SHOCK: Deputy Ganda is jealous of his opponent because of the praise from Vhong Navarro, Ganda’s attitude causes a wave of controversy…./hi

Vice Ganda hints at Vhong Navarro’s return to It’s Showtime on Monday

Vice Ganda hints at special someone’s comeback.
Vice Ganda on Vhong Navarro's return to It's Showtime

Vice Ganda says a special someone will return to It’s Showtime on Monday, January 16, 2023: “Kinampihan ka at pinaniwalaan ka ng madlang pipol, kaya bitbitin mo yang excitement mo, pagbalik mo sa Lunes.

Sa Lunes, January 16, 2023 na maaaring magbalik sa It’s Showtime ang actor-TV host na si Vhong Navarro.

Ito ang pahiwatig ni Vice Ganda sa live episode ng Kapamilya noontime show ngayong Biyernes, January 13, 2023.

Sa opening segment ng programa, napag-usapan ng mga host ang nais at dapat nilang ipagpasalamat sa buhay.

Para kay Vice, hindi lamang mabubuting nangyayari sa buhay ng isang tao ang dapat ipagpasalamat, bagkus ay kailangan ding bigyan ng pagpapahalaga ang mga negatibong bagay na dumaan sa ating buhay.

Dapat daw ma-realize ng mga tao na may rason ang Diyos kung bakit minsan ay may mga pinagdadaanan tayong pagsubok sa buhay.

Dito na nagpahiwatig si Vice tungkol sa nakausap daw niyang isang tao na magbabalik na sa kanilang programa sa susunod na linggo.

Kuwento ni Vice, “May kausap nga ako kaninang madaling-araw, e.

“Sabi ko, ‘Bitbitin mo yang excitement mo. Sa sobrang mabibigat ng pinagdaanan mo last year, ang pinakamaganda namang kasama niyan, e, sinamahan ka, kinampihan ka at pinaniwalaan ka ng madlang pipol, kaya bitbitin mo yang excitement mo, pagbalik mo sa Lunes.”

Marami sa mga nakapanood sa show ang naniniwalang si Vhong ang tinutukoy ni Vice.

Huling napanood si Vhong sa It’s Showtime noong September 2022 bago siya sumuko sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos maglabas ang Taguig Metropolitan Trial Court Branch 116 ng warrant of arrest para sa kinakaharap niyang kasong acts of lasciviousness na inihain ni Deniece Cornejo.

Tuluyan siyang na-detain sa NBI facility dahil kinahapunan, noong September 19, 2022, naglabas ang isa pang korte ng Taguig ng warrant of arrest kaugnay naman sa kasong rape na inihain pa rin ni Deniece.

December 6, 2022, pumayag ang korte na makapagpiyansa si Vhong, at kaagad din siyang nakalabas sa piitan matapos magbayad ng isang milyong piso.

 

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News