Sanya Lopez laughs off JakBie breakup rumors
Sanya: “Support ako sa BarDa, kinikilig din ako sa BarDa…”
Pinagtatawanan lang ng Kapuso actress na si Sanya Lopez ang hindi mamatay-matay na isyung, diumano, hiwalay na ang nakatatanda niyang kapatid na si Jak Roberto at long-time girlfriend nitong si Barbie Forteza.
Makailang beses nang naisyu ang relasyon nina Barbie at Jak o JakBie, lalo na nang magkaroon ng ka-loveteam si Barbie sa katauhan ni David Licauco.
Nagsimula ito nang kahumalingan ng publiko ang tambalan nina Barbie at David, o mas kilala ngayon bilang BarDa, nang magkapareha sila sa Maria Clara at Ibarra, ang defunct top-rating primetime series ng GMA-7.
Simula nito, nagsunud-sunod na ang mga proyekto nilang magkasama, kabilang na rito ang defunct limited series na Maging Sino Ka Man at ang upcoming movie nilang That Kind of Love at teleseryeng Pulang Araw.
Dahil sa mas madalas nilang pagsasama, may ilang espekulasyon ang lumutang na si Barbie ay hiwalay na kay Jak.
Bagay na paulit-ulit naman nang sinasagot ni Barbie na masaya sila ni Jake at maayos ang kanilang pagsasama.
SANYA REACTS TO BREAKUP RUMORS OF BARBIE AND JAK
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Sanya sa Genson’s Distribution Inc. 20th anniversary noong June 7, 2024, nahingan siya ng reaksiyon tungkol sa hindi mamatay-matay na isyu sa hiwalayang Barbie at Jak.
Diin ni Sanya, “Hindi totoo kasi masaya sila.”
Kung tutuusin, natutuwa raw si Sanya sa relasyon ng dalawa dahil nakikita niya kung paano magtulungan ang dalawa na palaguin ang kanilang magkahiwalay na karera.
Aniya, “Ang nakakatuwa pa, parehas silang naggu-grow at nagsusuportahan sila sa isa’t isa.
“Maganda yon kasi parehas silang nagbibigayan. Pero ayun nga, okay na okay sila.”
SANYA FULL SUPPORT TO BARDA
Aware si Sanya na maraming fans sina Barbie at David na pilit silang pinagsi-ship.
Pag-amin pa niya, maging siya ay tagahanga ng dalawa at kinikilig sa chemistry nila on-screen.
Kaya naman ikina-excite at ikinatuwa niyang makakasama ang mga ito sa Pulang Araw.
Bukod sa kanilang tatlo, kasama rin sa cast ng Pulang Araw sina Alden Richards at Dennis Trillo.
Sabi ni Sanya, “Support ako sa BarDa, kinikilig din ako sa BarDa kung tutuusin, e.
“And magkakasama kaming apat—si Barbie, David, ako, and si Alden so walang problema.”
Kumusta naman katrabaho ang nobya ng kanyang kapatid?
Sagot ni Sanya, “Same pa rin kung paano kami ni Barbie off-cam. Kahit ito nga lang na Pulang Araw, seryoso yung ginagawa namin, but still, Barbie is Barbie pa rin.
“Kalog pa rin and sweet pa rin. At the same time, parang sister ko na siya, di ba, kung tutuusin. So, ganun pa rin siya as kapatid sa akin.”
JAK AND BARBIE CELEBRATE 7th anniversary
Sa likod ng intriga sa kanilang pagmamahalan, going strong ang relasyon nina Jak at Barbie.
Noong May 19, 2024, ipinagdiwang ng dalawa ang kanilang ikapitong anibersaryo bilang magkasintahan.
Sa kani-kanilang Instagram, nag-post ang magkasintahan ng mga larawang kuha sa kanilang date sa isang ramen house sa Alfonso, Cavite.

Photo/s: @barbaraforteza on Instagram
Mensahe ni Barbie, hindi pa rin siya makapaniwalang ganoon na katagal ang relasyon nila ni Jak.
