Lotlot de Leon dismisses absence of mom Nora Aunor from her wedding: “Alam ko mahal niya ako.”
Lotlot de Leon posts touching message for mom Nora Aunor despite the latter’s absence on her wedding day.
Excerpt from Lotlot de Leon’s touching message for her adoptive parents Nora Aunor and Christopher de Leon: “Maaga ko nalaman na ampon ako… Tinanggap nila ako ng buong puso. Nang magkakilala si mommy at daddy inako ako ng daddy ko at ginawang De Leon.”</p>Nagsalita na sa wakas si Lotlot de Leon tungkol sa ina niyang si Nora Aunor, na makailang-beses nang absent sa espesyal na bahagi ng kanyang buhay.
Ang pinakahuli rito ay ang kasal ni Lotlot sa kanyang long-time partner na si Fadi El Soury, na ginanap noong Lunes, December 17, sa Batangas.
Sa isang post sa Instagram kagabi, December 20, ikinuwento ni Lotlot kung anong relasyon meron sila ng kanyang adoptive mother na si Nora.
Panimula ni Lotlot: “Maraming beses ko pinag isipan kung dapat pa ba akong magsalita tungkol sa mga personal na nangyayare sa amin ng mommy ko.
“Naisip ko na cguro dapat hindi na dahil may masabi man ako na maganda ay hahanapan pa din ako ng pagkakamali pero naisip ko na hindi ko naman ito ginagawa para sa iba kundi para sa akin at sa aking ina.”
Kasunod nito, idinetalye ni Lotlot kung paano niya nalamang ampon lamang siya.
Giit niya, hindi raw ito naging hadlang upang mahalin siya ng parang tunay na anak ni Nora at pati na ng kanyang adoptive father na si Christopher de Leon.
Sabi ni Lotlot: “Maaga ko nalaman na ampon ako, ‘Ampon ni Nora,’ yan ang madalas ko naririnig nuon.
“Utang na loob ko ang buong buhay ko sa kanila ni lola.
“Sa mga hindi nakakaalam ang tumanggap sa akin ay ang lola ko… sya ang dahilan kung bakit napunta ako sa kanila.
“Tinanggap nila ako ng buong puso. Nang magkakilala si mommy at daddy inako ako ng daddy ko at ginawang De Leon.
“Ang mommy ko ang bread winner sa pamilya nagsumikap na iahon lahat ng mahal niya sa buhay.
“Nakasanayan naming magkakapatid na lage syang nagtratrabaho.”
HIGH RESPECT FOR NORA
Nagbigay-pugay rin si Lotlot kay Nora bilang isa sa pinakamatibay na babaeng nakilala niya.
Patuloy ni Lotlot: “My mom has been through a lot in her life. Nakita ko at witness ako sa lahat ng pinagdaanan niya.
Matibay siya. Kahit kailan hindi niya ipinakita sa aming magkakapatid na nawalan siya ng pag-asa sa buhay kahit alam namin na nasasaktan siya.
“She is the most generous person I know. Pagdating sa relasyon namin sa kanya. Mommy siya.
“She tried her best to do her duties as a present mom.
“Nung nagkapamilya ako tsaka ko lang naintindihan ang mga payo at sakripisyo na ginawa din niya.
“Kaya lahat din ng kaya ko, binigay ko.
“Lage niyang bilin magmahalan kame magkakapatid at yun ay ginawa ko sa abot ng aking makakaya.”
COMPLICATED MOTHER-DAUGHTER RELATIONSHIP
Tikom ang bibig ni Lotlot sa dahilan kung bakit missing in action si Nora sa kanyang kasal.
Kung anu’t ano man, ang tanging nilinaw ni Lotlot ay mananaig daw ang pagmamahalan nila ng ina sa isa’t isa, kahit pa mayroon silang mga hindi pagkakaintindihan.
Paliwanag ni Lotlot: “Hindi ko na idi-detalye ang mga kaganapan sa buhay namin.
Pero kung may tao mang importante na gusto ko din maging bahagi sa mahahalagang okasyon sa buhay ko at buhay ng mga anak ko ay siya.
“May mga bagay na mahirap ipaliwanag pero sa isang parte lang ako sigurado.
“Mahal ko siya at alam ko mahal niya din ako kame ng mga kapatid ko.
“At kahit ano pa sabihin ng kung sino kame ang magkapamilya, kame ng mga kapatid ko at siya, at walang sino man ang makapagbabago duon.”
Naging kapansin-pansin na wala si Nora sa kasal ni Lotlot dahil halos kumpleto ang pamilya ng huli na naroon.
Kabilang sa dumalong guests ang adoptive father ni Lotlot na si Christopher de Leon.