10 Filipino Celebrities na Nasangkot sa isyu and Labelled as THIRD Party
Ito umano ang mga celebrity na naging dahilan at naging third party sa hiwalayang kinasangkutan nila. Sila ang nasangkot sa malalaking issue noon at natawag na mang-aagaw ng ibang netizens.
10. Kris Aquino
Isa si Kris Aquino sa mga female celebrities na naakusahang nang-agaw o nakasira ng relasyon. Naging matunog ang balita noon nang malink siya sa kanyang co-actor na si Philip Salvador. Nagsimula ang kanilang relasyon nang gawin nila ang pelikulang ‘Nandito Ako’ noong 1994. Hindi naging maganda ang tingin ng tao kay Kris noong inamin niyang may anak siya kay Philip Salvador. Sa panahong iyon, kasal pa si Philip sa kanyang unang asawa ngunit nanindigan pa rin si Kris Aquino at Philip sa kanilang relasyon na tumagal ng limang taon. Naging malaking isyu nito lalo na nang ipalabas sa publiko na pinabinyagan nila ang kanilang anak nang magkasama kahit alam ni Kris na pamilyadong tao si Philip Salvador noon. Sa isang interview kay Kris ng YES Magazine, inamin niya na ang relasyon niya kay Philip ang pinakanakasakit sa kanyang ina na si Dating Pangulong Cory Aquino na kilalang deboto ng Simbahang Katoliko.
9. Yassi Pressman
Naging malaking isyu ang pagkakalink ni Yassi Pressman sa kilalang aktor na si Coco Martin. Nagsimula ang kanilang tambalan sa ‘Ang Probinsyano’ at dito na rin nagsimula ang isyu nilang dalawa. Ilang taon na ang nakalipas nang kinumpirma ng ilang mga kilalang news outlet network and websites na nabuntis umano ni Coco Martin si Julia Montes. Dahil dito sinisi nang ibang fans nina Julia Montes at Coco Martin si Yassi Pressman sa naputol na relasyon ng dalawa.Β May mga naglabasang balita rin noon na matagal ng may gusto si Yassi kay Coco at naging secret in a relationship ang dalawa.
8. Liz Uy
Si Liz Uy ay isang kilalang celebrity stylist at close friend ng mga sikat sa mundo ng showbiz. Naging mainit ang pangalan ni Liz Uy nang madawit sa isyu at siya ang itinuturing na third party ng hiwalayan ng businessman na si Raymond Racaza at Dra. Ging Racaza. May malaking rebelasyon noon si Liz Uy na matagal niyang itinago sa publiko. Nagsimula ito nang magpost si Georgina Wilson ng picture ni Liz na may kargang baby na agad namang binura. Ilang linggo matapos ang nasabing insidente ay ipinaalam ni Liz sa publiko sa pamamagitang ng kanyang Instagram account na may anak na siya ngunit hindi niya sinabi kung sino ang ama ng kanyang anak. Dahil rito naglabasan ang mga spekulasyon na siya ang dahilang nang pagkasira sa pamilya ng kilalang doktor. Hindi maganda ang naging pagtanggap ng mga netizens sa isyung ito at maraming hindi magagandang reaction ang natanggap ni Liz. Binansagan din siyang mang-aagaw ng mga kaibigan at pamilya nang nasabing doktora ngunit hindi naman nagpaapektu si Liz Uy. Nagpost pa siya nang picture kasama ang noo’y kinakasama na si Raymond Racaza at kanilang anak.
7. Andrea Torres
Si Andrea Torres ay isang actress. Hindi naman nakaligtas si Andrea Torres sa isyung hiwalayan nina Derek at Joanne. Siya ang itinuturong dahilan nang hiwalayan ng magkarelasyon. Matatandaang siya din ang ang itinuturong dahilan noon ng isyu tungkol kay Marian Rivera at Dingdong Dantes noong nagkaloveteam sila sa teleseryeng ‘Alyas Robinhood’. Siya rin ang sinasabing pinagseselosan ni Yassi Pressman na katrabaho ng ex niyang si Sef Cadayona sa ‘Bubble Gang’.
6. Coleen Garcia
Hindi naging maganda ang simula ng relasyon nina Coleen Garcia at Billy Crawford. Si Coleen Garcia ay nasangkot noon sa isyung hiwalayan ni Billy Crawford sa longtime girlfriend nito na si Nikki Gil. Maraming mga netizens ang hindi nagustuhan ang balitang ito. Naging mainit ang mga mata ng netizens kay Coleen na co-host ni Billy noon sa noontime show na ‘It’s Showtime’. Hindi naging madali para kina Billy at Coleen na aminin ang kanilang relasyon. Maraming mga netizens ang nagsasabing, inagaw lamang ni Coleen si Billy kay Nikki Gil ngunit hindi ito hinayaan ni Billy na lumala pa kaya nagsalita na si Billy sa totoong dahilan ng hiwalayan nila ni Nikki.
5. Marian Rivera
Si Marian Rivera ay isang Kapuso actress. Binsagan siya ‘Kapuso Primetime Queen’ dahil sa kanyang galing sa pag-arte. Nagsimula siyang sumikat nang makuha niya ang lead role sa teleseryeng ‘Mari Mar’ kung saan una niyang naging leading man si Dingdong Dantes. Ngunit bago pa ang kanilang happy ever after ang love story nila, may mga isyu rin silang kinasangkutan. Ang pinakamalaki roon ay ang break up ni Dingdong Dantes sa kanyang longtime girlfriend na si Karylle. Nang lumabas ang isyu ng hiwalayan nina Dingdong at Karylle, maraming kumalat na balita na si Marian ang dahilan ng kanilang break up. Marami ring mga netizens ang hindi natuwa sa balitang ito. Naging tahimik lamang noon si Marian kaya hindi na lumala pa ang sitwasyon nilang tatlo. Lumipat dinb daw umano si Karylle sa ibang network dahil ayaw na niyang makita pa ang dalawa ngunit makalipas ang ilang taon ay nakumpirma din na wala ng tensyon sa pagitan nina Marian at Karylle.
