SHOCKING: Female police officer caught her father’s killer after 25 years, clues revealed from…/hi

Policewoman captures her father’s killer after 25 years

“I made a point of telling him who I was.”
Gislayne Silva de Deus and the suspect

Nine years old si Gislayne Silva de Deus (nasa kaliwa) nang mapatay ang kanyang ama. Hindi nadakip ang killer. Pumasok si Gislayne sa police force para tuparin ang pangakong siya ang huhuli sa kriminal. Nagpakilala siya rito matapos niya itong maaresto. “It’s because of me that you are here. You are now going to pay.” (Photo courtesy of Perfill Brasil) 

Dekada man ang lumipas, nasiguro ng isang anak na naulila na mabibigyan niya ng hustisya ang pagkamatay ng kanyang ama na binaril nang dahil lamang sa utang.

Noong February 16, 1999, nabaril at napatay si Givaldo José Vicente de Deus sa isang bar sa Boa Vista, Brazil.

Nagkaroon sila ng mainitang pagtatalo ng isang Raimundo Alves Gomes dahil sa utang na 150 Brazilian reals.

Ang katumbas ng halagang iyon noong 1999 ay US$27, o PHP1,662.58 ngayon.

Si Givaldo ang may pagkakautang kay Raimundo.

Sa gitna ng kanilang argumento, lumabas ng bar si Raimundo, pero nang magbalik ay may dala ng baril.

Pinaputukan nito si Gilvaldo nang malapitan sa ulo.

Tumakas si Raimundo sa crime scene, at bagaman at naglabas ang hukuman ng warrant of arrest, hindi siya nadakip.

Naulila ni Gilvaldo ang kanyang maybahay at limang anak.

Hindi nawalan ng pag-asa ang kanyang pamilya na mabibigyan ng hustisya ang kanyang pagkamatay.

ELDEST DAUGHTER NG BIKTIMA NANGAKO NG HUSTISYA PARA SA AMA

Ang panganay na anak na babae ni Givaldo na si Gislayne—na siyam na taon pa lang nang maganap ang pagpatay sa ama—ay nangako na ilalaan niya ang kanyang buhay madakip lang si Raimundo.

Gislayne Silva de Deus with her younger sister and dad

Ang biktima kasama ang dalawang anak na babae. Photo: Screenshot at Diario de Nordeste

Sa panayam kay Gislayne ng Brazilian news outlet na Nova1 nitong ikalawang linggo ng October 2024, sinabi niyang dahil sa krimen na ginawa ni Raimundo ay nawasak ang kanilang pamilya.

Nahirapan ang kanyang ina na palakihin silang limang magkakapatid.

Ang pangyayaring iyon aniya ay posibleng maging dahilan noon para maligaw silang magkakapatid ng landas.

“But our mother always taught us to follow the right path.”

NAHIRAPAN SA PAGKAMATAY NG AMA, IPINAGPATULOY ANG PAG-AARAL

Bilang panganay, kinailangan ni Gislayne na tumulong sa kanyang ina sa pag-aalaga sa kanyang mga nakababatang kapatid at maging sa mga gawaing bahay.

Sa kabila nito, hindi niya pinabayaan ang kanyang pag-aaral.

Kuwento niya, noong nabubuhay pa ang kanyang ama ay lagi siyang pinapayuhan nito na mag-aral nang mabuti.

Inaalalayan din siya nito kapag may homework siya at projects sa school.

Simula’t sapul, ayaw ni Gislayne na mabigo ang kanyang ama sa pangarap nitong makatapos siya ng pag-aaral

 

 

 

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2024 News