Shocking: Paulo Avelino refused to answer LJ Reyes' question about their son, and stated an unacceptable truth /hi - News

Shocking: Paulo Avelino refused to answer LJ Reyes...

Shocking: Paulo Avelino refused to answer LJ Reyes’ question about their son, and stated an unacceptable truth /hi

Paulo Avelino, ayaw makipagsagutan sa pasaring ni LJ Reyes tungkol sa anak nila

PAGKATAPOS ng Q and A sa grand presscon ng I’m Drunk, I Love You nina Paulo Avelino, Dominic Roco at Maja Salvador ay tinanong namin ang una tungkol sa nabalitang wala siyang panahon sa anak nila ni LJ Reyes na si Aki.

Nabanggit ni LJ sa presscon ng project niya sa GMA-7 na nagtataka siya kung bakit hindi man lang dinadalaw ni Paulo ang bata gayong hindi naman daw niya ito itinatago o pinagbabawalan ang ama.

Panay ang iling ni Paulo at nakiusap siyang huwag na lang muna itong pag-usapan at hindi sa presscon ng I’m Drunk, I Love You ang tamang venue para talakayin ang isyu.

Pero hirit namin, kailangan niyang magsalita o ipagtanggol ang sarili dahil hindi maganda ang tingin sa kanya ng mga nakabasa sa mga sinabi ng ina ng anak niya.

“Hindi pa panahon para magsalita po ako, pero ginagawa ko naman ang obligasyon ko bilang ama ng anak ko, hindi naman ako nagpapabaya sa financial, basta hindi lang dito (presscon),” paliwanag ni Paulo.

Mahal na mahal ng aktor ang anak niya at darating din ang tamang panahon para malaman ng lahat ang side niya.

Anyway, ikalawang pagtatambal nina Paulo at Maja ang pelikulang I’m Drunk, I Love You, una na silang nagkasama sa teleseryeng Bridges of Love sa ABS-CBN with Jericho Rosales.

Maraming fans ang Pau-Maj kaya nakakapagtaka na ngayon lang sila nagkaroon ng follow-up project. Nang alukin siya ng TBA (Tuko Film Productions, Buchi Boy Entertainment at Artikulo Uno Productions), siya ang nag-suggest na si Maja ang kuning leading lady niya.

Nambuska si Maja kay Paulo sa Q and A na hindi naman daw siya ang first choice ng aktor, nagkataon lang daw na hindi available ang mga naunang napili. Pero agad itong sinalag ng aktor at inamin na gusto talaga niyang makasama ang dalaga dahil na-miss niya.

Nagkabukingan tuloy na crush pala ni Paulo si Maja na ikinakilig naman ng huli sabay ngiti.

Ano ang nagustuhan niya kay Maja?

“Mahilig siyang magdala ng pagkain sa set kaya gustung-gusto namin. Laging maraming food sa set,” nakangiting sabi ng aktor.

Parehong loveless sina Paulo at Maja at posibleng sila raw ang magkakasama sa Valentine’s Day dahil nga may promo sila ng I’m Drunk, I Love You. Tuwing weekend ang mall shows nila.

Mapapanood na ang I’m Drunk, I Love You sa Pebrero 15 mula sa direksiyon ni JP Habac. (REGGEE BONOAN)

Related Articles

News 1 year ago

News 𝗔𝗝 𝗥𝗔𝗩𝗔𝗟 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗟𝗔𝗕𝗢𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗧𝗔𝗜𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗪𝗢𝗥𝗟𝗗 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗡𝗔 𝗞𝗬𝗟𝗜𝗘 𝗣𝗔𝗗𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗔𝗧 𝗔𝗟𝗝𝗨𝗥 𝗔𝗕𝗥𝗘𝗡𝗜𝗖𝗔/hi

The showbiz world was shocked when the news of Kylie Padilla and Aljur Abrenica getting…