Tropa ni Xian Lim binuking na si Kim Chiu nakipaghiwalay
Hindi na naman magkandamayaw ang mga marisol dahil may bago na namang rebelasyon sa hiwalayang Kim Chiu at Xian Lim!
This time nga ay ang kaibigan ni Xian naman na nagngangalang Sam Tamayo ang umispluk.
Sa isang mahabang comment kasi nito ay sinabi nitong “easy on the comments” naman daw sa mga netizen na maraming hanash tungkol sa breakup nina Kim at Xian lalo na kung chismis lang daw ang pinaniniwalaan dahil hindi daw ito totoo.
May sey nga ito tungkol sa kung paano dini-deal ng mga kalalakihan ang isang hiwalayan pero ang nakakaloka nga ay ang sumunod na rebelasyon nito tungkol sa breakup nina Xian at Kim.
Sey nito, “In the first place, yung girl na nakipag-break is nauna ng nakapag-move on kaya nga nagkalakas na ng loob makipag-break after 12 years diba. Mahirap i-break ang taong minahal mo ng matagal.”
Klinaro rin ni Sam na wala umanong naging relasyon sina Xian at current girlfriend nitong si Iris Lee bago ang breakup ng aktor kay Kim.
“AGAIN, ULITIN KO PARA SA SLOW MAKA-GETS, WALANG RELASYON SI XIAN KAY IRIS NUNG HINDI PA NAKIPAG-BREAK SI KIM KAY XIAN!“ tsika nito.
Sey rin ni Sam, na dapat ay maging happy na lang daw para sa both parties ‘pag nakapag-move-on na ang mga ito.
May kanya-kanyang sey naman ang mga netizen sa rebelasyong ito ng kaibigan ni Xian:
“Omg just let it rest! Maybe Kim had a damn good reason for ending it with Xian? We’ll never know and it’s nobody’s business tbh.”
“Malapit na mag 1 YEAR ANNIVERSARY BREAK UP NILA Di pa rin kayo tapos?”
“Hindi naman tayo mga pinanganak kahapon di ba. kung nagk-jowa agad after ng break-up, nakaabang na yun, regardless kung sino ang nakipag-break.”
Regardless nga kung sino ba talaga ang nakipag-break ay hindi natin maitatanggi na mukhang masaya naman sina Xian at Kim sa kani-kanilang mga tinatahak na buhay — career-wise.
Si Kim nga ay makulay ang love team with Paulo. Si Xian naman ay may project with her girlfriend. ‘Yun naman ang important sa life no — ang happy ka kahit ano pang ibato sa’yo.
Split kay Xian? Vice pasimpleng pinapaamin si Kim

latest episode ng “It’s Showtime,” hindi napigilang urutin ni Vice Ganda si Kim Chiu tungkol sa nobyo nitong si Xian Lim.
Marami na kasing naglalabasang balitang hiwalay na ang showbiz couple.
Katunayan, inisyu ng mga mahadera ang pagiging solo ng Chinita Princess sa bakasyon nito sa Balesin na hindi kasama si Xian.
Sa segment ng “Tawag ng Tanghalan”, nakipagtsikahan sina Kim, Vice at maging si Vhong Navarro sa isang contestant.
Sa kanilang huntahan, nasabi ni Kim kung ano para sa kanya ang true love.
Ani Kim, kapag mahal mo raw ang isang tao, hindi ka magsasalita nang anumang masama ukol dito.
Sey pa niya: “. “Walang kapintasan kapag mahal.”
Sumang-ayon naman si Vice sa sinabi ni Kim.
Pero, pagkatapos nito ay inurot ng unkabogable star si Kim.
Ani Vice: “”So kailan niyo sasabihin?”
Wala mang tinutumbok ang komedyante ay nahinuha agad ng kibitzers na ang tinutukoy nito ay ang estado ng relasyon ni Kim sa Kapuso actor.
Hindi ito ang unang pagkakataon na inurirat ni Vice si Kim tungkol kay Xian.
Sa nakaraang episode ng “Tawag ng Tanghalan,” tinanong ni Vice si Kim tungkol sa personal nitong buhay.
Tanong niya, sino raw ba ang nagpapangiti sa Chinita actress.
Walang tuwirang naisagot si Kim kaya naman, nagkaroon ng espekulasyon na hiwalay na nga sila ni Xian.
Hindi pa nakuntento si Vice kaya naman sinundan pa ulit ito ng isa pang tanong.
“Ano ang puwede mong sabihan na kulang ka ‘pag wala siya?”
Tila nablangko nang ilang sandali si Kim sa tanong na ito ni Vice kaya kinantiyawan ito ng komedyante.
News
Nagdulot ng kaguluhan si Matteo Guidicelli sa kanyang ika-35 na kaarawan – Sarah Geronimo beams bago ang malaking anunsyo/hi
On March 26, Matteo Guidicelli officially turned 35 at a cozy yet lavish party. But what made the Philippine showbiz stir was not just the grand birthday celebration, but the shocking announcement he made in front of his family, friends…
News 𝗔𝗝 𝗥𝗔𝗩𝗔𝗟 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗟𝗔𝗕𝗢𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗧𝗔𝗜𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗪𝗢𝗥𝗟𝗗 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗡𝗔 𝗞𝗬𝗟𝗜𝗘 𝗣𝗔𝗗𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗔𝗧 𝗔𝗟𝗝𝗨𝗥 𝗔𝗕𝗥𝗘𝗡𝗜𝗖𝗔/hi
The showbiz world was shocked when the news of Kylie Padilla and Aljur Abrenica getting back together spread. But more than the public’s surprise, it seemed like a huge emotional blow for AJ Raval. According to a source, AJ could…
Atong Ang Reacts Sa Sexy Looks Nina Sunshine Cruz At Ina Raymundo Sa BENCH Fashion Show 2025! (Panoorin Ngayon)/hi
The **BENCH Fashion Show 2025** catwalk exploded with the charming appearance of two beauties **Sunshine Cruz** and **Ina Raymundo**. Among a series of famous models, the two veteran stars still took the spotlight, making even businessman Atong Ang “freeze” before…
WATCH NOW: Sunshine Cruz and Ina Raymundo Shock with Bold Outfits at BENCH Fashion Show 2024! (video)/hi
The BENCH Fashion Show 2024 event became the center of attention when two famous beauties Sunshine Cruz and Ina Raymundo appeared charmingly on the catwalk. Although they are in their 40s and 50s, both of them still amazed the audience…
SHOCK: Buboy Villar Welcome sa Bagong Bata, Dalawang Anak Sa Angillyn Iniwan? Ano ang Katotohanan?/hi
Actor Buboy Villar once again became the center of discussion when the news of his new child spread across social media. However, what made the public debate was whether his two children with Angillyn Serrano Gorens were really abandoned or…
Aljur Abrenica 35th Birthday❤️Napa-IYAK at Na-SHOCK sa Supresa ni AJ Raval at mga ANAK sa Kanya! (video) /hi
Actor Aljur Abrenica just celebrated his 35th birthday in the most touching way! An emotional surprise brought him to tears when AJ Raval and his children gave him a special gift that he had no idea about. According to the…
End of content
No more pages to load