RUMOR: Cristy says Alden, Kathryn are in love?/hi - News

RUMOR: Cristy says Alden, Kathryn are in love?/hi

RUMOR: Cristy says Alden, Kathryn are in love?/hi

Tsika ni Cristy: Alden, Kathryn magkarelasyon na?

Tsika ni Cristy: Alden, Kathryn magkarelasyon na?

Tila kinukutuban na umano ang batikang showbiz columnist na si Cristy Fermin hinggil sa totoong namamagitan kina “Hello, Love, Again” lead stars Alden Richards at Kathryn Bernardo.

Sa latest episode ng “Showbiz Now Na” nitong Biyernes, Oktubre 12, sinabi ni Cristy na gusto raw niyang maniwalang mag-jowa na raw ang dalawang artista lalo na ngayong inilabas na ang official trailer ng “Hello, Love, Goodbye” sequel.

Gusto kong maniwala sila na ngayon. Kakaiba po, e. Kasi noon, medyo ilang-ilang pa si Alden. Pumupunta siya sa bahay nina Kathryn pero alam mong may espasyo pa. Mayroon pang distansiya,” saad ni Cristy.

 

Dagdag pa niya: “Pero ngayon, ang mga pamangkin ni Kathryn, kinakarga [ni Alden], nilalaro. At si Tita Min [Bernardo] pa ang nagpo-post.”

Maging ang dalawang co-host ni Cristy na sina Romel Chika at Wendell Alvarez ay sumasang-ayon sa kutob niya kaugnay sa real-score nina Alden at Kathryn.

Ayon kay Romel: “Mayroon na silang namamagitan sa isa’t isa.”

“Ako rin, sa tingin ko rin,” segunda naman ni Wendell.

Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang anomang pahayag ang dalawa para pabulaanan o kumpirmahin ang naturang tsika maliban sa isang panayam ni Alden kung saan niya sinabi ang isang makahulugang “what you is what you get” nang tanungin siya tungkol sa namamagitan sa kanila ni Kathryn.

 

Related Articles

News 1 year ago

News 𝗔𝗝 𝗥𝗔𝗩𝗔𝗟 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗟𝗔𝗕𝗢𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗧𝗔𝗜𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗪𝗢𝗥𝗟𝗗 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗡𝗔 𝗞𝗬𝗟𝗜𝗘 𝗣𝗔𝗗𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗔𝗧 𝗔𝗟𝗝𝗨𝗥 𝗔𝗕𝗥𝗘𝗡𝗜𝗖𝗔/hi

The showbiz world was shocked when the news of Kylie Padilla and Aljur Abrenica getting…