Hindi na bago sa showbiz ang usapin ng billing, at marami nang intriga ang pinag-ugatan nito. Sa 15th anniversary ng ‘It’s Showtime’, nasangkot na naman sina Kim Chiu at Karylle sa ganitong isyu.
Sa isang episode ng noontime show, napansin ng ilang manonood ang puwesto ni Karylle sa stage. Sa isang bahagi ng programa kung saan nakatipon ang mga kasalukuyang hosts, nasa gitna ang mga prominenteng hosts na sina Vice Ganda at Anne Curtis. Katabi ni Vice si Kim Chiu, habang si Karylle naman ay nasa bandang kaliwa, medyo malayo sa sentro.
Dito na nga nag-ugat ang ilang intriga. Para sa ilang fans, tila mas binibigyang importansya si Kim, na hindi pa katagalan sa show, kaysa kay Karylle, na mas matagal na sa ‘It’s Showtime’.
May ilan pang nagsabi na baka puwedeng mag-commercial break muna para pagpalitin ang puwesto ng dalawa. Kaloka!
Narito ang ilan sa mga hanash ng mga faney ni Karylle:
“Hindi porket mabait siya at hindi nagrereklamo, ganun na magiging pagtrato niyo sa kanya. Isa sa mga original hosts ’yan tapos iginilid niyo lang? No offense meant kay Kim, pero Karylle should take over her seat. She deserves it more.”
“Sorry but Karylle should’ve been in Kim’s seat. I said what I said.”
“Excuse me lang ha, dun sa seating arrangements ng mga hosts, Karylle should be in the middle of Vice and Jhong, not Kim. Baka nakakalimutan ng @itsShowtimeNa na mas nauna si Binibining Kurba sa show!”
Pero wala pa namang statement ang dalawang celeb sa issue ito, na paulit-ulit na lang, ha!
Samantala, madalas kapag natatanong tungkol sa unfair billing, sinasabi ng mga celebrity na wala naman silang problema dito. So the issue begs the question… sa panahon ngayon, may halaga pa ba ang ganitong isyu? Worth it pa bang pagtalunan o pansinin? Oh well…