Kim Chiu, dismayado sa pag-aaway nila ni Xian Lim: “…kasi hindi n’ya ako pinapatulan.”
![]()
PHOTOS: Viva Films
“Sometimes lang po kasi hindi n’ya ako pinapatulan. Sabi n’ya, ‘Usap na lang tayo bukas.’ ‘Ay, wala na. Hindi na ako galit bukas.’” – Kim Chiu
May nakakatawang sagot si Kapamilya star Kim Chiu sa tanong kung nag-aaway ba sila at all ng nobyo n’yang si Xian Lim.
Nausisa kasi ang KimXi couple ng entertainment press sa media conference nila kahapon, September 15, for their upcoming reunion movie na Always, kung saan natanong sila kung nagkakaroon pa ba sila ng pagtatalo bilang magkasintahan. Isa kasi sila sa may pinaka-kalmadong relationship sa showbiz.
“Sometimes lang po kasi hindi n’ya ako pinapatulan,” tila nagmamaktol na sagot ni Kim na ikinatawa ng press people. “Sabi n’ya, ‘Usap na lang tayo bukas.’ ‘Ay, wala na. Hindi na ako galit bukas.’”
Mabait daw kasi itong si Xian kaya hindi na raw ipinagpipilitan ni Kim na makipagtalo dito kapag may hindi sila napapagkasunduan.
“Ganu’n po s’ya na tao. So, sobrang madalang lang po talaga [kami mag-away]. Hindi n’ya po ako papatulan kapag ganu’n. Parang… ‘Ano ba ’yan? Nakipag-away ako. Wag na lang.’ ’Yong mga ganu’n,” natatawang kwento ni Kim.
Salo naman ni Xian sa paliwanag ng kanyang nobya, tumatahimik lang din naman daw si Kim kapag s’ya naman ang galit.
“And vice versa din. Pag ako naman ’yong galit, parang ganito, ‘Kim, away naman tayo,’ hindi n’ya ako pagbibigyan,” natatawang sabi ng aktor.
“Pero, ’di ba, ’yong dynamics natin pag nag-aaway tayo is tapusin na s’ya kaagad?” pag-a-address pa n’ya kay Kim.
Aminado naman s’ya na noong mga unang taon nila bilang magkasintahan ay madalas silang mag-away pero nagbago na raw ito over the years.
“Siguro nu’ng una, nu’ng mga bago-bago pa kami, nagpapakipot si Kim, naggagalit-galitan ako. Pero ngayon kasi parang we make sure na bago kami matulog, e, magkakabati na agad kami. Pag-usapan na, tapusin na. Pag-usapan na ang kailangang pag-usapan,” lahad pa ni Xian.
Singit naman ni Kim, “Sabi n’ya, ‘Tama na. Magbabati din tayo mamaya.’ ‘Huh? Pinapatagal ko pa kasi.’ ’Yong mga ganu’n.”
A muling natawa ang press people sa inilahad ng aktres.
“Nagtatawanan na lang kami. Parang galit talaga kami, ganito, ganito. Pag nagkatinginan kami sa isa’t isa natatawa na lang kami,” dagdag pa ni Xian.
Samantala, natanong din si Kim sa pang-iintriga ng ilang netizens kung bakit tila hindi na raw s’ya nag-a-“I love you” kay Xian sa Instagram.
“Hindi naman kailangang sabihin sa social media ang lahat ng gusto mong sabihin sa isang tao. Personal na buhay na namin ‘yon so siguro meron din kaming sariling desisyon kung ano ang ipo-post namin sa hindi,” sagot n’ya.
“And hindi naman natin maiwasan sa fans na humingi nang humingi. Depende na lang kung ano ang ibibigay mo sa personal mong buhay. Ganu’n po,” pagtatapos ni Kim.
Muling mapapanood sa big screen nationwide ang patok na tambalan nina Kim at Xian after eight years sa movie nilang Always simula September 28.
News
Nagdulot ng kaguluhan si Matteo Guidicelli sa kanyang ika-35 na kaarawan – Sarah Geronimo beams bago ang malaking anunsyo/hi
On March 26, Matteo Guidicelli officially turned 35 at a cozy yet lavish party. But what made the Philippine showbiz stir was not just the grand birthday celebration, but the shocking announcement he made in front of his family, friends…
News 𝗔𝗝 𝗥𝗔𝗩𝗔𝗟 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗟𝗔𝗕𝗢𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗧𝗔𝗜𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗪𝗢𝗥𝗟𝗗 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗡𝗔 𝗞𝗬𝗟𝗜𝗘 𝗣𝗔𝗗𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗔𝗧 𝗔𝗟𝗝𝗨𝗥 𝗔𝗕𝗥𝗘𝗡𝗜𝗖𝗔/hi
The showbiz world was shocked when the news of Kylie Padilla and Aljur Abrenica getting back together spread. But more than the public’s surprise, it seemed like a huge emotional blow for AJ Raval. According to a source, AJ could…
Atong Ang Reacts Sa Sexy Looks Nina Sunshine Cruz At Ina Raymundo Sa BENCH Fashion Show 2025! (Panoorin Ngayon)/hi
The **BENCH Fashion Show 2025** catwalk exploded with the charming appearance of two beauties **Sunshine Cruz** and **Ina Raymundo**. Among a series of famous models, the two veteran stars still took the spotlight, making even businessman Atong Ang “freeze” before…
WATCH NOW: Sunshine Cruz and Ina Raymundo Shock with Bold Outfits at BENCH Fashion Show 2024! (video)/hi
The BENCH Fashion Show 2024 event became the center of attention when two famous beauties Sunshine Cruz and Ina Raymundo appeared charmingly on the catwalk. Although they are in their 40s and 50s, both of them still amazed the audience…
SHOCK: Buboy Villar Welcome sa Bagong Bata, Dalawang Anak Sa Angillyn Iniwan? Ano ang Katotohanan?/hi
Actor Buboy Villar once again became the center of discussion when the news of his new child spread across social media. However, what made the public debate was whether his two children with Angillyn Serrano Gorens were really abandoned or…
Aljur Abrenica 35th Birthday❤️Napa-IYAK at Na-SHOCK sa Supresa ni AJ Raval at mga ANAK sa Kanya! (video) /hi
Actor Aljur Abrenica just celebrated his 35th birthday in the most touching way! An emotional surprise brought him to tears when AJ Raval and his children gave him a special gift that he had no idea about. According to the…
End of content
No more pages to load