SHOCK: Hinamon ng Davao Conyo ang buong creative industry: ‘Ang pagpapatawa sa iba para makakuha ng view ay ang pinakamababang content’ /hi

Davao Conyo refuses to make content about Maris-Anthony issue

“Making fun of others for the sake of quick views is one of the lowest form of content.”
Davao Conyo condemns clout chasing content on Maris-Anthony issueNetizens praise content creator Davao Conyo (left) for his views about Maris Racal and Anthony Jennings controversyTinutulan ng content creator na si Davao Conyo, Phillip Hernandez sa totoong buhay, ang isang netizen na nag-request sa kanyang gumawa ng content o parody tungkol sa Kapamilya stars na sina Maris Racal at Anthony Jennings.

Ito’y sa gitna ng kontrobersiyang kinakaharap ng dalawa.

Noong December 3, 2024, sa pamamagitan ng Instagram, isiniwalat ng non-showbiz girlfriend ni Anthony na si Jamela Villanueva ang pagtataksil ng kanyang nobyo noong sila pa.

Matapos niyang mabuking na mayroong itong lihim na relasyon kay Maris.

Bilang patunay, naglabas ng screenshots si Jamela ng palitan ng private messages nina Anthony at Maris, kabilang na rito ang ilang maseselang usapan nila.

Ito raw ang dahilan kaya nagdesisyon si Jamela na tapusin na ang halos pitong taon nilang relasyon ni Anthony.

DAVAO CONYO: making fun of others for views is one of the lowest forms of content

Dahil kilalang gumagawa ng comedy at relatable skits sa social media si Davao Conyo, isang netizen ang nag-request sa kanya kung maaari raw ay gawan din niya ng entry ang isyu nina Maris at Anthony.

Nangyari ito nang magsagawa ng question-and-answer si Davao Conyo sa kanyang Instagram Stories kahapon, December 8.

Request ng netizen sa kanya: “Make entry for Maris Issue please. Hahahah. Looking forward.”

Sa halip na pagbigyan ay nasermunan ni Davao Conyo ang netizen nang sagutin nitong hindi dapat ginagawang katatawanan ang nangyayari ngayon kina Maris, Anthony, at Jamela.

Mababasang sagot ni Davao Conyo sa nasabing request ng netizen, published as is: “Ante hindi maganda yang pinagtatawanan ang may pinagdadaanan. Sana di mo ma experience.

“Making fun of others for the sake of quick views is one of the lowest form of content. It’s lazy and malicious.”

Diin pa ng sikat na content creator, hindi niya gagawin ang manghamak ng iba para lamang sa views.

Hindi rin daw niya kailanman gagamitin ang kanyang social media platform para mamahiya ng mga taong nagkamali at gustong bumangon para magbago.

Aniya: “Gets ko when me make things lighter through humor, or when we make other people accountable of their actions especially people in power.

“but when it’s specifically targeted towards someone who made a mistake (and mind you, we all do!) it’s off-putting.

“Shaming a mistake is different from shaming an evil person.”

Dagdag pa niya, “these type of people who take advantage of other people’s shame will do the same to you if you were in the same situation, so be very careful around them.”

Davao Conyo condemns clout chasing content on Maris-Anthony issue

DAVAO CONYO TRENDS ON X

Dahil dito, mabilis na nag-trending sa X (dating Twitter) ang pangalan ni Davao Conyo.

Marami sa kanyang mga tagahanga ang mas lalong bumilib.

Tweet ng isang netizen, “I dare say that Davao Conyo is the smartest, wittiest, funniest, most sensible and most discerning content creator of the Philippines.”

 

DAVAO CONYO TRENDS ON X

Dahil dito, mabilis na nag-trending sa X (dating Twitter) ang pangalan ni Davao Conyo.

Marami sa kanyang mga tagahanga ang mas lalong bumilib.

Tweet ng isang netizen, “I dare say that Davao Conyo is the smartest, wittiest, funniest, most sensible and most discerning content creator of the Philippines.”

 

Saad ng isa, “In a world full of clout chasers, Davao Conyo is here.”

 

Sabi pa ng isa, “Kaya fave content creator ko si davao conyo iba sya sa iba na iniisip lang views ginagawan content pa para pagtawanan.”

 

Kudos to Davao Conyo for his classy yet firm response to that person who requested for an “entry” about the Maris controversy. Agree w/ what Phillip said & I hope that whoever that person is has realized just how low that request was. May nalalaman pang “looking forward,” dagdag pa ng isa.

 

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News