SHOCK: Nanginig si Donny matapos puwersahang halikan ng bebot fan, na ikinagalit ng lahat ng naroroon./hi - News

SHOCK: Nanginig si Donny matapos puwersahang halik...

SHOCK: Nanginig si Donny matapos puwersahang halikan ng bebot fan, na ikinagalit ng lahat ng naroroon./hi

Donny, shookt matapos nakawan ng halik ng bebot na fan; umani ng reaksiyon

Donny, shookt matapos nakawan ng halik ng bebot na fan; umani ng reaksiyon

Umani ng reaksiyon at komento mula sa mga netizen ang TikTok video kung saan makikitang biglang tinuka sa pisngi ng isang babaeng fan ang Kapamilya star na si Donny Pangilinan, habang nasa isang out of town event ito.

Ibinahagi ng isang TikTok user ang video kung saan makikita si Donny na naglalakad papunta sa basketball court para sa isang out of town activity kasama ang ilan ding celebrities.

Isang babae naman ang maiispatang sumusunod sa kaniya at biglang umakbay at nag-selfie.

Ngunit bago tuluyang umalis ang babae ay bigla nitong tinaniman ng halik sa pisngi si Donny.

Bahagyang natawa ang aktor ngunit mababakas pa rin sa mukha nito ang pagkabigla sa ginawa ng kaniyang tagahanga.

Marami sa fans at supporters ni Donny ang umalma sa ginawa ng fan, lalo na raw sa panahon ngayon ng mpox at iba pang lumalaganap na sakit.

Isa pa, bakit daw kapag babae ang ginanito ay marami na agad aalma, samantalang kapag lalaki ang nanakawan ng

halik ay parang okay lang?

“sa panahon ng mpox? haha”

“OMG kaluod!”

“Pinost pa talaga mygosh ate!”

“Sexually harrassed si Donny syempre palalampasin yan kasi ‘lalaki'”

“Huy ate kalma. Kahit fan na fan ka dapat you should respect his space.”

“Kahit artista si donny, fans should know how to respect his space, that’s SA.”

“May mga virus na kumakalat sa panahon ngayon. Kaya bukod sa h@r@ssment tong ginawa ni ateng, pwedeng makapanghawa.”

“jusko ung ibang mga fans di na marunong lumugar. anong nangyayare sainyo. goodness.”

Pero sey naman ng iba, normal lang naman sa mga artistang gaya ni Donny ang makaranas ng ganito sa fans.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Donny tungkol dito.

Related Articles

News 1 year ago

News 𝗔𝗝 𝗥𝗔𝗩𝗔𝗟 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗟𝗔𝗕𝗢𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗧𝗔𝗜𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗪𝗢𝗥𝗟𝗗 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗡𝗔 𝗞𝗬𝗟𝗜𝗘 𝗣𝗔𝗗𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗔𝗧 𝗔𝗟𝗝𝗨𝗥 𝗔𝗕𝗥𝗘𝗡𝗜𝗖𝗔/hi

The showbiz world was shocked when the news of Kylie Padilla and Aljur Abrenica getting…