SHOCK: Arnell Ignacio gave Kim Chiu a shocking lesson: “Find a spokesperson for yourself” the truth comes from a powerful person/hi

Lecture ni Arnell Ignacio kay Kim Chiu: “Get a spokesperson for yourself. Malaking tulong ’yan para hindi ka sumasabit.”

Umani ng iba’t ibang reakyon ang tweet ni Kim Chiu na ito: “Uhm curious lang po? bakit parang mas si sir spokesperson yung laging sumasagot, nakikita at humaharap? sha po ba yung tatakbo? Diba campaign period palang? Dapat yung nag aapply yung sasagot. Just like in any other JOB APPLICATION or JOB INTERVIEW. #nobashing #justcurious.” 	Isa na nga si Arnell na nag-reak sa mga tinuran ni Kim Chiu. Napa-lecture pa si Arnell sa  sa former Pinoy Big Brother (PBB) housemate sa pamamagitan kanyang maikling YouTube video na in-upload on April 30.  “Ano ba ’yong spokesperson, Kim? Ang spokesperson ay isang tao na nagsasalita in behalf of somebody else. So why does that happen? Kasi ’yong tao na iyong inaantay na magsalita ay napakaraming engagement at kailangan n’ya ng isa pang tagapagpaliwanag,” lahad ni Arnell.

PHOTOS: @DAarnellignacio & @KimChiuFBpage on Facebook

Umani ng iba’t ibang reakyon ang tweet ni Kim Chiu na ito: “Uhm curious lang po? bakit parang mas si sir spokesperson yung laging sumasagot, nakikita at humaharap? sha po ba yung tatakbo? Diba campaign period palang? Dapat yung nag aapply yung sasagot. Just like in any other JOB APPLICATION or JOB INTERVIEW. #nobashing #justcurious.” Isa na nga si Arnell na nag-reak sa mga tinuran ni Kim Chiu. Napa-lecture pa si Arnell sa sa former Pinoy Big Brother (PBB) housemate sa pamamagitan kanyang maikling YouTube video na in-upload on April 30. “Ano ba ’yong spokesperson, Kim? Ang spokesperson ay isang tao na nagsasalita in behalf of somebody else. So why does that happen? Kasi ’yong tao na iyong inaantay na magsalita ay napakaraming engagement at kailangan n’ya ng isa pang tagapagpaliwanag,” lahad ni Arnell.

Nagbigay ng payo ang comedian-host na si Arnell Ignacio, na kilalang maka-Duterte at maka-BBM, sa Kapamilya actress na si Kim Chiu sa naging tanong nito kung bakit umano ang spokesperson ni dating senador Bongbong Marcos (BBM) ang sumasagot para dito.

Nagsimula ang lahat sa naging hamon ni vice president and presidential candidate Leni Robredo sa katunggali n’yang si Marcos ng one-on-one debate noong April 29.

Ayon kay Robredo, ito umano ay “para magpagbigyan ang taumbayan ng pagkakataong makaharap siya at matanong tungkol sa mga kontrobersiyang pumapalibot sa kanya.”

Sinagot naman ito ng tagapagsalita ni BBM na si Atty. Vic Rodriguez at sinabi n’yang ito ay “hindi kailanman mangyayari sa ilang kadahilanan. At batid ni Ginang Robredo ang mga kadahilanang ’yan.”

Dito na napa-reak si Kim dahil na-curious daw s’ya kung bakit ang spokesperson ni BBM ang sumasagot para sa kanya.

“Uhm curious lang po? bakit parang mas si sir spokesperson yung laging sumasagot, nakikita at humaharap? sha po ba yung tatakbo? Diba campaign period palang? Dapat yung nag aapply yung sasagot. Just like in any other JOB APPLICATION or JOB INTERVIEW. #nobashing #justcurious,” pahayag tweet ni Kim.

Umani ng iba’t ibang reakyon ang tweet na ito ng actress-TV host. May ilang sumang-ayon sa kanya na dapat daw ay si BBM mismo ang sumagot sa hamon ni VP Leni.

Meron din namang komontra kay Kim dahil ginagawa lang daw ni Atty. Rodriguez ang trabaho nito bilang tagapagsalita ng presidential candidate.

Isa na nga si Arnell na nag-reak sa mga tinuran ni Kim Chiu. Napa-lecture pa si Arnell sa former Pinoy Big Brother (PBB) housemate sa pamamagitan kanyang maikling YouTube video na in-upload on April 30.

“Kim Chiu, you know what, you’re a very colorful personality who has a knack for asking the most intriguing questions. You know why it’s intriguing? Because you keep us hanging while you’re asking it. Now, ang latest mo, [tungkol sa] spokesperson,” banayad na banat ni Arnell kay Kim.

Ipinaliwanag n’ya sa aktres ang job description ng isang spokesperson.

Ano ba ’yong spokesperson, Kim? Ang spokesperson ay isang tao na nagsasalita in behalf of somebody else. So why does that happen? Kasi ’yong tao na iyong inaantay na magsalita ay napakaraming engagement at kailangan n’ya ng isa pang tagapagpaliwanag,” lahad n’ya.

Wala naman daw mali sa ginawa ni Atty. Rodriguez maliban na lang daw kung ito mismo ang ipadadala ni BBM sa debate bilang representative n’ya.

“There is really nothing wrong with that. My God, Kim, there’s nothing wrong with that. Si Atty. Rodriguez ay spokesperson ni BBM,” aniya.

Ang masama ay kapag nagpadala s’ya ng spokesperson sa debate or interview. Iba ’yon. Pero ’yong may issue, usually, it’s the spokesperson who answers, who speaks. Kasi nga spokesperson s’ya, e,” pagdidiin ni Arnell.

Hindi rin s’ya nakatiis at pinayuhan si Kim na kumuha ng sarili n’yang spokesperson para hindi umano ito sumasablay sa kanyang mga sinasabi.

“You know, what’s best for you, get a spokesperson for yourself. Malaking tulong ’yan para hindi ka sumasabit, Kim. Okay? Hope to meet you one day,” pagtatapos ni Arnell.

Wala namang kebs si Kim sa mga kontrang reaksyon sa sinabi n’ya at nakahanda daw s’yang ma-bash na naman dahil doon.

“Natatawa ako sa mga peepz! Hahaha wala atang sagot na maayos, kaya ready na me for #RENEWALOFBASH lels Bahala kayo magkagulo jan! yun ay out of curiosity lamang powz. Kaya nga po nagtanong.. hihihi (PS namimiss ko na mag peace sign) – kim chiu,” kikay na saad n’ya sa kanyang Twitter post.

 

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2024 News