Robin Padilla, naniniwalang magkakabalikan ang KathNiel
Robin Padilla: “Pag gumawa ng pelikula yun, magkakabalikan yun.”
Robin Padilla on nephew Daniel Padilla and Kathryn Bernardo: “Sa tagal natin sa industriya, alam naman natin lahat ng mga ganyang partnership, yung loveteam, dadaan talaga sa prosesong ganyan. Kasi, nagma-mature sila, e. Nakikita na nila yung mundo kung gaano kalawak ang mundo. Kasi dati, ang liit lang ng mundo niyan… Pero ako, alam kong magbabalikan yan.Naniniwala si Senator Robin Padilla na magkakabalikan ang pamangkin niyang si Daniel Padilla at ang ex-girlfriend nitong si Kathryn BernardoMagkakabalikan yun, oo. Magkakabalikan yun!” bulalas ni Robin sa storycon ng pelikulang Gringo: The Greg Honasan Story noong Hunyo 26, 2024, Miyerkules, sa Cliffpoint Studio sa Pasig City.
“Pag gumawa ng pelikula yun, magkakabalikan yun. Ganun lang talaga.
“Sa tagal natin sa industriya, alam naman natin lahat ng mga ganyang partnership, yung loveteam, dadaan talaga sa prosesong ganyan.
“Kasi, nagma-mature sila, e. Nakikita na nila yung mundo kung gaano kalawak ang mundo. Kasi dati, ang liit lang ng mundo niyan.
“Mga bata yan, e. Mga bata yan, tapos umusbong ang pag-ibig. Di wala ka na lang nakikita araw at gabi kundi mukha nung babae, o mukha nung lalaki.
“Siyempre ngayon, iba na. Nag-mature na sila. May mga bago nang… siyempre, iba na yung mga project niyan.
“May maturity na. So, talagang expected. Expected.
“Pero ako, alam kong magbabalikan yan.”
ROBIN’S MESSAGE TO KATHNIEL
Ano ang maipapayo niya sa KathNiel?
“Sa kanilang dalawa? E ngayon, hanggang magkahiwalay kayo, mag-enjoy din kayo sa mga sarili ninyo,” tugon ni Robin.
“Habang nag-e-enjoy kayo, dun niyo malalaman — mahal niyo ang isa’t isa.”Ex-couple Kathryn Bernardo and Daniel Padilla
Sana, magdilang-anghel si Robin tungkol kina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Maraming matutuwa kapag nangyari iyan dahil sadyang hopia tayo sa mga good love stories.
Sa ngayon, magiging busy si Kathryn sa shoot ng Hello, Love, Again sa Canada, at doon ay hindi niya kasama si Daniel kundi ang leading man niyang si Alden Richards.
Will absence make the heart grow fonder? We’ll see.
Magkakatotoo ba ang sinasabi ni Senator Robin? Wait and see tayong lahat.Nobyembre 30, 2023, Araw ni Andres Bonifacio, nang kumpirmahin nina Kathryn at Daniel sa Instagram ang kanilang paghihiwalay matapos ang labing-isang taon
Take note na tinagurian si Bonifacio na Supremo, at ang IG handle ni Daniel ay @supremo_dp.
Binansagan si Daniel na “Supreme Idol.”
Kasama si Daniel sa pelikulang Bonifacio: Ang Unang Pangulo (MMFF 2014) na pinagbidahan ni Robin Padilla, pero wala silang eksena roon na magkasama.
WILL DANIEL JOIN GRINGO CAST?
Posible bang makasama si Daniel sa cast ng Gringo: The Greg Honasan Story na ipoprodyus ng Borracho Films?
“E, kung sinabi ni Atty. Ferdie Topacio na gusto niyang kunin si Daniel, kakausapin ko si Daniel,” tugon ni Robin.
“Pero ang hirap kai nung meron na silang nakuha, tapos papasok ako. Artista rin naman ako. Ayoko ng ganun.
“Pero kung una pa lang, sinabi nila sa akin, na kung gusto kong kasama si Daniel, gagawin ko yun.”
Bising-busy si Robin sa Senado. Paano niya isisingit sa schedule ang shooting ng Gringo: The Greg Honasan Story?
Challenging ang pelikula na tatalakay sa 1986 People Power Revolution.
“Yun po ang pinag-usapan namin na sana, makapag-umpisa na habang break,” sambit ni Robin.
“Kasi ngayon, walang plenaryo. Sinabi ko sa kanila, pagka nagkaroon ng plenaryo, hindi ako nag-a-absent.
“Kahit ngayon, kahit break, naghi-hearing ako. Kung napanood niyo kahapon, mula alas nuwebe ng umaga, hanggang alas sais kami naghi-hearing.
“E, bukas uli. Ano lang, basta huwag lang tumama sa plenaryo.