Robin Padilla aminadong si Kath ang nagpasikat kay Daniel
![]()
After ng ilang taon ay magbabalik ulit sa pelikula si Senator Robin Padilla at gagampanan niya ang buhay ni former Senator Gringo Honasan.
Taong 2019 pa huling bumida sa isang pelikula si Robin at bago ang 2022 elections ay nakapag-shoot pa siya ng ilang pelikula, pero hindi niya ito natapos dahil nanalo siya bilang senador.
Kahit may naumpisahan na siyang ibang pelikula ay mas uunahin niyang tapusin itong biopic ni Gringo dahil priority raw niya ito lalo pa’t idol niya talaga ang dating senador dahil sa mga pinaniniwalaan at pinaglalaban nito.
Ang nasabing pelikula ay ipo-produce ng Borracho Film Productions, Inc. ni Atty. Ferdie Topacio, na siya ring producer ng award-winning film na ‘Mamasapano: Now It Can Be Told’.
Kasama ni Atty. Topacio si former Congressman Mike Defensor at hoping sila na isa ito sa mga mapipiling pelikula sa darating na 50th Metro Manila Film Festival.
Samantala, sa naganap na media conference ng nasabing pelikula, natanong din si Robin tungkol sa hiwalayan nina Kathryn Bernardo at ng kanyang pamangkin na si Daniel Padilla.
Aniya, hindi raw nagko-confide sa kanya si DJ tungkol sa love life at puro kantahan daw ang ginagawa nila sa sa tuwing magsasama o magkikita sila.
“Kapag magkasama kami, puro kantahan, pero sa loob ng kanta nandoon ang mga kuwento.”
Naniniwala naman siyang magkakabalikan ang KathNiel.
“Kapag gumawa ng pelikula ‘yon, magkakabalikan ‘yon.
“Ganun lang talaga, sa tagal natin sa industriya alam naman nating lahat na mga ganyang partnership, love team, dadaan sa prosesong ganyan, kasi nagma-mature sila, eh. Nakikita nila ‘yung mundo… kung gaano kalawak ang mundo.
“Kasi dati ang liit lang ng mundo niyan kasi mga bata ‘yan, tapos umusbomg ang pag-ibig ‘di wala ka lang nakikita araw at gabi kundi mukha ng babae o mukha ng lalaki.
“Siyempre ngayon iba na, mature na sila, may mga bagong… siyempre iba na mga project niyan, may maturity na, so talagang expected. Pero ako, alam kong magkakabalikan ‘yan,” sey ni Robin.
Payo nito sa KathNiel, “Ngayong magkahiwalay kayo, mag-enjoy din kayo sa mga sarili ninyo. Habang nag-e-enjoy kayo, doon ninyo malalaman na mahal ninyo ang isa’t isa.”
Kahit din daw siya ay nanghinayang sa kinahinatnan ng pag-iibigan nina Kathryn at Daniel.
“Alam naman nating lahat… alam lahat ng Padilla na malaki ang aming pagbigay-pugay kay Kathryn, kasi siya rin naman nagbigay ng break kay Daniel. Alam naman naming lahat ‘yon, kaya ang paggalang namin kay Kathryn, eh, sobra-sobra,” pag-amin ng Senador.
Matatandaang sikat na si Kathryn, na kakatapos lang gumanap na Mara sa 2010 remake ng ‘Mara Clara’, nang maging love team sila ni DJ sa isang weekly teen series.
Naku, kahit nga bad boy ang image ni Robin ay nakakatuwa ang pagiging humble at honest nito.
News
Nagdulot ng kaguluhan si Matteo Guidicelli sa kanyang ika-35 na kaarawan – Sarah Geronimo beams bago ang malaking anunsyo/hi
On March 26, Matteo Guidicelli officially turned 35 at a cozy yet lavish party. But what made the Philippine showbiz stir was not just the grand birthday celebration, but the shocking announcement he made in front of his family, friends…
News 𝗔𝗝 𝗥𝗔𝗩𝗔𝗟 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗟𝗔𝗕𝗢𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗧𝗔𝗜𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗪𝗢𝗥𝗟𝗗 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗡𝗔 𝗞𝗬𝗟𝗜𝗘 𝗣𝗔𝗗𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗔𝗧 𝗔𝗟𝗝𝗨𝗥 𝗔𝗕𝗥𝗘𝗡𝗜𝗖𝗔/hi
The showbiz world was shocked when the news of Kylie Padilla and Aljur Abrenica getting back together spread. But more than the public’s surprise, it seemed like a huge emotional blow for AJ Raval. According to a source, AJ could…
Atong Ang Reacts Sa Sexy Looks Nina Sunshine Cruz At Ina Raymundo Sa BENCH Fashion Show 2025! (Panoorin Ngayon)/hi
The **BENCH Fashion Show 2025** catwalk exploded with the charming appearance of two beauties **Sunshine Cruz** and **Ina Raymundo**. Among a series of famous models, the two veteran stars still took the spotlight, making even businessman Atong Ang “freeze” before…
WATCH NOW: Sunshine Cruz and Ina Raymundo Shock with Bold Outfits at BENCH Fashion Show 2024! (video)/hi
The BENCH Fashion Show 2024 event became the center of attention when two famous beauties Sunshine Cruz and Ina Raymundo appeared charmingly on the catwalk. Although they are in their 40s and 50s, both of them still amazed the audience…
SHOCK: Buboy Villar Welcome sa Bagong Bata, Dalawang Anak Sa Angillyn Iniwan? Ano ang Katotohanan?/hi
Actor Buboy Villar once again became the center of discussion when the news of his new child spread across social media. However, what made the public debate was whether his two children with Angillyn Serrano Gorens were really abandoned or…
Aljur Abrenica 35th Birthday❤️Napa-IYAK at Na-SHOCK sa Supresa ni AJ Raval at mga ANAK sa Kanya! (video) /hi
Actor Aljur Abrenica just celebrated his 35th birthday in the most touching way! An emotional surprise brought him to tears when AJ Raval and his children gave him a special gift that he had no idea about. According to the…
End of content
No more pages to load