SHOCKING! NORA AUNOR DOLL MYSTERIOUSLY DISAPPEARS – NORANIANS FANS BEGATE IN DESPERATION!/hi

SHOCKING! NORA AUNOR DOLL MYSTERIOUSLY DISAPPEARS – NORANIANS FANS BEGATE IN DESPERATION!

Sold out ang gala night ng “Hustisya” ni Nora Aunor. Talagang punung-puno ang CCP Theater base sa nakita naming photos.
Bumuhos ng suporta ang mga Noranians.

They came in droves, talagang laksa-laksa ang mga nanonood, grupo-grupo at lahat sila ay excited na mapanood ang Cinemalaya movie ni Ate Guy.

Kaya lang, merong nawalang importanteng memorabilia about the Superstar.“Dumalo ang Nora Aunor doll sa CCP gala night ng Cinemalaya film na Hustisya, pero sa gitna ng komosyon ay naiwaglit ng may hawak.

Nananawagan po kami sa nakapulot sa Nora Aunor memorabilia na ito sa CCP. Hindi po ito personal na pag-aari kundi isang mahalagang memorabilia para sa Noranian section ng Iriga City Public Library.

Mangyari lamang pong ipaalam dito ang anumang impormasyon ukol sa nawawalang vintage doll. Marami pong salamat.”
‘Yan ang nabasa namin sa aming Facebook account na panawagan ng isang Noranian.

Kasama nito ang photo ng Nora Aunor doll na naka-glass case pa. Kung sino man ang aksidenteng nakakuha ng memorabilia ni Ate Guy, sana ay maisoli na ito dahil importante itong bahagi ng Nora Aunor collection sa Bicol.

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News