SHOCKING NEWS: Belle Mariano was attacked by vulgar words from Valentine Rosales, making fans angry../hi - News

SHOCKING NEWS: Belle Mariano was attacked by vulga...

SHOCKING NEWS: Belle Mariano was attacked by vulgar words from Valentine Rosales, making fans angry../hi

Belle Mariano, dedma sa nalikhang ingay ng hindi nagagandahan sa kanyang si Valentine Rosales

“Hindi ko sinabi na pangit siya ang sabi ko di ko lang na appreciate yung beauty niya, porket di nagagandahan assume niyo pangit agad?” tanong ni Valentin Rosales sa mga supporters ni Belle Mariano.

PHOTOS: @belle_mariano & @valentinersls on Instagram

“Hindi ko sinabi na pangit siya ang sabi ko di ko lang na appreciate yung beauty niya, porket di nagagandahan assume niyo pangit agad?” tanong ni Valentin Rosales sa mga supporters ni Belle Mariano.

Tila walang kebs si Kapamilya actress Belle Mariano sa opinyon sa kanya ng internet personality na si Valentine Rosales.

Wala pa kasing nilalabas na sagot ang kampo n’ya sa mga nasambit ni Rosales sa kanya on Twitter.

Nito kasing nakalipas na Sabado de Gloria, April 8, ay bigla na lang nagpahayag si Rosales sa social media na hindi umano nito type ang beauty ng aktres.

“Ako lang ba di nakaka appreciate ng beauty ni Belle Mariano? Di ako nagagandahan sakanya eh, sorry pero mas gusto ko pa itchura ni Francine [Diaz],” walang pasintabing pahayag ni Rosales sa kanyang Twitter post.

Hindi ikinatuwa ng netizens, lalo na ng mga fans and supporters ni Belle, ang naging pahayag n’ya kaya’t pinutakte s’ya ng mga ito.

Giit ng supporters ng aktres, p’wede naman daw purihin ni Rosales ang ganda ni Francine kung naa-appreciate n’ya ito nang hindi nagkukumpara sa iba.

Ayon pa sa kanila, hindi hamak naman daw na mas maganda si Belle kung ikukumpara umano ito sa kanya. Kung hindi umano n’ya gusto ang ganda ng aktres ay hindi rin naman daw nila gusto ang itsura ng internet personality kaya patas lang.

May mga nabuwisit din na hindi man lang umano prumemo itong si Rosales gayung hindi pa natatapos ang Semana Santa.

Hindi naman nagpakabog dito ang controversial online personality at iginiit nito na hindi naman daw n’ya sinabing pangit si Belle kundi hindi n’ya lang daw talaga type ang beauty ng dalagang aktres.

“Hindi ko sinabi na pangit siya ang sabi ko di ko lang na appreciate yung beauty niya, porket di nagagandahan assume niyo pangit agad?” depensang tanong n’ya.

“Beauty is in the eye of the beholder maaaring maganda sainyo sakin hindi sakto lang. Kanya kanya tayo ng taste!” giit pa n’ya.

Related Articles

News 1 year ago

News 𝗔𝗝 𝗥𝗔𝗩𝗔𝗟 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗟𝗔𝗕𝗢𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗧𝗔𝗜𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗪𝗢𝗥𝗟𝗗 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗡𝗔 𝗞𝗬𝗟𝗜𝗘 𝗣𝗔𝗗𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗔𝗧 𝗔𝗟𝗝𝗨𝗥 𝗔𝗕𝗥𝗘𝗡𝗜𝗖𝗔/hi

The showbiz world was shocked when the news of Kylie Padilla and Aljur Abrenica getting…