Donny, nag-react sa isyung nasasapawan nina Maris at Anthony ang DonBelle
Nagbigay daw ng reaksyon ang “Can’t Buy Me Love” star na si Donny Pangilinan kaugnay sa isyung nasasapawan daw nina Maris Racal at Anthony Jennings ang tambalan nila ni Belle Mariano.
Sa latest episode ng Marites Univesity nitong Huwebes, Pebrero 15, pinag-usapan ng mga host na sina Jun Nardo, Rose Garcia, at Ambet Nabus ang tungkol sa bagay na ito.
atapos umani ng papuri sina Anthony at Maris sa kanilang mga eksena sa nasabing teleserye na pinangungunahan nina Donny at Belle.
Kaya naman hindi nakapagtataka na in the near future, kapag natapos ang “Can’t Buy Me Love,” ay bigyan sina Maris at Anthony ng proyekto kung saan sila naman ang bibida.
Pero ang naging reaksyon na nga lang ni Donny, wala. natawa lang siya. Kasi parang ano pa nga ba ang iko-comment niya? E, ganoon talaga ang eksena sa mga ganoon,” saad ni Ambet.
Dugtong pa niya: “Kaya mga Donato fans dyan, relaks lang. Chill.”
Matatandaang bago pa man ito ay nagsalita na rin si Anthony nang usisain siya sa isang panayam hinggil sa nasabing isyu.