Sofronio Vasquez hailed as first Asian winner of The Voice USA
Vasquez is the first Filipino and Asian to win in the global singing contest.
Sofronio Vasquez makes history as the first Filipino and Asian to win the hit American singing competition, The Voice USANapaluhod at napahagulgol sa iyak ang Filipino-American singer na si Sofronio Vasquez nang tawagin ang kanyang pangalan bilang grand winner ng The Voice USA Season 26.
Inanunsiyo ang resulta nitong Martes ng gabi, Disyemre 10, 2024 (U.S. time).
Photo/s: Screengrab The Voice on YouTube
Ginanap naman ang grand finals noong Lunes ng gabi, Disyembre 9.
Para sa grand finals, kinanta ni Sofronio ang “Unstoppable” ng Australian singer na si Sia at “A Million Dreams” nina Hugh Jackman, Michelle Williams, at Ziv Zaifman mula sa musical film na The Greatest Showman.
Dahil sa ipinakitang husay ni Sofronio, 32, siya ang nakakuha ng pinakamaraming text votes, dahilan para tanghalin siyang The Voice USA 2024 grand champion.
Bilang The Voice winner, kasama sa premyo ni Sofronio ang $100,000 cash prize at record deal.
Ito ang kauna-unahang pagkakataong may nanalong Pilipino at Asian sa kasaysayan ng The Voice USA, kung kaya’t ganoon na lang din ang saya ng napiling coach ni Sofronio—ang Canadian singer-songwriter na si Michael Bublé.
Ito rin ang kauna-unahang panalo ni Michael bilang coach sa The Voice.
Nakatapat ni Sofronio sa Final 2 ang kasama niya sa Team Bublé na si Shye, 17.
SOFRONIO ExpresseS gratitude to all WHO SUPPORTed HIM
Noong December 2, matapos niyang makapasok sa Top 5 ay nagpasalamat si Sofronio sa lahat ng Pilipino na sumusuporta sa kanya, gayundin sa lahat ng mga kababayan niya sa New York.
Mababasang post ng singer sa kanyang Facebook page (kalakip ang litrato niya): “WE MADE IT TO THE FINALE
“Thank you so much to my Filipinos everywhere and in America who gave so much love and support. And Of course, I wanna say Maraming Salamat to my hometown Utica, Upstate New York, Mohawk Valley and Everyoooneeeeeeeeeee!
“Grabe kayo…Please continue to pray fror me.”
Bago sumali si Sofronio sa The Voice USA ay naging contestant siya sa “Tawag ng Tanghalan” segment ng ABS-CBN noontime show na It’s Showtime.