Rey Valera: Tuwing nakikita kita sa labas, ikaw lang ang nakikita kong walang kasama. Wala. Ikaw lang mag-isa. You’re all alone. Hindi ko maintindihan, why. I think may pagkakapareho tayong konti. You are your best friend. Ikaw ang mentor mo, sarili mo. Ikaw na rin ‘yung cheering squad mo at the same time. At kung hindi ka man ngitian ng lady luck ngayon, l’m sure dahil ‘yun sa alam niya na ikaw ang gagawa ng sarili mong swerte at hindi mo siya kailangan. Because ‘yang ganiyang klase ng tao, you will always find your way. Good luck, sa’yo!
Vice: Ang ganda-ganda naman ‘nung sinabi ni sir Rey.
Anne: Naiyak ako doon.
Vice: Ang ganda. Tsaka ‘yung pagkakasabi niya alam mong galing sa puso ni sir Rey kasi nagka-crack yung boses niya.
Sofronio: Salamat sir Rey.
——-
Binalikan ng mga netizens ang emosyonal noon na mensahe ni Tawag ng Tangalan hurado Rey Valera 6 years ago na nagpa-iyak din sa noo’y contestant ng show at ngayo’y winner ng The Voice USA na si Sofronio Vasquez.
SOFRONIO HAS INDEED FOUND HIS WAY