Umiiyak: Labis na naantig si Kim Chiu na makatanggap ng espesyal na bagay sa okasyon ng kanyang ika-18 anibersaryo sa showbiz.../hi - News

Umiiyak: Labis na naantig si Kim Chiu na makatangg...

Umiiyak: Labis na naantig si Kim Chiu na makatanggap ng espesyal na bagay sa okasyon ng kanyang ika-18 anibersaryo sa showbiz…/hi

Kim Chiu, naging emosyonal dahil sa suportang natanggap sa kanyang 18th showbiz anniversary

Actress and ‘It’s Showtime’ host Kim Chiu sa kanyang 18th showbiz anniversary: “Through ups and downs, nandiyan sila, mga sumusuporta sa akin. Thank you. Happy anniversary to us.”

Ipinagdiwang ni Kim Chiu ang kanyang 18th anniversary sa showbiz nitong Lunes, June 3.

Sa recent episode ng It’s Showtime, masayang binati si Kim ng kanyang co-hosts sa 18 na taon niya sa industriya. Labis ang pasasalamat ng actress-host sa kanyang fans dahil aniya’y sila ang nagpaalala tungkol sa kanyang showbiz anniversary.

“Thank you so much. Alam mo, hindi ko talaga alam. Napaalala lang talaga ng Kim Chiu Global, Kim Chiunatics. Ni-remind nila ako today and nagpaulan sila ng madaming food.

“Nagpa-billboard sila. Ang dami talaga. I wanna cry. Thank you so much,” aniya.

Tila naging emosyonal naman si Kim habang sinabi, “Thank you for the love, the support, and for always reminding me na nandiyan kayo lagi para suportahan ako.”

Dagdag pa niya, “Through ups and downs, nandiyan sila, mga sumusuporta sa akin. Thank you. Happy anniversary to us.”

Matapos ito, humirit si Jhong Hilario at sinabi, “Alam mo ang wish namin, sana ibang anniversary naman ‘yung i-celebrate natin.”

Dagdag naman ng singer-host na si Teddy Corpuz, “’Wag muna tayo sa anniversary, monthsary daw muna.”

Ani Kim, “Hanap muna ako ng ka-monthsary ko.”

Subaybayan ang It’s Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado,12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.

Related Articles

News 1 year ago

News 𝗔𝗝 𝗥𝗔𝗩𝗔𝗟 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗟𝗔𝗕𝗢𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗧𝗔𝗜𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗪𝗢𝗥𝗟𝗗 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗡𝗔 𝗞𝗬𝗟𝗜𝗘 𝗣𝗔𝗗𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗔𝗧 𝗔𝗟𝗝𝗨𝗥 𝗔𝗕𝗥𝗘𝗡𝗜𝗖𝗔/hi

The showbiz world was shocked when the news of Kylie Padilla and Aljur Abrenica getting…