Derek Ramsay, Ellen Adarna get cozy at dinner party
Derek Ramsay reacts to claims that he is using Ellen Adarna for publicity
Netizens comment after Ruffa Gutierrez posted photos and videos of Ellen Adarna (left) and Derek Ramsay (right) being cozy with each other during a dinner party at the actor’s house.
Walang malisya.”
Caption ito ni Ruffa Gutierrez sa larawan kung saan makikitang nagtititigan sina Ellen Adarna at Derek Ramsay.
Isa lamang ito sa mga larawan at videos na ipinost ni Ruffa sa kanyang Instagram Story.
Sa kanyang komento, tila inaasahan na ni Ruffa na pag-uusapan ang mga post niya tampok sina Derek at Ellen.
Hindi nga siya nagkamali.

Kuha ang mga larawan nina Derek at Ellen nang mag-bonding silang “magkakapitbahay” sa bahay ng aktor, kasama kasama si John Estrada at ilang non-showbiz friends.
Ipinost ni Ruffa ang tungkol sa kasiyahan ng kanilang “neighborhood” nitong Lunes, January 11, 2021.
RUFFA’S POSTS FEATURE ELLEN ADARNA AND DEREK RAMSAY
Sa mga sunud-sunod na posts ni Ruffa, tila alam niya ang ingay na lilikhain ng mga ito.
Sa isang video, maririnig na ang usapan nila ay tungkol sa “tsismis” na kinasasangkutan nilang mga artista.
Makikitang tawang-tawa si Ellen habang nakaupo at dinig ang pagsasabi ng isang lalaki na, “Para mabali na ang tsismis ba.”
Kinalabit ni Derek si Ellen at sinabihang “’Yan ang tsismis-maker ng Pilipinas,” pagtukoy sa lalaking nagsalita.
Caption ni Ruffa sa video: “This will be a very interesting evening…”

Sa isa pang video na ipinost ni Ruffa, mapapanood si Ellen na inakbayan si Derek at inilapit ang kanyang mukha sa aktor.
Tila may pinag-uusapan silang nakakatawa, at makikita pa ang pangingiliti ni Ellen sa baba ni Derek.
Maririnig naman si John na sinita sila ng “Sssssst!! Huy!”
Caption ni Ruffa sa video: “LOL”
Kilalang malapit na magkaibigan sina Derek at John, habang sina John at Ellen ay magkatambal sa isang upcoming sitcom ng TV5.

Ipinost din ni Ruffa ang kulitan video nila ni Ellen.
Bungad ni Ruffa: “Hi, Ellen.”
Ellen: “Hi, Ruffa.”
Ruffa: “Do you love me?”
Ellen: “I love you, but I love… him.”
At saka sila nagtawanan nang malakas.
May common denominator sina Ruffa at Ellen dahil pareho nilang nakarelasyon noon ang aktor John Lloyd Cruz.
Hindi rin nakaligtas sa mga mapanuring netizens na si Derek ay dating boyfriend ni Angelica Panganiban, na dati namang nakarelasyon ni John Lloyd Cruz.
Kulang na nga lang daw sa grupo ay sina Angelica at John Lloyd.
Ni-repost naman ni Ellen ang video ni Ruffa, at dito ay nabanggit niyang “same street” sila nakatira.
Caption ni Ellen: “This neighborhood is so interesting hahahahhahahahahahahahahaha #samestreet”
RUFFA AND DEREK REACT TO NETIZENS’ COMMENTS
Ipinost din ni Ruffa sa kanyang Instagram ang larawan niya kasama sina Derek at Ellen.
Caption ng aktres: “Hanging out with my super fun neighbors”

Nagbabala ang isang netizen: “ingat po tayo girls”
Tila pinapag-ingat ng netizen sina Ellen at Ruffa sa “matinik” na si Derek.
Sinagot ito ni Ruffa: “we are in good hands.”

Pero hindi nito napigilan ang sunud-sunod na komento ng netizens na nagbabala na mag-ingat kay Derek.
Halatang hindi pa rin tumitigil ang netizens sa bansag kay Derek na “babaero” kasunod ng paghihiwalay nila ni Andrea Torres noong nakaraang taon.



