Rufa Mae Quinto 16-year rift with Jessa Zaragoza still unresolved
Rufa Mae Quinto: “Hindi kami nagkaayos
Rufa Mae Quinto admits that she and Jessa Zaragoza (inset) never had a chance to resolve their rift that began in 2008: “Wala, hindi na kami nag-encounter. Basta move naIsiniwalat ni Rufa Mae Quinto, 46, na hindi pa sila nagkakaayos ni Jessa Zaragoza, 45, matapos ang kanilang “word war” sa telebisyon 16 taon na ang nakalilipas.
Pero para kay Rufa Mae, hindi na niya hinahangad makipag-ayos pa kay Jessa dahil “wala nang dapat ayusin.”
Puwede na rin daw ibaon sa limot ang nakaraang iyon.
Ilan lamang ito sa mga naging pahayag ni Rufa Mae sa guest appearance niya sa August 3, 2024 episode ng weekly morning program ng GMA-7 na Sarap, ‘Di Ba?.
Sa isang punto ng interview, tinanong siya ng host na si Carmina Villarroel kung totoong nagkaroon sila ng alitan ni Jessa noon at kung nagkaayos na ba sila.
Sagot ni Rufa Mae, “Hindi. Hindi pa. Hindi kami nagkaayos. At wala nang dapat ayusin dahil past na.”
Side comment pa ni Rufa Mae, “Nagalit na naman [ako],” na sinundan niya ng tawa.
RUFA MAE: NO ENCOUNTER, JUST MOVE ON
Taong 2008 noong mangyari ang banggaan ng dalawang aktres, kung saan sangkot din ang mister ni Jessa na si Dingdong Avanzado.
Ayon kay Rufa Mae, nagkaroon sila ng relasyon ni Dingdong bago naging si Jessa at ang singer.
Mula raw nang nangyari ang kanilang sagutan noong 2008, hindi pa nag-krus ang landas nina Rufa Mae at Jessa.
“Hindi. Wala. Wala, hindi na kami nag-encounter. Basta move na,” sabi ni Rufa Mae sa Sarap, ‘Di Ba?.
Pero ayon sa comedienne, pare-pareho na silang nag-move on mula sa isyu at hindi pa sila muling nagkikita.
“Wala. Wala nang chance,” ani Rufa Mae.
Sumang-ayon din si Rufa Mae sa sinabi ni Carmina na mag-move on na dahil matagal na ito at may mga anak na sila.
“Tsaka maglo-lola na nga kami,” biro ni Rufa Mae.
“Ibig kong sabihin, masyado nang [matagal]… binaon na iyon sa limot.”

Rufa Mae Quinto asked about past rift with Jessa Zaragoza and latter’s husband Dingdong Avanzado. Dingdong was Rufa Mae’s ex-boyfriend.Ikinasal si Rufa Mae sa non-showbiz Filipino-American na si Trevor Magallanes noong November 25, 2016. May anak sila, si Athena, 7.
Sina Jessa at Dingdong naman ay ikinasal noong March 18, 2001. May isa rin silang anak, ang singer-actress na si Jayda Avanzado, 21.
RUFA MAE VS. JESSA-DINGDONG IN 2008
Namuo ang tensiyon sa pagitan nina Rufa Mae at Jessa matapos ang tell-all interview ni Rufa Mae sa YES! Magazine February 2008 issue.
Dito ay pinangalanan at nagkuwento si Rufa Mae tungkol sa sampung lalaking nakarelasyon niya, kabilang na si Dingdong.
Ilan pa sa mga celebrity na nakarelasyon ni Rufa Mae ay ang mga aktor na sina Jay Manalo at Dennis Trillo, ang dating PBA player na si Rudy Hatfield, at ang singer na si Erik Santos.
Idinetalye ni Rufa Mae sa YES! ang “major pains” na naramdaman niya noon sa relasyon nila ni Dingdong, tulad ng pag-aaway nila dahil may bagong girlfriend daw noon ang singer.
Nagkabati raw sina Rufa Mae at Dingdong, subalit di nagtagal ay lumantad si Dingdong sa publiko para ianunsiyo ang relasyon nila ni Jessa.
Nag-react naman si Jessa at nagpa-interview sa TV para pasinungalingan ang mga sinabi ni Rufa Mae sa kanyang tell-all.
