SHOCKING: Karla Estrada was exposed as the reason why Daniel Padilla broke up with Kathryn Bernardo because of revealing these details, angry fans said…

Karla Estrada, itinangging ipinagtatanggol niya sa Daniel Padilla kasunod ng breakup nito kay Kathryn Bernardo

Ayon kay Karla Estrada, peke ang lumabas na art card na nagsasabing ipinagtatanggol n’ya si Daniel Padilla sa mga isyu kasunod ng pag-amin nito na break na sila ni Kathryn Bernardo. Kailanman daw kasi ay never n’yang pinanghimasukan ang love life ng kanyang binatang anak.

PHOTOS: @KarlaEstrada1121 on Facebook & @mr.supremo.daniel_26 on Instagram

Ayon kay Karla Estrada, peke ang lumabas na art card na nagsasabing ipinagtatanggol n’ya si Daniel Padilla sa mga isyu kasunod ng pag-amin nito na break na sila ni Kathryn Bernardo. Kailanman daw kasi ay never n’yang pinanghimasukan ang love life ng kanyang binatang anak

Itinanggi ng actress-TV host na si Karla Estrada ang nilalaman ng isang kumakalat na art card kung saan tila ipinagtatanggol n’ya ang anak na si Daniel Padilla.

Sa kanyang social media post nitong weekend, pinabulaanan ng aktres na sa kanya galing ang statement na nakapaloob sa nasabing art card.

Base kasi sa nakalagay doon, ipinagtatanggol n’ya ang binatang anak kaugnay sa mga ibinabato rito matapos itong umamin na hiwalay na sila ni Kathryn Bernardo after 11 years of being in a relationship.

Isa sa mga lumutang na dahilan ng breakup ay ang diumano’y pambababae ni Daniel habang girlfriend n’ya si Kathryn. Napagod na umano sa pagpapasensya ang Kapamilya actress kaya nauwi sila sa hiwalayan.

Dahil sa nangyari, binabato ngayon ng netizens si Daniel ng masasakit na paratang gaya ng “cheater” dahil sa sinasabing pangangaliwa umano nito.

Dito na lumabas ang art card na naglalaman daw ang pahayag ni Karla na nagtatanggol sa anak.

Narito ang statement na nakalagay sa art card:

“Hindi ch*eater ang anak ko! My son is not perfect, but he’s learning and growing. People make mistakes, and it’s crucial to understand the context and the effort he’s putting into becoming a better person.”

Nakarating ito kay Karla at kaagad n’ya itong pinabulaanan.

“FAKE PO ITO WALA AKONG [GANITONG] POST AT HINDI AKO GUMAGAWA NG GANITONG POST,” pagtutuwid ng Face to Face host.

Wala namang masama kung tutuusin sa nakalagay sa artcard pero ang tinututulan niya ay ang pag-a-attribute ng mensahe na hindi naman niya binitawan.

Tinutunton na rin daw nila ngayon ang mga taong nasa likod ng nasabing art card.

“AMIN NA PONG INIISA ISA ANG MGA ACCOUNTS NG MGA MAPANIRANG TAO NA GUMAGAWA NG MGA GANITO,” pagtatapos n’ya.

Matatandaan na bago kumpirmahin ng KathNiel sa publiko ang kanilang hiwalayan, may lumabas na bulong-bulungan na galing raw sa kanya ang tsikang ito. Itinanggi ito ni Karla at sinabing hindi umano n’ya pinanghihimasukan ang love life ng kanyang anak.

“Kailan man ay Hindi ko pang hihimasukan o Pangungunahan ang personal na buhay ng mga anak ko,” saad n’ya sa kanyang Facebook post.

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News