SHOCK : Coco Martin, iniimbestigahan ang nangyari kay Jaclyn Jose! at sabay ding iniimbestigahan si Jaclyn?/hi - News

SHOCK : Coco Martin, iniimbestigahan ang nangyari ...

SHOCK : Coco Martin, iniimbestigahan ang nangyari kay Jaclyn Jose! at sabay ding iniimbestigahan si Jaclyn?/hi

Coco Martin Pinaiimbestigahan Na Ang Nangyari Kay Jaclyn Jose! Kasambay Ni Jaclyn Iniimbistigahan Na?


Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang pagpapaimbestiga umano ng aktor-direktor na si Coco Martin sa biglaang pagpanaw ng itinuturing niyang ina sa showbiz na si Jaclyn Jose, maging ang kasambahay nito ay pinapaimbestigahan na rin. 

Tila hindi kumbinsido ang aktor-direktor ng teleseryeng Ang Batang Quiapo na si Coco Martin sa ibinigay na dahilan sa biglaang pagpanaw ng batikang aktres na si Jaclyn Jose.

Matatandaan na nagbigay na ng pahayag ang anak ni Jaclyn Jose na si Andi Eigenmann na umano’y heart attack ang dahilan ng pagpanaw ng kanyang ina ay nais pa rin umano paimbistigahan ng aktor kung bakit biglaang inatake sa puso ang aktres sa oras na nagday-off ang kanyang katulong.

Sa episode ng Cristy Ferminute noong martes, March 5, 2024 isiniwalat ni Cristy Fermin na isa si Coco Martin sa nagpunta sa pamamahay ni Jaclyn Jose nang hindi na sumasagot ang aktres sa mga tawag at mga mensahe niya.

Marami umano ang tumatawag kay Jaclyn Jose na mga kaibigan at kasamahan sa trabaho subalit hindi umano ito sinasagot ng aktres dahil dito naisipan na nilang puntahan na sa bahay si Jaclyn dahil hindi naman umano nito ugali na hindi sumagot sa mga tawag at text.

Ayon pa kay Cristy Fermin, nakasabayan na ni Coco Martin ang mga rumesponding SOCO dahil pinapaimbistigahan umano nito kung ano ang totoong nangyari kay Jaclyn na naging sanhi na humantong sa ganoon ang nangyari.

Iginiit rin ni Cristy Fermin na talagang gagawin ito ni Coco Martin dahil itinuturing na rin niyang ina sa showbiz si Jaclyn Jose.

Dagdag pa ni Cristy Fermin na nagkasama na sina Jaclyn Jose at Coco Martin noong una pa lamang na pagsabak ni Coco sa industriya ng showbiz. Si Jaclyn Jose rin umano ang nag-udyok kay Coco Martin na pasukin na nito ang mainstream dahil naniniwala ang yumaong aktres na kaya na ni Coco Martin.

Bagama’t cremated na umano ngayon ang mga labi ng aktres, hindi pa rin umano sinasara ng SOCO ang kaso dahil nais nilang malaman kung sadyang nagkataon lamang na may nangyari kay Jaclyn Jose sa pagdi-day off na kanyang kasambahay.

Mag-isa lamang nang pumanaw ang aktres dahil sa pag-iimbistiga sa bangkay natukoy ng mga otoridad na March 2 ng umaga nawalan ng buhay ang aktres habang hapon ng March 3 nadiskubre ang katawan nito.

Related Articles

News 1 year ago

News 𝗔𝗝 𝗥𝗔𝗩𝗔𝗟 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗟𝗔𝗕𝗢𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗧𝗔𝗜𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗪𝗢𝗥𝗟𝗗 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗡𝗔 𝗞𝗬𝗟𝗜𝗘 𝗣𝗔𝗗𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗔𝗧 𝗔𝗟𝗝𝗨𝗥 𝗔𝗕𝗥𝗘𝗡𝗜𝗖𝗔/hi

The showbiz world was shocked when the news of Kylie Padilla and Aljur Abrenica getting…