4. Jessy Mendiola
Katulad nang isyu nina Gerald Anderson, Bea Alonzo at Julia Barretto isa rin sa hindi makakalimutang controversial issue ang break up nila Luis Manzano at Angel Locsin. Ang di umano’y malaking dahilan sa kanilang hiwalayan ay si Jessy Mendiola. Naging malaking isyu ang hiwalayang iyon at ayon sa mga kilalang news network, si Jessy MendiolaΒ ang pinakabashed celebrity nang lumabas ang isyung hiwalayan nina Angel at Luis.
3. Julia Barretto
Si Julia Barretto ay anak ni Marjorie Barretto kay Dennis Padilla. Isa sa mga kilalang aktres at pinakakontrobersyal na aktres sa kanyang henerasyon dahil sa hiwalayan nina Gerald Anderson at Bea Alonzo. Si Julia Barretto ang masasabing magandang mukha sa kanilang magkakapatid at kahit sa showbiz ay nakakasabay siya sa ganda nang mga sikat na artista tulad na lamang kina Liza Soberano at Kathryn Bernardo. Ngunit dahil sa malaking isyung kinasangkutan niya ay marami siyang naging bashers at marami ring nagsabi na isa raw talaga siyang Barretto.
2. Marjorie Barretto
Si Marjorie Barreto ay ang kapatid nina Gretchen Barretto at Claudine Barretto. Hindi din siya nakatakas sa intriga kahit na pinilit niyang maging tahimik ang kanyang buhay may pamilya. Ilang taon na ang nakalipas ng aminin ni Marjorie Barretto na itinago niya sa publiko ang bunso niya na si Erich. Maraming haka haka at balibalitang kaya niya ito itinago ay dahil ito ang anak niya sa dating Caloocan City mayor na si Recom Echiverri. Si Former Mayor ay isang pamilyadong tao. Hindi man direktang inamin ni Marjorie ang kanilang relasyon noon inilaglag naman siya ng kanyang kapatid na si Gretchen. Kaya naman lumala ang isyu nilang magkapatid.
1. Gretchen Barretto
Si Gretchen Barretto ay isa sa may pinakamagandang mukha sa mundo ng showbiz. Kilala din siya bilang 24 years partner ni Tonyboy Cojuangco na isang bilyonaryo sa Pilipinas. Maraming mga netizens ang bumabatikos sa kanya at tinawag siyang kabit dahil aminado siyang siya ang dahilan kung bakit hiniwalayan ni Tonyboy ang pangalawang asawa na si Denise Yagot Cojuangco. Hindi pa rin pumapayag si Denise na maannul ang kanyang kasal kay Tonyboy kaya naman hanggang ngayon ay itinuturing pa ring kabit si Gretchen ng mga tao.
News
Nagdulot ng kaguluhan si Matteo Guidicelli sa kanyang ika-35 na kaarawan – Sarah Geronimo beams bago ang malaking anunsyo/hi
On March 26, Matteo Guidicelli officially turned 35 at a cozy yet lavish party. But what made the Philippine showbiz stir was not just the grand birthday celebration, but the shocking announcement he made in front of his family, friends…
News ππ π₯ππ©ππ πππ‘π¨ππππ’π ππ‘π ππ‘π§ππ₯π§πππ‘π ππ‘π§ πͺπ’π₯ππ π ππ§ππ£π’π¦ π ππππ ππ‘ ππ‘π π£πππππππππππππ‘ π‘ππ‘π ππ¬πππ π£ππππππ ππ§ ππππ¨π₯ πππ₯ππ‘πππ/hi
The showbiz world was shocked when the news of Kylie Padilla and Aljur Abrenica getting back together spread. But more than the publicβs surprise, it seemed like a huge emotional blow for AJ Raval. According to a source, AJ could…
Atong Ang Reacts Sa Sexy Looks Nina Sunshine Cruz At Ina Raymundo Sa BENCH Fashion Show 2025! (Panoorin Ngayon)/hi
The **BENCH Fashion Show 2025** catwalk exploded with the charming appearance of two beauties **Sunshine Cruz** and **Ina Raymundo**. Among a series of famous models, the two veteran stars still took the spotlight, making even businessman Atong Ang “freeze” before…
WATCH NOW: Sunshine Cruz and Ina Raymundo Shock with Bold Outfits at BENCH Fashion Show 2024! (video)/hi
The BENCH Fashion Show 2024 event became the center of attention when two famous beauties Sunshine Cruz and Ina Raymundo appeared charmingly on the catwalk. Although they are in their 40s and 50s, both of them still amazed the audience…
SHOCK: Buboy Villar Welcome sa Bagong Bata, Dalawang Anak Sa Angillyn Iniwan? Ano ang Katotohanan?/hi
Actor Buboy Villar once again became the center of discussion when the news of his new child spread across social media. However, what made the public debate was whether his two children with Angillyn Serrano Gorens were really abandoned or…
Aljur Abrenica 35th Birthdayβ€οΈNapa-IYAK at Na-SHOCK sa Supresa ni AJ Raval at mga ANAK sa Kanya! (video) /hi
Actor Aljur Abrenica just celebrated his 35th birthday in the most touching way! An emotional surprise brought him to tears when AJ Raval and his children gave him a special gift that he had no idea about. According to the…
End of content
No more pages to load