Roxie Smith on handling bashing in showbiz and beauty pageants
Roxie Smith not closing her doors to beauty pageants.
Roxie Smith on playing kontrabida roles: “I’m always grateful naman. Ang saya kaya maging kontrabida kasi hindi ka naman nagagalit nng ganun sa totoong buhay. So, as a creative, ang saya. Ang saya ma-explore ng pagiging kontrabida. Pero of course, I’ll also be happy to accept something different.”
Hindi na raw bago sa Sparkle artist na si Roxie Smith ang ma-bash sa social media dahil sa magkakasunod na kontrabida roles na ginagampanan niya sa telebisyon.
Nagsimula ang 27-year-old former beauty queen na gumanap na kontrabida kay Ashley Ortega sa GMA Prime teleserye na Hearts On Ice.
Sumunod ay sa #SparkleU bilang kontrabida ni Shayne Sava.
Ang latest, isa siya sa kontrabida ni Kate Valdez sa GMA Afternoon Prime teleserye na Shining Inheritance.
Ayon kay Roxie, grateful siyang nabibigyan ng challenging roles at gusto pa niyang ma-explore ang iba’t ibang klaseng kontrabida roles.
“I’m always grateful naman. Ang saya kaya maging kontrabida kasi hindi ka naman nagagalit nng ganun sa totoong buhay.
“So, as a creative, ang saya. Ang saya ma-explore ng pagiging kontrabida.
“Pero of course, I’ll also be happy to accept something different.
“Pero kung anuman yung ibigay sakin, buong-buo kong tatanggapin yun,” pahayag ni Roxie sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa 3rd anniversary mediacon ng Regal Studio Presents, sa Valencia Events Place, noong Ocober 3, 2024.
ROXIE SMITH ON HANDLING BASHERS
Dahil sa kanyang pagganap bilang Aimee Vergara sa Shining Inheritance, na-experience ni Roxie ang makurot ng isang senior fan ni Kate Valdez, na gumaganap bilang Inna.
Kuwento niya, “Nangungurot po sila. Sa arm lang naman.
“Sinabi pa niya sa akin, ‘Ikaw talaga, bakit mo inaaway si Inna? Bakit naman?’
“Pero ang nakakatuwa, after akong kurutin, nagpa-papicture siya sa akin!
“So, they know naman na it’s different from who you are in reality. Some people kasi, they fail to see the difference of you and your character.
“Pero I’m happy naman na most people understand na it’s only the role and not me.”
Ikinumpara ni Roxie ang bashing sa showbiz at noong aktibo pa siya sa pagsali sa beauty pageants.
Mas malala raw ang bashing sa pageants, lalo raw noong manalo siya bilang Miss Philippines Earth noong 2020.
Ang tunay niyang pangalang Roxanne Allison Baeyens ang ginamit noon ni Roxie bilang kinatawan ng Baguio City.
Roxanne Allison Baeyens of Baguio City was adjudged Miss Earth Philippines 2020 in a virtual coronation aired on GMA-7.