Via phone patch nagpapa-interview noon si Jessa, na kasal na kay Dingdong at nakatira sa California, U.S.A., kasama ang anak na si Jayda na noon ay four years old.
Iginiit ni Jessa na hindi nagkaroon ng relasyon sina Dingdong at Rufa Mae, at umabot lang daw sila sa dating phase.
Nilinaw rin ni Jessa na noong pumasok siya sa buhay ni Dingdong ay pareho na silang single.
Wala raw katotohanan ang bintang ni Rufa Mae na inagaw ni Jessa si Dingdong.
Dito na sumunod ang kaliwa’t kanang interviews nina Rufa Mae at Jessa sa mga showbiz talk show.
Sinabi ni Jessa sa interviews na marami umanong kasinungalingan si Rufa Mae sa kanyang mga pahayag sa interviews.
Ipinagtanggol naman ni Rufa Mae ang sarili, tulad ng paglilinaw na wala siyang sinabing nang-agaw si Jessa. Ang tanong daw niya noon kay Dingdong ay, “Bakit si Jessa ang pinili mo?”
Nanindigan si Rufa Mae sa kanyang sinabing nakarelasyon niya si Dingdong sa loob ng isang taon.
Iginiit din niyang naging totoo siya sa kanyang mga pahayag sa interviews.
Nagpalitan ng maaanghang na pahayag ang dalawang aktres sa kani-kanilang interviews. Pinasinungalingan at kinontra ang paratang sa isa’t isa.
Hindi nagkaroon ng magandang wakas ang palitan ng mga pahayag ng dalawang aktres.
Lumipas ang 16 taon, gaya ng sinabi ni Rufa Mae, ibinaon na lamang nila sa limot ang kanilang naging sigalot.
News
Nagdulot ng kaguluhan si Matteo Guidicelli sa kanyang ika-35 na kaarawan – Sarah Geronimo beams bago ang malaking anunsyo/hi
On March 26, Matteo Guidicelli officially turned 35 at a cozy yet lavish party. But what made the Philippine showbiz stir was not just the grand birthday celebration, but the shocking announcement he made in front of his family, friends…
News 𝗔𝗝 𝗥𝗔𝗩𝗔𝗟 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗟𝗔𝗕𝗢𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗧𝗔𝗜𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗪𝗢𝗥𝗟𝗗 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗡𝗔 𝗞𝗬𝗟𝗜𝗘 𝗣𝗔𝗗𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗔𝗧 𝗔𝗟𝗝𝗨𝗥 𝗔𝗕𝗥𝗘𝗡𝗜𝗖𝗔/hi
The showbiz world was shocked when the news of Kylie Padilla and Aljur Abrenica getting back together spread. But more than the public’s surprise, it seemed like a huge emotional blow for AJ Raval. According to a source, AJ could…
Atong Ang Reacts Sa Sexy Looks Nina Sunshine Cruz At Ina Raymundo Sa BENCH Fashion Show 2025! (Panoorin Ngayon)/hi
The **BENCH Fashion Show 2025** catwalk exploded with the charming appearance of two beauties **Sunshine Cruz** and **Ina Raymundo**. Among a series of famous models, the two veteran stars still took the spotlight, making even businessman Atong Ang “freeze” before…
WATCH NOW: Sunshine Cruz and Ina Raymundo Shock with Bold Outfits at BENCH Fashion Show 2024! (video)/hi
The BENCH Fashion Show 2024 event became the center of attention when two famous beauties Sunshine Cruz and Ina Raymundo appeared charmingly on the catwalk. Although they are in their 40s and 50s, both of them still amazed the audience…
SHOCK: Buboy Villar Welcome sa Bagong Bata, Dalawang Anak Sa Angillyn Iniwan? Ano ang Katotohanan?/hi
Actor Buboy Villar once again became the center of discussion when the news of his new child spread across social media. However, what made the public debate was whether his two children with Angillyn Serrano Gorens were really abandoned or…
Aljur Abrenica 35th Birthday❤️Napa-IYAK at Na-SHOCK sa Supresa ni AJ Raval at mga ANAK sa Kanya! (video) /hi
Actor Aljur Abrenica just celebrated his 35th birthday in the most touching way! An emotional surprise brought him to tears when AJ Raval and his children gave him a special gift that he had no idea about. According to the…
End of content
No more pages to load