Vhong Navarro Na Dismissed Sa Kaso Sinampa Ni Deniece Cornejo

Nagpahayag ng pasasalamat si Vhong Navarro sa lahat ng sumuporta sa kanya sa pagharap sa mga kasong panggagahasa na isinampa laban sa kanya ng modelong si Deniece Cornejo. Una nang naabsuwelto si Navarro ng 3rd Division ng Supreme Court (SC) sa kasong panggagahasa.

Nabanggit ang hindi pagkakatugma ng mga binitiwang salita ni Cornejo. “Not trivial, minor, inconsequential”

Binawi ng mataas na hukuman ang desisyon ng Court of Appeals noong 2022.

 

 

“Dasal ako ng dasal everyday and night na hopefully makuha ko na yung minimithi ko. Na matapos na itong pinagdadaanan ko.” Sinabi ni Navarro sa mga episode ng noontime variety show na It’s Showtime noong Martes, Marso 14, 2022.

“Kasi may mga panahon na akala ko, nawalan ako ng pag-asa. Nawalan ako ng hope nung nasa loob ako. Pero hindi ako tumigil sa pagdadasal. Kaya eto na po, dininig na ng Supreme Court yung dasal natin at nagkakaroon ng po ng maganda ang pagresolba nila sa kaso ko.”

“So, this is it. The supreme court has heard our prayers and now, there is a good outcome after they resolve my case.”

 


 

Nagpasalamat si Vhong Navarro sa Korte Suprema at nagpasalamat sa lahat ng tumulong, kabilang ang kanyang pamilya, mga kaibigan, legal team, manager, streetboys at kanyang mga tagahanga.