Dad suffers heart attack while helping son do math homework
Nagkaroon ng mainitang argumento.
Pursigido ang ama na maging maganda ang academic performance ng anak kaya kina-career nito ang pagtulong sa homework. Ang kaso, nagkaroon sila ng pagtatalo na naging sanhi para atakihin siya sa pusoIsang Chinese dad na edad 40 ang inatake sa puso habang tinutulungan ang kanyang anak na lalaki sa math homework nito.
Nakilala ang lalaki sa surname na Zhang.
Residente siya ng Zhejiang province, na nasa eastern part ng China.
Inatake sa puso ang Chinese dad nang magkaroon sila ng kanyang anak na lalaki ng pagtatalo tungkol sa homework nito. Photo courtesy of FreepikSa ulat ng local Chinese media outlet naΒ City ExpressΒ last December 12, 2024, bigla na lang nahirapang huminga ang lalaki at nakaramdam ng pananakit sa dibdib habang tinuturuan ang anak na lalaki.
Nagkaroon sila ng mainitang argumento sa math homework ng bata, na naghahanda para sa senior secondary school entrance exams.
Agad isinugod sa ospital si Zhang, na na-diagnose with acute myocardial infraction.
DAD ISINAILALIM SA BYPASS SURGERY
Isang doctor sa Sir Run Run Shaw Hospital na affiliated sa Medical School of Zhejiang University ang nagsagawa kay Zhang ng emergency artery bypass surgery.
Ligtas na siya sa panganib
Ang heart attack ay karaniwang iniuugnay sa premature coronary artery disease, na kadalasang pinalalala ng emotional stress.
Tila very competitive at hands-on dad si Zhang.
Napag-alamang lagi niyang sinusubaybayan ang mga homework ng kanyang anak, at nagdadagdag pa ng practice sessions tuwing gabi.
Samantala, pakiramdam daw ng anak ay nalulunod ito sa academic pressure mula sa ama.
Napag-alaman ding para mas humusay pa ang anak, ini-enroll siya sa ibaβt ibang tutorial schools at personal na inihahatid at sinusundo.
Dahil sa nangyari, kabilang na siya ngayon sa napakaraming parents sa China na naospital sanhi ng stress sa pagtuturo sa anak.
PARENTS SA CHINA PINUPUWERSANG MAG-EXCEL SA EDUKASYON ANG MGA ANAK
Hindi naman nag-iisa si Zhang bilang magulang na may malaking pagpapahalaga sa academic performance ng anak.
Malaking bagay kasi para sa mga magulang ang national college entrance exam o tinatawag na gaokao.Isa sa pinaghahandaan ng mga estudyante sa China ang pagkuha ng national college entrance. Kailangang mataas ang makuha dahil milyun-milyong estudyante ang nagte-take nito taun-taon. Photo:
Para sa kanila, malaki ang magagawa ng gaokao para maging matagumpay ang kanilang mga anak sa hinaharap.
Tinatayang nasa mahigit 13 million students ang kumukuha ng gaokao sa China kada taon.
At intense ang competition para ma-admit ang isang estudyante sa top universities
Dahil naman sa nangyari kay Zhang, pinayuhan ng Chinese education expert na si Ling Zongwei ang mga parents na i-manage ang kanilang mga emosyon para magkaroon ng mas malusog na study environment ang kanilang mga anak.
Hinikayat din ni Ling ang mga ito na hayaang maging responsable ang mga bata sa kanilang homework at sarling academic performance.
Nang mag-viral sa Douyin, ang Chinese version ng X, ang nangyari kay Zhang.
Iisa ang naging concern ng netizens: hindi nakakabuti sa kalusugan ng mga bata at maging ng kanilang parents ang academic pressure.
Tandaan: Lahat ng sobra ay masama.
Hindi naman sinasabing magpabaya. Hinay-hinay lang. Tamang pressure lang