Daniel Padilla insecure, selos na selos daw kay Alden Richards?
Daniel Padilla, Kathryn Bernardo at Alden Richards
GAANO katotoo ang chika na noon pa rawΒ nakakaramdam ng insecurityΒ siΒ Daniel PadillaΒ sa Asiaβs Multimedia Star na siΒ Alden Richards?
Usap-usapan ngayon ng mga netizens sa social media ang rebelasyon ng veteran radio-TV host at entertainment columnist na si NanayΒ Cristy FerminΒ tungkol kina DJ at Alden
Of course, may konek pa rin ito sa kontrobersyal na hiwalayan nina Daniel atΒ Kathryn BernardoΒ na nagkanya-kanya na ngayon ng landas after ng kanilang 11 years na relasyon.
Ayon kay Nanay Cristy, may nararamdaman umanong insecurity si Daniel kay Alden na nagsimula noong magtambal ang Kapuso actor at si Kathryn sa pelikula ng Star Cinema na βHello, Love, Goodbye.
Sa December 6 episode ng βCristy Ferminuteβ, napag-usapan muli ang matagumpay na pagtatambal nina Alden at Kathryn sa naturang pelikula na itinuturing ngayong highest-grossing movie of all time sa Pilipinas matapos kumita ng mahigit P880 million
Pagbabahagi ng co-host ni Nanay Cristy na si Romel Chika, kaya raw hindi pa nasusundan ang βHello, Love, Goodbyeβ ay dahil ayaw umano ni Daniel na magkatrabaho uli ang dalawa.
In fairness naman kasi sa mga fans nina Kath at Alden, matagal na silang nagre-request na bigyan na uli ng movie project ang dalawa dahil siguradong magiging blockbuster na naman ito.
Sabi naman ni Nanay Cristy, βAng pinakamalinaw doon, noong sumunod siya (Daniel) sa Hongkong, kay Kathryn, binati niya lahat βyung nandoon. Nilampasan niya si Alden
βAnong tawag mo doon? O, di ba? Eh βdi nai-insecure ka at nagseselos ka at the same time,β ang matapang na pahayag pa ng beteranong showbiz columnist.
Sa panayam namin kamakailan kay Alden kasama ang ilan pang entertainment writers sa naganap na grand mediacon ng βFamily Of Twoβ, natanong siya about KathNielβs breakup.
βMedyo mainit po βyung topic baka masali po ako ulit, baka ako po yung ma-bash,β ang pag-iwas ni Alden sa isyu.
βAyoko na pong naba-bash, so tatahimik na lang po ako sa issue na yan,β dagdag pa niya.
Ano naman ang reaksyon niya na may mga fans na nagsasabing sana sila na lang daw ni Kathryn ang magkatuluyan at gumawa uli ng mga pelikula.
Respeto ko na lang po sa kanila. Iβll just keep quiet sa issue pero tignan nalang po natin kung anong magiging turn out, pero sa ngayon they deserve a space,β sey pa ni Alden