi
The BENCH Fashion Show 2024 event became the center of attention when two famous beauties Sunshine Cruz and Ina Raymundo appeared charmingly on the catwalk. Although they are in their 40s and 50s, both of them still amazed the audience…
SHOCK: Buboy Villar Welcome sa Bagong Bata, Dalawang Anak Sa Angillyn Iniwan? Ano ang Katotohanan?/hi
Actor Buboy Villar once again became the center of discussion when the news of his new child spread across social media. However, what made the public debate was whether his two children with Angillyn Serrano Gorens were really abandoned or…
Aljur Abrenica 35th Birthday❤️Napa-IYAK at Na-SHOCK sa Supresa ni AJ Raval at mga ANAK sa Kanya! (video) /hi
Actor Aljur Abrenica just celebrated his 35th birthday in the most touching way! An emotional surprise brought him to tears when AJ Raval and his children gave him a special gift that he had no idea about. According to the…
End of content
No more pages to load