Gerald Anderson reacts to controversial “kissing photos”
The young actor claims that Farina Runkle was never his girlfriend
Ang kontrobersiyal na pictures nila ng sinasabing ex-girlfriend niya na si Farina Runkle ang unang tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Gerald Anderson kaninang tanghali, December 20, sa pocket press con ng teleseryeng Sana Maulit Muli sa 9501 resto sa ABS-CBN.
Si Farina ang girl na katabi, kayakap, at kahalikan ni Gerald sa mga larawan na kumalat sa Internet last week. Ang sabi-sabi ay naging girlfriend ni Gerald si Farina, na kasama sa mga nag-audition sa StarStruck The Next Level ng GMA-7. Napili si Farina sa Top 20 girls, pero hindi na pumasok sa Final 10 girls.
“Naging close lang po kami nu’ng nagkasama kami sa auditions ng PBB [Pinoy Big Brother] Teen Edition, nu’ng bago ako pumasok sa ‘bahay ni Kuya,'” simulang pahayag ni Gerald.
“Parang papunta pa lang po kami roon [sa boyfriend-girlfriend relationship], pero hindi po naging kami. Siguro, parang MU [mutual understanding] lang… Tapos po, parang medyo nag-iba po siya nu’ng napili ako at siya hindi. Ewan ko po sa kanya kung bakit,” bulalas ni Gerald in his signature Tagalog, na may pinaghalong English-Visayan accent.
Kung hindi sila naging magsyota e bakit ganu’n ka-sweet ang pictures nila? Magkaibigan lang ba yung nagli-lips-to-lips?
“Ay hindi po, hindi po talaga!” mariin niyang tanggi. “Kung naging girlfriend ko po siya, aaminin ko po. Nagulat nga po ako paglabas ko ng bahay ni kuya na may mga pictures na gano’n.”
Sabi pa ng PBB Teen Edition 2nd runner-up na inila-loveteam ngayon sa grand winner na si Kim Chiu, “Pero okey lang po sa akin. Alam ko naman po ang totoo e.”
Ang dating ng isyung ‘yon sa marami ay ginagamit lang siya ni Farina para pag-usapan ito at mapansin. Anong comment niya rito?
“Gawin niya kung anong gusto niyang gawin, okey lang sa akin. Basta alam ko naman ang totoo e. Alam ko naman na hindi talaga naging kami,” bulalas niya.
Sa paglabas ni Farina ng mga pictures, sinabi ng 17-year-old Fil-Am bagest, “Parang mali po ‘yon, pero anong magagawa ko e lumabas na, ‘di ba? Pero kahit may pictures po na gano’n, hindi po talaga naging kami. Kung naging ex ko po siya, aaminin ko naman.”
Ayon kay Gerald ay mga one-and-a-half months silang nagkakilala ni Farina at mga three weeks din silang naging close. Hindi raw siya sanay sa pangalan na Farina dahil ‘Sharleen’ daw ang tawag niya rito noon. (Sharleen Farina Runkle ang complete name ni Farina.)
Agree ba siya na ginagamit lang siya ni Farina para mapag-usapan ito?
“Hindi naman po. Ayoko naman pong sabihin ‘yon. Ewan ko kung anong gusto niyang gawin,” sabi ni Gerald.
Aniya pa, may nakapagsabi sa kanya na nu’ng nasa loob siya ng PBB house ay doon inilagay ni Farina ang controversial pictures nila sa Friendster account nito.
Mula nang pumasok siya hanggang sa makalabas ng bahay ni kuya ay hindi na raw niya nakausap si Farina. At kahit ngayon na may kumalat na ganitong isyu ay wala pa rin daw siyang balak hanapin at kausapin si Farina.
“Hindi na po. Kasi ayoko na po e. At saka yun nga po, nag-iba na siya. So bakit ko siya kakausapin kung ayaw niya, ‘di ba?” sagot niya.
News
Nagdulot ng kaguluhan si Matteo Guidicelli sa kanyang ika-35 na kaarawan – Sarah Geronimo beams bago ang malaking anunsyo/hi
On March 26, Matteo Guidicelli officially turned 35 at a cozy yet lavish party. But what made the Philippine showbiz stir was not just the grand birthday celebration, but the shocking announcement he made in front of his family, friends…
News 𝗔𝗝 𝗥𝗔𝗩𝗔𝗟 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗟𝗔𝗕𝗢𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗧𝗔𝗜𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗪𝗢𝗥𝗟𝗗 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗡𝗔 𝗞𝗬𝗟𝗜𝗘 𝗣𝗔𝗗𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗔𝗧 𝗔𝗟𝗝𝗨𝗥 𝗔𝗕𝗥𝗘𝗡𝗜𝗖𝗔/hi
The showbiz world was shocked when the news of Kylie Padilla and Aljur Abrenica getting back together spread. But more than the public’s surprise, it seemed like a huge emotional blow for AJ Raval. According to a source, AJ could…
Atong Ang Reacts Sa Sexy Looks Nina Sunshine Cruz At Ina Raymundo Sa BENCH Fashion Show 2025! (Panoorin Ngayon)/hi
The **BENCH Fashion Show 2025** catwalk exploded with the charming appearance of two beauties **Sunshine Cruz** and **Ina Raymundo**. Among a series of famous models, the two veteran stars still took the spotlight, making even businessman Atong Ang “freeze” before…
WATCH NOW: Sunshine Cruz and Ina Raymundo Shock with Bold Outfits at BENCH Fashion Show 2024! (video)/hi
The BENCH Fashion Show 2024 event became the center of attention when two famous beauties Sunshine Cruz and Ina Raymundo appeared charmingly on the catwalk. Although they are in their 40s and 50s, both of them still amazed the audience…
SHOCK: Buboy Villar Welcome sa Bagong Bata, Dalawang Anak Sa Angillyn Iniwan? Ano ang Katotohanan?/hi
Actor Buboy Villar once again became the center of discussion when the news of his new child spread across social media. However, what made the public debate was whether his two children with Angillyn Serrano Gorens were really abandoned or…
Aljur Abrenica 35th Birthday❤️Napa-IYAK at Na-SHOCK sa Supresa ni AJ Raval at mga ANAK sa Kanya! (video) /hi
Actor Aljur Abrenica just celebrated his 35th birthday in the most touching way! An emotional surprise brought him to tears when AJ Raval and his children gave him a special gift that he had no idea about. According to the…
End of content
No more pages to load