Samantala, ipinost din ni Derek sa Instagram ang larawan nila nina Ruffa at Ellen.
Caption ni Derek dito: “Love thy neighbor! Great fun guys!”
May isang netizen na nagtanggol kay Derek. Halatang may isa pang nagkomento nang hindi maganda tungkol sa aktor.
Pero tila burado na ito.
Pagtatanggol ng supporter ni Derek: “Daming ang bilis magjudge! Di ba pwedeng friendly between neighbors lang!?”
Sumagot naman si Derek ng clapping hands emojis sa kanyang supporters, senyales ng pagsang-ayon niya.
Sabi naman ni Derek sa kanyang kritiko, i-unfollow na lang siya nito.

May isa pang netizen na inakusahan si Derek na ginagamit lamang si Ellen for publicity.
Sabi ng basher, “desperate for publicity” si Derek at inanyayahan daw nito si Ellen para pag-usapan siya.
Ganito rin daw ang ginawa ng aktor ay Andrea, pero hindi raw masyadong nag-click ang relasyon nila ng aktres.
Sagot ni Derek: “wow! And that’s why you follow me”

Mukhang ayaw namang tumigil ni Ruffa sa pangungulit.
Nagkomento siya sa ipinost na larawan nila ni Derek.
Ani Ruffa, “Love thy neighbors! Hmmm… parang LOVE THY WOMEN is more bagay [sticking out tongue, laughing face, peace sign emojis]”
Simpleng “lol” o laugh out loud ang sagot ni Derek.

Sa ngayon, ang pagkakaalam ng marami ay single si Derek matapos ang breakup nila ni Andrea.
Samantala, kinumpirma ni Ellen noong April 2020 na isang Spanish guy ang kanyang karelasyon at long-distance relationship (LDR) sila.
Wala naman ibang update si Ellen kung patuloy pa ba ang LDR nila.
News
Nagdulot ng kaguluhan si Matteo Guidicelli sa kanyang ika-35 na kaarawan – Sarah Geronimo beams bago ang malaking anunsyo/hi
On March 26, Matteo Guidicelli officially turned 35 at a cozy yet lavish party. But what made the Philippine showbiz stir was not just the grand birthday celebration, but the shocking announcement he made in front of his family, friends…
News 𝗔𝗝 𝗥𝗔𝗩𝗔𝗟 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗟𝗔𝗕𝗢𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗧𝗔𝗜𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗪𝗢𝗥𝗟𝗗 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗡𝗔 𝗞𝗬𝗟𝗜𝗘 𝗣𝗔𝗗𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗔𝗧 𝗔𝗟𝗝𝗨𝗥 𝗔𝗕𝗥𝗘𝗡𝗜𝗖𝗔/hi
The showbiz world was shocked when the news of Kylie Padilla and Aljur Abrenica getting back together spread. But more than the public’s surprise, it seemed like a huge emotional blow for AJ Raval. According to a source, AJ could…
Atong Ang Reacts Sa Sexy Looks Nina Sunshine Cruz At Ina Raymundo Sa BENCH Fashion Show 2025! (Panoorin Ngayon)/hi
The **BENCH Fashion Show 2025** catwalk exploded with the charming appearance of two beauties **Sunshine Cruz** and **Ina Raymundo**. Among a series of famous models, the two veteran stars still took the spotlight, making even businessman Atong Ang “freeze” before…
WATCH NOW: Sunshine Cruz and Ina Raymundo Shock with Bold Outfits at BENCH Fashion Show 2024! (video)/hi
The BENCH Fashion Show 2024 event became the center of attention when two famous beauties Sunshine Cruz and Ina Raymundo appeared charmingly on the catwalk. Although they are in their 40s and 50s, both of them still amazed the audience…
SHOCK: Buboy Villar Welcome sa Bagong Bata, Dalawang Anak Sa Angillyn Iniwan? Ano ang Katotohanan?/hi
Actor Buboy Villar once again became the center of discussion when the news of his new child spread across social media. However, what made the public debate was whether his two children with Angillyn Serrano Gorens were really abandoned or…
Aljur Abrenica 35th Birthday❤️Napa-IYAK at Na-SHOCK sa Supresa ni AJ Raval at mga ANAK sa Kanya! (video) /hi
Actor Aljur Abrenica just celebrated his 35th birthday in the most touching way! An emotional surprise brought him to tears when AJ Raval and his children gave him a special gift that he had no idea about. According to the…
End of content
No more pages to load