Nilagpasan daw ni Jak ang kanyang expectations noon sa magiging samahan nila.
Buong mensahe ni Barbie para sa boyfriend: “Happy 7th anniversary, Mahal! @jakroberto (heart emoji).
“You never fail to treat me the way you promised my family you would. Lastly, you love and care for my family more than you should.
“You have raised the bar, my love. I’m so grateful for you.
“Mahal na mahal kita.”
Sa comments section ng post ni Barbie aynag komento si Jak.
Aniya, “Happy 7 years mahal ko! I love you so much (hearts emojis)”
Mabilis itong nireplayan ni Barbie ng, “@jakroberto kung may forever naman, bat di natin subukan (heart emoji) #TeamAndoy”
Samantala, sa hiwalay na Instagram post ni Jake ay ibinahagi niya ang kanyang nararamdaman. Hindi raw siya makapaniwalang pitong taon na ang itinatagal ng relasyon nila ni Barbie.
Pakiramdam daw kasi ay unang anibersaryo lamang nila dahil walang pagbabago si Barbie sa ugali nito mula noon hanggang ngayon.
Sabi ni Jak sa kanyang post, “Happy 7 Years Mahal ko! Pakiramdam ko 1st anniversary parin natin, still the same kung gaano ka ka-sweet and loving sakin!
“Nakapagcelebrate din tayo sa wakas at sobrang enjoy talaga palagi pag kasama ka! I love you so much (hearts emojis) More travels and food trip to us!!!”
News
Nagdulot ng kaguluhan si Matteo Guidicelli sa kanyang ika-35 na kaarawan – Sarah Geronimo beams bago ang malaking anunsyo/hi
On March 26, Matteo Guidicelli officially turned 35 at a cozy yet lavish party. But what made the Philippine showbiz stir was not just the grand birthday celebration, but the shocking announcement he made in front of his family, friends…
News 𝗔𝗝 𝗥𝗔𝗩𝗔𝗟 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗟𝗔𝗕𝗢𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗧𝗔𝗜𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗪𝗢𝗥𝗟𝗗 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗡𝗔 𝗞𝗬𝗟𝗜𝗘 𝗣𝗔𝗗𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗔𝗧 𝗔𝗟𝗝𝗨𝗥 𝗔𝗕𝗥𝗘𝗡𝗜𝗖𝗔/hi
The showbiz world was shocked when the news of Kylie Padilla and Aljur Abrenica getting back together spread. But more than the public’s surprise, it seemed like a huge emotional blow for AJ Raval. According to a source, AJ could…
Atong Ang Reacts Sa Sexy Looks Nina Sunshine Cruz At Ina Raymundo Sa BENCH Fashion Show 2025! (Panoorin Ngayon)/hi
The **BENCH Fashion Show 2025** catwalk exploded with the charming appearance of two beauties **Sunshine Cruz** and **Ina Raymundo**. Among a series of famous models, the two veteran stars still took the spotlight, making even businessman Atong Ang “freeze” before…
WATCH NOW: Sunshine Cruz and Ina Raymundo Shock with Bold Outfits at BENCH Fashion Show 2024! (video)/hi
The BENCH Fashion Show 2024 event became the center of attention when two famous beauties Sunshine Cruz and Ina Raymundo appeared charmingly on the catwalk. Although they are in their 40s and 50s, both of them still amazed the audience…
SHOCK: Buboy Villar Welcome sa Bagong Bata, Dalawang Anak Sa Angillyn Iniwan? Ano ang Katotohanan?/hi
Actor Buboy Villar once again became the center of discussion when the news of his new child spread across social media. However, what made the public debate was whether his two children with Angillyn Serrano Gorens were really abandoned or…
Aljur Abrenica 35th Birthday❤️Napa-IYAK at Na-SHOCK sa Supresa ni AJ Raval at mga ANAK sa Kanya! (video) /hi
Actor Aljur Abrenica just celebrated his 35th birthday in the most touching way! An emotional surprise brought him to tears when AJ Raval and his children gave him a special gift that he had no idea about. According to the…
End of content
No more pages to load